The Legend of Fireworks

6 1 0
                                    

"I thought you'll fall to me but I'm thankful you did not."

Handa na kong saluhin ka eh. Naka-dipa na ang aking mga braso para sa iyo. Hindi kasi kita hahayaang mahulog sa iba kaya sasaluhin kita, pero huwag na pala, ang hirap mo palang saluhin, kasi pag sinalo kita gusto ko ako na ang laman ng puso mo, ako na ang lalaking magmamahal sa iyo. Pero hindi na kita sasaluhin, wala ka namang balak mahulog sa akin eh. Pero salamat at di ka nahulog sa akin, wala naman kasi akong balak makipagsiksikan sa marami pang iba na nasa puso mo.

Napakaganda ni Lixie, walang katulad at pantasya ng lahat. Siya ang babaeng kapag nakita mo ay talagang mapapatitig ka. Natutuwa siya sa bawat papuri at pantasya sa kaniya. Lalo na at halos lahat ng makikisig na kalalakihan ay kaniyang manliligaw. Kahit ang anito ng liwanag ay nabighani sa kaniya.

Nang aksidenteng makita ni Lixie ang diwata ng liwanag na si Guk sa aniyong tao nito sa gabing siya ay pauwi ay agad siyang naakit. Ito na ata ang pinakamakisig niyang nakita na lalaki sa buong buhay niya. Agad niyang nilapitan ito at inakit. At dahil may paghanga si Guk dito ay nakisakay siya sa dalaga. Mahaba-haba ang naging usapan nilang dalawa at dahil dito ay nahulog na ang loob ng diwata kay Lixie.

Napagdesisyunan ni Guk na suwayin ang batas nila para kay Lixie. Umalis siya sa kanilang kaharian at pinuntahan si Lixie at nakita ang dalaga kasama ang isang mortal na lalaki na magkahawak kamay. Naisip niya na baka kaibigan lamang ito, nahiya siya at bumalik na lamang sa kinabukasan. Ngunit muli niyang naabutan ang dalaga kasama ang panibagong lalaki na magkayakap at maya-maya ay naghalikan. Nadurog ang puso niya at agad siyang tumakbo ng tumatangis. Hindi siya makapaniwalang sinuway niya ang batas nila para sa isang mortal na babae na wala naman pala talagang nararamdaman sa kaniya.

Isang araw bumalik si Lixie sa hardin kung saan niya unang nakita si Guk. Ilang beses siyang nagpabalik-balik ngunit wala na ang binata. Labis ang galit ni Guk kay Lixie dahil nagagawa pa nitong hanapin siya at wala naman siyang nararamdaman para rito. Paparusahan niya na si Lixie sa ginawa nito sa kaniya ngunit narinig niya itong nagsasalita mag-isa habang nakahawak ang palad nito sa kaniyang tahanan na puno ng akasya.

"Guk", tawag nito sa ka niya."Alam kong nariyan ka sa loob" Nagulat si Guk sa narinig niya. Paano ito nalaman ng dalaga? Hindi nito binanggit na isa sitang engkanto. "Hindi ka naman nahulog sa akin di ba? Salamat kung ganoon." Naguguluhan si Guk sa pinagsasabi ng dalaga. "Hindi ako mahuhulog sa iyo" Napalitan ng galit ang pagkalito ni Guk sa mga nangyayari sa huling sinabi ng dalaga ngunit agad itong nawala ng marinig niya ang sumunod na sinabi nito. "Isa kong dating diwata gaya mo, umibig ako sa isang mortal at sinuway ko ang halos lahat ng batas natin. At dahil diyan, isinumpa ako ni bathala na hindi na ko makakapagmahal uli, hindi na ko makararamdam ng pag-ibig para sa iba maliban sa pagnanasa. Magiging pansamantalang liwanag ako sa mga mata ng lahat at mawawala rin sa saglit na panahon. Nalalapit na ang panahong iyon, ang panahon na ninais ko ng mahulog ngunit hindi ko na magawa. Gusto kitang mahalin Guk, gusto kong mahulog sa iyo pero masasaktan lang kita at mawawala rin ako. Ala-ala lamang ang kaya kong ibigay sa iyo. Isang saglit na ala-ala. Paalam."

Nang marinig ni Guk ang pamamaalam ni Lixie ay agad itong lumabas ngunit mga liwanag na lang ang bumati sa kaniya. Napakaganda at ibat ibang klaseng liwanag na sumasabog sa itim na kalangitan na tila mahuhulog sa kaniya at bigla ring nawala bago pa mahulog sa kaniya.

"Lixie", tanging nabanggit ni Guk. "Salamat sa munting ala-ala. Kahit papaano alam kong sinubukan mong mahulog sa akin."

The Legend of FireworksМесто, где живут истории. Откройте их для себя