Chapter Seven

2.4K 57 2
                                    

TINAHAK ng sasakyan ni Ryan ang daan patungo sa isang lugar na hindi alam ni Harmony. Pinagkakatiwalaan ng babae si Ryan kaya hindi na siya nagtanong pa kung saan siya nito dadalhin.

Makalipas ang halos isang oras ay nakarating na sila sa isang mall sa Alabang. Nagtaka si Harmony kung bakit doon siya dinala ni Ryan.

"Akala ko sa restaurant tayo pupunta," sabi niya sa lalaki.

Nilingon siya nito at nginitian. "Manonood muna tayo ng sine bago kumain," sabi naman ni Ryan.

Kumunot na ang noo ni Harmony. "Huh? Nagugutom na ako! Mamaya na tayo manood ng sine."

Tumawa lang si Ryan at hinila siya papasok sa loob ng mall. Nakasimangot si Harmony habang nakasunod kay Ryan. Nilingon siya ng lalaki.

"Bakit nakabusangot ka? Kakain naman tayo mamaya, eh. May gusto lang talaga akong panoorin."

"Hindi ba pwedeng mamaya ka na lang manood pagkatapos kumain? Gutom na gutom na kasi talaga ako."

Hinawakan ni Ryan ang magkabilang pisngi ni Harmony. Tinitigan siya nito sa kaniyang mga mata bago nagsalita.

"Saglit lang talaga 'to. Promise! Kahit anong gusto mong kainin mamaya, ibibigay ko sa 'yo. Samahan mo lang muna ako ngayon. Please."

Napairap na lang si Harmony. Bumuntong-hininga siya bago sinagot ang lalaki. "Fine! Basta ibili mo ako mamaya ng lahat ng gusto kong kainin."

Malapad na ngiti ang ibinigay ni Ryan sa kaniya. "Yes, Ma'am!" tugon nito at mabilis na hinalikan siya sa labi.

Natigilan si Harmony dahil sa ginawa ng lalaki. Dahil doon ay nagpatianod na lang siya sa muling paghila ng lalaki sa kaniya.

Nang makarating sila sa sinehan, nagtaka si Harmony nang diretso lang nilang tinungo ang Cinema 1 nang hindi man lang bumibili ng ticket. Bumitaw siya sa hawak ng lalaki.

"Hoy, teka lang! Hindi pa tayo bumibili ng ticket," aniya.

Ngumiti si Ryan sa kaniya. "Okay lang 'yan. Nagpareserve na ako. 'Di na natin kailangang bumili pa ng ticket," anito at naglakad nang muli.

Nagtataka man ay sinundan na lamang ni Harmony ang lalaki dahil tila alam naman ng lalaki ang ginagawa nito. Nginitian lang ni Ryan ang mga tao sa labas ng Cinema 1 at hindi man lang sila hinarang nang pumasok sila sa loob.

Umupo sila sa bandang gitna. Hindi pa nagsisimula ang pelikula. Naalala ni Harmony na hindi nga pala niya nakita kung ano ang pelikula na panonoorin nila. Nakalimutan niyang tignan iyon sa labas dahil tuluy-tuloy silang pumasok sa loob.

Nilingon ng babae si Ryan. "Ano bang panonoorin natin?" tanong niya rito. "Hindi ka man lang bumili ng popcorn. Kainis 'to!"

Tumawa ang lalaki. "Kakain naman tayo maya-maya, eh. Relax ka lang muna diyan."

Sumandal na lang si Harmony sa upuan at hinintay na magsimula ang pelikula. Maya-maya lamang ay umilaw na ang screen—hudyat na magsisimula na ang palabas. Umayos ng upo si Harmony.

Nagsimula kaagad ang pelikula. Nagtaka si Harmony. Walang ipinakitang trailer ng ibang pelikula. Nagsimula na lang iyon basta. Hindi kaya indie film ito? Baka kilala ni Ryan ang gumawa ng pelikula at kailangan niya itong panoorin kaya ito nagpasama sa kaniya. Nilingon niya ang paligid ng sinehan. Silang dalawa lang ni Ryan ang naroon. Baka indie film nga, aniya sa kaniyang isip.

Nakakabaliw, Nakakamatay (Published under PHR)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora