Natigilan din si Ken sa sinabi niya at di nakasagot.

Habang ang iba ay ang sama na nang tingin samin kaya agad akong yumuko at humingi ng paumanhin sabay hila kay Krizia patayo at hinatak siya palabas ng canteen.

"Lintek kang babae ka! Ang daming kumakain doon tapos sisigaw ka ng ganon?!" Sermon ko agad sakanya paghinto namin sa gilid ng pinto ng canteen.

"Diko sinasadya mhie." Aniya sabay tawa. Aba tinawanan pa'ko ng kumag.

Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang ako sa wrist watch ko.

12:00 pm na pala at lunch break na namin ngayon.

Bale isa't kalahating oras na kaming nandito sa labas nitong baliw na ito tapos mags-stay ulit kami dito ng isang oras para nga sa lunch break jusko nakakaurat.

"What's up?!" Napatingin agad kami sa mga sumigaw at nakita namin ang iba pa naming mga kaibigan.

"Ano?! Okay pa ba kayo?!" Bungad samin ni Jessabelle.

"Tingin mo?" Walang ganang tanong ko.

"Yan sige tawa pa!" Singit naman ni Joy.

"Di naman ako yung tumawa!" Pagtanggol ko sa sarili ko.

Lahat sila ay lumingon kay Krizia na nagse-cellphone na pala sa tabi.

"Sorry." Sabi niya na wala manlang lingunan sa gawi namin.

"By the way, kumain na kayo?" Tanong ni Ayesah.

"Nope." Sabay naming sagot ni Krizia.

"Aw! Answeet Naman ng mga milabs ko! Hinintay pa talaga kami!" Sabi ni Jessabelle sabay yakap sakin at kay Krizia.

Agad naman kaming nagpumiglas rito dahil sa higpit ng pagkakayakap niya. Parang sinadya talaga ng kumag.

"Ano na mga ate? Dito nalang Tayo?" Biglang singit ni Alex, ang gay friend namin at itinuturing namin na bunso.

"Oo nga tara na!" Sigaw ni Joy sabay takbo papasok ng canteen.

"Arat na!" Sigaw din ni Krizia sa panlalaki na boses at tumakbo din pasunod kay Joy.

Kaya lahat kami ay tumakbo papasok sa loob ng canteen at sabay sabay na nagsi-upo sa palagi naming inuukupa na table.

"Ako na oorder mga ate." Sabi ni Alex sabay tayo at dumiretso sa counter. Hindi na niya tinanong kung ano ang gusto namin dahil pare-pareho lang naman kami ng kinakain rito kada araw. Sandwich at coke lang.

Habang hinihintay namin si Alex ay nagkwentuhan kami about kanina sa nangyari kung bakit daw kami napalabas ni Prof.

Lahat kami ay nagtatawanan dahil in-action pa talaga ni Krizia yung mukha ko nung inasar ko siya.

"That crazy girl argh! Nakakadiri siya!" Napatigil kami sa pagtawa nang marinig namin yung sinabi ng babae sa kabilang table.

"Siguro nanggaling yan sa mahirap na family kaya siya ganyan ew. Walang filter ang bibig." Dagdag naman ng isa pa niyang kasama.

Napatingin naman ako kay Krizia na nakangiti ng nakakaloko.

Habang sila Jessabelle, Joy, at Ayesah naman ay nagtataka kung bakit ang sama ng tingin ng dalawang babae Kay Krizia.

"Excuse me?" Pagtataray ni Jessabelle.

"What?" Mataray din na tanong ng babae.

"Bakit ang sama mo tumingin sa kaibigan ko? May problema?" Tanong niya.

"Kadiri kasi siya! Wala siyang manners! Basta basta nalang siya sumisigaw ng ganoon? Huh biatch." Pag-iinarte nito na talagang hinawi pa ang buhok.

"Krizia ano bang sinigaw mo?" Tanong ni Ayesah kay Krizia.

KAGAGOALSOù les histoires vivent. Découvrez maintenant