Tumango naman ako at iniwas nalang ang tingin.

Sa sumunod na mga araw, halos hindi na kami nagkikitang magkakaibigan dahil midterms na namin at napag-usapan na pagkatapos ng lahat ng exam namin ay lalabas daw kami, libre ni Kael.

Kaya nung nag Biyernes ng hapon, tapos na lahat ng exam namin ay nagkita kami sa canteen, our usual spot.

"Sine tayo? Showing pa ang Frozen 2."

Nakapagpaalam na ako kay mama noong isang araw pa lang nang sabihin ni Kael na manglilibre sya at ganoon din kay papa noong hinatid nya ako dito sa school kanina.

"Hindi ko pa napanood yan dahil sa midterms kaya go ako!" Ani Herah. Tumango rin ako.

"Let's go!"

Sumabay ulit ako sa sasakyan ni James, may dalang sasakyan lahat ng boys, ang girls, wala kasi may kanya-kanya naman silang driver, hatid-sundo sila.

Sumunod sa akin si Rena sa loob ng sasakyan ni James. Nagulat ako kasi akala ko si Herah ang susunod.

"Si Herah?" Tanong ko kay Rena. Tiningnan nya ako ng makahulugan nyang mga mata at nginuso ang labas.

"Kay Josiah sya sasabay." She winked at me.

Sinilip ko ang labas at nakita ko ang papasok sa sasakyan ni Josiah na si Herah, sumunod sya kay Michelle, kumaway sya sa akin at ngumiti nang mahagip nya ako ng kanyang tingin. Kumaway ako pabalik at tumango.

"Josiah must notice Herah's effort! Hindi yung sa ibang babae sya tumitingin! He's better with pretty Herah." Ani Rena nang makita namin si Josiah na sinisirado ang pinto ng kanyang sasakyan para kina Herah.

Ngumiti ako at tumango. "You're right Rena. Wala na syang ibang hahanapin pa kay Herah." Sabi ko at iniwas ang tingin.

"Exactly! Herah's nice and very, very beautiful, and rich, too! They're a match made in Heaven!" Humalakhal sya.

Inayos ko ang medyo nagusot kong uniform dahil sa pag-upo at pag-ayos na rin ng bag ko sa aking lap.

"Tama ka, Rena. Sana nga mapansin at makita iyon ni Josiah."

Tumikhim si Rena at huminga ng malalim. "Josiah's a jerk! But he'll be better with Herah. I can see that!"

Hindi na ako nagsalita pa muli at tinuon nalang ang pansin sa pumasok na si James.

"Let's go?"

Tumango kami ni Rena. Sa biyahe ay puro kwentuhan lang kami ni Rena at James tungkol sa exam namin buong Linggo.

"Hindi naman maiiwasan pero sana mapasa ko lahat." Sagot ko nang tinanong ako ni James kung nahirapan ba ako sa exam.

"I'm just thankful na lumabas ang mga pinag-aralan ko, there are some na hindi lumabas but okay lang." Nagkibit-balikat si Rena, hinahawi ang hanggang balikat nyang buhok.

Nang nakarating na kami ng SM, nag-ayos muna ako ng buhok, ganoon din naman si Rena. She offered me her perfume kaya tinanggap ko.

"Thanks!"

Ngumiti sya habang nilalagyan ng lipstick ang labi nyang hindi naman kailangan ng lipstick dahil mapula na ito, but if she prefer to put some lipstick, then I should not question that.

Sinilip ko ang mukha ko sa salamin, pale, wala man lang kung anong palamuti ang nilagay but who cares?

Sabay kaming bumaba ni Rena, nakita ko agad ang mga kaibigan kong nag-uusap-usap na. Lumapit kami ni Rena sa kanila.

Iniwan namin ang aming mga bag sa sasakyan para wala ng sagabal sa loob ng sine.

Tumabi ako kay Herah sa tabi ni Josiah. Kinabit nya agad ang kanyang kamay sa aking braso nang mapansin ako. Ngumiti ako sa kanya.

Wrong TimingWhere stories live. Discover now