Kumunot ang noo ko. So, ano ngayon?
"I just hope na you're not one of those." Pagpatuloy nya.
What? One of those?
My interaction with Evan, was the same as my interactions with my classmates. What's the big deal? Parang ginagawan talaga nila ng meaning ang mga simpleng bagay na hindi naman kailangang palakihin.
"You're over reacting Josiah. Nagkita lang, one of his girls na agad? Don't tell me, my interactions with you boys, means, I'm one of your girls, too?" Umirap ako. Parang naiinis na naman ako sa mga lumalabas sa bibig nya.
"Oo nga naman, Josiah." Ngisi ni Logan. Ang plastik! If I know, sinasabayan nya nalang ako ngayon para hindi sya madamay sa mga sinasabi ko! Eh sya naman yung nagsimula.
"I'm just concern, okay? What's your problem?" Binitiwan ni Josiah ang mga hawak nyang construction paper at gunting. And I can hear the sarcasm and at the same time, menacing voice.
Concern my ass! Well, I don't need your concern, Josiah! Ibigay mo yan sa mga babaeng niloloko at pinaglalaruan mo lang!
"Whatever!" Inirapan ko sya.
"Oy! Oy! Chill lang guys! Para kayong mga aso't pusang may pinaglalaban." Tumawa si Rena.
Nilingon ko si Herah na pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Josiah. Hindi na ako nagsalita dahil baka may maisip na naman itong iba.
Nilingon ko si Josiah na binalik na ang pansin sa ginagawa kanina. Pinilig ko ang ulo ko at hindi na sya kailanman binalingan ulit ng tingin hanggang sa dumating na sina Kael.
Binigyan ako ni Kael ang slice ng pizza at tubig nung tumabi sya sa akin. "Thanks!" Ngumiti ako. Ngumiti rin sya pabalik.
"Ano yang ginagawa nyo?" Tanong nya sabay turo sa laptop.
"Ibang requirement namin sa major." Sabi ko at ikinlose ang tab. Nahihiya akong gumawa ng project gayong may ibang nakatingin sa gagawin ko.
"Oh, tapos na?" Tanong nya.
Umiling ako. "Sa amin ko na tatapusin." Sagot ko. Tumango naman sya.
Nakita ko ring niligpit na rin ni Herah ang laptop nya nang nakitang ganoon din ang ginawa ko. Pagkatapos nun ay nilantakan na nya ang pagkain nya.
Tiningnan ko si Josiah na seryoso ang matang nakatingin sa ginugupit nya. I should act like nothing's happened kanina.
"Josiah," Tawag ko sa kanya. Nagtaas sya ng tingin sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Akin na. Ako na ang tatapos nyan sa bahay." Sabi ko. Binigay naman nya.
"Oh, tinulungan mo sila Josiah?" Humalakhak si Kael sa gilid ko kaya ngumisi rin ako.
Tumingin si Josiah kay Kael but there's no humor in his eyes. Hindi rin sya nagsalita kahit na noong tumahimik na si Kael.
Tinapos ko nalang ang pagliligpit ng mga kalat ko at pinasok sa mga lalagyan nito. Ang mga basura naman ay nilagay ko sa plastic, mamaya ko na ito itatapon. Kakain muna ako.
"Gusto mo?" Lahad ni Kael sa fries. Umiling naman ako.
"Thank you. Okay na ako dito." Turo sa pizza.
Tumango sya at nagsimula na rin akong kumain. Tiningnan ko si Josiah na nakatingin pala sa akin, muntik pa akong mabilaukan sa gulat.
"Josiah, kumain ka na rin. Sayang pera mo." Sabi ko at humalakhak habang puno pa yung bibig ko sa pizza.
Kita ko namang kumuha na rin sya sa nakalatag na maraming pagkain binili nina Kael. "I'll eat and don't laugh when your mouth is full, mabibilaukan ka." Aniya.
YOU ARE READING
Wrong Timing
General FictionPerfect Timing? Everyone's wishing for that. In my case, I believe, I may not have mine before, today, maybe, I'll have it tomorrow? The next day? Next, next day? And the following days? But why does it feel like, the more I wanted to make this tim...
Chapter C
Start from the beginning
