28

8 1 0
                                    

Andra's POV

Nagising ako sa malakas na katok na nagmumula sa labas. Tangina ang aga-aga pa tas may mambubulabog?!

Bumangon na ako at nagkusot-kusot muna ng mga mata.

"Saglit lang!" Sigaw ko dahil hindi ito tumitigil.

Nagmadali na ako sa paglapit sa pinto bago pa ito masira at pagbukas ko dito ay bumungad agad sakin ang mga kaibigan ko kasama ang mga lalaki.

"Good morning!!" Sabay sabay nilang sigaw.

Napatingin naman ako sa wall clock dito sa kwarto ko at 9 am palang.

Napalingon ulit ako sakanila nang may pagtataka.

"Bakit?" Tanong ko.

"Duh? Anong bakit? Aalis tayo kaya maligo kana!" Sigaw ni Jessabelle sabay tulak sakin patungong banyo ko.

Hindi na ako nakapagsalita dahil agad niyang sinara ang pinto matapos niya akong itulak sa loob.

Gago amputa.

*
*
*
*
*
*

*
*
*

"San ba Tayo pupunta?" Tanong ko paglabas namin ng bahay.

"Bonding?" Sagot ni Raven.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko.

"Hatdog! Wag ka ng magtanong! Alam mo naman minsan na biglaan ang gala natin!" Sigaw sakin ni Joy.

Tumango naman ang iba bilang pagsang-ayon.

"Mag commute nalang tayo guys!" Suhestiyon ni Krizia.

"Sige!" Sabay sabay nilang sabi tsaka kami sabay sabay ding naglakad.

Nagpapahuli ako dahil ang iingay at ang gugulo nila habang naglalakad.

Magkatabi si Jessabelle at Raven.

Pati narin si Ayesah at Mike.

Tapos si Joy din katabi niya maglakad si Lanz.

Kanya-kanya sila kaya naguguluhan ako.

Si Krizia naman ay nasa pinaka una at sumisigaw sigaw ng...

"Dalian niyo naman mga anak puro kayo landi!"

Tumawa yung magkakasintahan sa sinabi niya at inasar siya.

"Pag inggit! Pikit!" Asar sakanya nito.

Sumimangot naman siya tsaka pumunta dito sa likod at tinabihan ako.

"Anong inggit inggit?! Tangina niyo may Andra ako!" Sigaw niya kaya nagtawanan nanaman kami.

"Ehem."

Napatingin kami kay Renz nang bigla siyang tumikhim.

Nagtawanan sila lalo tsaka nagsalita.

"Ikaw Krizia ah! Alam mo namang kay Renz yang si Andra eh! Lumayo ka nga!" Sigaw ni Raven sabay hatak kay Krizia palayo sakin at tinulak ako patabi kay Renz.

Mga hayop.

"Hmp! Edi wag! Pake ko! Di naman ako mamamatay kung wala akong lovelife!" Sigaw niya tsaka nanguna ulit sa paglalakad patungong sakayan.

Tumawa naman nang malakas si Raven at tumingin Kay Ken.

"Nagtatampo bebe mo." Sabi niya pero iniangat lang ni Ken ang gitnang daliri bilang sagot.

Nang makarating na kami sa sakayan ay andoon si Krizia na nakasimangot habang hinihintay kami.

"Mga pre baka akala niyo nasa luneta kayo ang babagal niyo magsilakad." Saad niya.

KAGAGOALSWhere stories live. Discover now