Chapter 9

5 1 0
                                    

Resort

Bumalik na si Mr.J sa kanilang resort at sinalubong kaagad ito ni Amanda

"Honey? Saan ka galing? Kanina pa ako nag-aantay sayo, kumusta ang lakad mo?" Nilambing naman siya ni Amanda

"Honey, may pinuntahan lang ako, isang tao na magpapasaya sa ating anak, and I'm sure hindi niya matatanggihan ang offer ko sa kanya" hinubad ni Mr.J ang kanyang blazzer

"Ano? Paano nangyari? I mean ano ang ginawa mo para ma convience siya? Ako inabot ko siya ng best prize and pera para tangapin niya pero ayaw niya" nagyosi naman si Mr. J

"Alam mo Honey, wala pa akong tao na hindi ko pa napasunod, for sure Sky will accept the offer lalo na ngayon na need niya ng pera pampa opera para sa kapatid niya. I will assure you, he will not regret this. And for that magiging masaya na ang anak natin na si Danica dahil napapilit ko ang gusto niya" nagkuha naman siya ng alak at uminom

Nagpalakad lakad si Amanda na parang nagalala siya baka ano mangyari sa plano ni Mr.J

"Kinakabahan ako baka kasi mapurnada plano natin? Ayaw ko masaktan ang anak natin" niyakap naman siya ni Mr.J

"Amanda magtiwala ka sa akin pag ako ang mag offer at mag plano hindi mapupurnada yan, sigurado ako! Sige na kain na tayo? Tara na"

—————————————————————————————————————-

Sky's POV

Umalis kaagad ako dun sa secret room ni Mr.J para puntahan si Heaven. Ano kaya nangyari sa kanya

"Erica ano nangyari kay Heaven? Bakit sinugod siya dito sa hospital? Alalang alala ako sa kanya, alam mo naman na andito din ang kapatid ko ayaw ko mawala si Heaven"

"Kuya hinimatay si ate" nabigla ako sa narinig ko

"Ba- - kkiit???" Tanong ko sa kanya

"Kasi ano kuya" kinamot ni Erica ang buhok niya na parang natatakot siya na may masabi

"Ano nga?" Alalang sigaw ko. Kasi naman pabitin tong si Erica

"Kuya kasi napagod si ate at nagkasakit kaya hinimatay siya may lagnat siya kahapon. Pasensya kana Kuya" nakahinga ako ng maluwag hays buti naman

"Buti naman at ganon lang sobrang nagalala ako sa kanya, siya nga pala alis muna ako punta lang ako sa kapatid ko" tumakbo na ako

Pumunta agad ako sa kwarto ng kapatid ko andon lang nakatayo si Yaya Ester na tila umiiyak siya. Ano kaya nangyari

"Yaya? Anong meron?" Lumingon si Yaya at niyakap ako

"Nak kasi yung kapatid mo malubha na ang lagay, hindi kapa ba nagbabayad para sa operasyon niya? Kailangan na niya maoperahan sa lalo madaling panahon. Pag pinatagal mo pa to Sky maari niya tong ikamatay" umiyak ulit si Yaya Ester sa pagulat niya sa akin

Hindi ko na talaga alam ano gagawin ko. Pinakita na ni Yaya Ester ang payment ng operasyon nagkakahalaga ng 200,000 saan naman ako nito kukuha ng ganito kalaking pera? Eh ipon ko palang hindi na kasya.

"Yaya Ester? Saan naman tayo kukuha nitong kalaking pera?"

"Hindi ko din alam nak! Wag ka magalala, magtanong-tanong ako tsaka nak, uutang na rin ako" niyakap niya ako ng todo.

Nabigla ako ng pumasok si Olivia mukhang alam na niya ang balita.

"Kuya may paraan pa para mapa operahan natin si Jaime" nabulunan ako ng tinik sa lalamunan ano naman paraan yun?

"Ano naman yun?"

"Kuya ibenta mo na ang resort" nabigla ako sa sinabi niya. Ano? Hindi maari.

Hindi niya pwede ibenta ang Resort ng ganon ganon lang, yun nalang natitira naming ala-ala kay Dad and hindi ako papayag. Baka magalit si Jaime

"No Olivia! Yan nalang ang natitira nating alala-alala kay papa tapos ibebenta natin? Wag tsaka baka magalit si Jaime"

Ano ba nangyayari. Hindi ko na alam ano gagawin ko. Teka, isa nalang ang paraan naiisip ko para dito

"May naisip ako, ito nalang ang paraan para natulungan natin si Jaime" tinignan naman nila ako nila Olivia at Yaya Ester

"Ano naman yun?" Tanong ni Yaya

"Tatanggapin ko ang offer sa akin ni Mr.J, yun nalang ang way para mapagamot ko ang kapatid ko" pinunansan ko ang luha ko

Umalis ako sa kwarto ni Jaime at sinundan ako ni Yaya

"Nak? Sigurado kana ba sa desisyon mo? Nak alam ko napakahirap nitong gagawin mo na ito, sinisiguro ko lang na hindi mo to pagsisihan sa lalong madaling panahon"

Tama din siya ano? Pano napakahirap ng offer ni Mr. J magpapakasal ako sa taong hindi ko naman gusto? Pero kasi napaka laki ng offer na yun

"Ya, yun nalang ang paraan ko, kahit labag sa kalooban ko." Hinawakan ko ang kamay ni Yaya

"Ya, isa lang pakiusap ko sana sa inyo"

"Ano yun nak?"

"Kung pwede wag mo nalang sabihin kina Jaime at Olivia itong desisyon ko, kung ano mang mangyari paki bantayan nalang si Jaime bago ako umalis" tumango naman siya

Kinuha ko na ang calling card ni Mr.J at tinawagan ko siya

["Hello? Sino ito?"]

["Mr.J magkita tayo, tinatanggap ko na ang offer mo"]

Itutuloy.....

Aking SintaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin