"Lika na!" Ani Ken.

"Nah, dito nalang ako." Ani Josiah. Nilingon ko sya at kita ko ang kumikislap nyang mga matang nakatingin kina Kael.

"Me too, I'm tired!" Tumawa si Logan.

"You lazy af! Samahan nyo kami!" Si James.

Umiling si Josiah at kumuha ng pera sa wallet nya. "Kayo na bumili, we're tired. Dito nalang kami."

Sinapak ng biro ni James ang braso ni Josiah pero kinuha rin naman ang isang libo ni Josiah. Umiling ako.

"Sige na nga! Sama mo na rin snacks namin ah!"

Tumawa si Josiah pero tumango na rin naman.

Nang nakalayo na sina Kael ay bumaling sya sa akin.

"Do you need any help?" Aniya at tiningnan ang ginagawa ko. "I can do it for you." Sabay turo nya sa gunting na hawak ko. Nagkatinginan kami ni Herah at nginunguso na umu-oo ako.

Tiningnan ko ang mga construction paper na may mga marka ng lapis para yun ang sundin sa paggunting. "Baka pagtawanan mo lang tong design ko, Josiah. Naku!" Sabi ko at iniwas sa kanya ito.

"I didn't said anything. Come on!" Aniya at nilahad ang kamay. Tinitigan ko muna sya at inexamine kung seryoso ba sya. I don't see any humor in his expressive eyes kaya binigay ko sa kanya ang gunting at construction paper. Ngumiti agad sya.

Binuksan ko nalang ang laptop ko habang ganoon na rin ang ginawa ni Herah. Tinutulungan naman ni Rena si Michelle, kami naman ni Herah ay sisimulan nalang namin ang Business Law. Nang naging subsob na si Herah ay binalingan ko si Josiah na busy sa pag gupit-gupit ng mga papel. Tiningnan nya rin ako at tinaasan ng kilay.

"Pag nakita kitang tinawanan mo yan Josiah, mahahambalos kita!" Sabi ko.

Ngumisi sya. "Try, baby." Aniya sa mahinang boses.

"Rain." Binalingan ko ng tingin si Logan at tinaasan ng kilay.

"Bakit?"

"You're with Evan last time? I saw you two, sa library." Aniya sa nanunuyang boses. Napansin ko naman ang paghinto ng ginagawa ni Josiah.

"Nagkita lang kami sa library accidentally, kaya nagkausap na rin kami." Sagot ko.

"Kayo lang?" Singit ni Josiah dahilan para mapatingin kami sa kanya.

"Uh, ako lang nun! Tapos nagkita kami, kaya kami lang."

Kumunot ang noo nya at tinitigang ang hawak na gunting.

"Evan? Yung classmate mo noon Rain? Na classmate na ngayon nina Josiah?" Tanong ni Herah sa akin.

Ngumiti naman ako at tumango.

"I thought sabay talaga kayo o niyaya ka nya." Nagkibit-balikat si Logan, kumunot ang noo ko.

"Uh! I remember! Noong sabi mong pupunta kang library, Rain? You met him there?" Bumungisngis si Michelle na nakikinig na rin pala, pati na rin si Rena.

"What about Lukas?" Ani Rena.

Umiling ako sa kanila. I can't believe them na pati ang interaction ko kay Evan, may ibang meaning na!

"You're being dirty minded! Aksidente lang kaming nagkita sa library, okay? No other meaning! Para kayong mga sira!" Tumawa ako.

"Akala namin pinalitan mo na si Lukas!" Tumawa si Herah. Siniko ko naman sya.

Anong papalitan? Lukas is not mine or some thing na pwede ko lang palitan. And if ever naman na magkagusto ako sa iba, what's the big deal?

"Well, Evan has a lot of girls." Ani Josiah sa harap ko, sa akin nakatingin.

Wrong TimingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora