Full House

1.2K 67 28
                                    

"Innah, baby, I'm sorry," Gabriel said as he chased after Susannah. She walked in a surprisingly fast pace towards his car. She waited by the passenger door with her arms crossed. He caught up to her and cupped her face. "I know galit ka, pero baby, they were taking you away from me...at pumayag ka naman."

"Hinayaan mo na lang sana. Hindi mo na sana inamin lahat ng sinabi mo..." she said to him quietly.

"That was the proudest moment of my life, and you're telling me hindi ko na sana inamin na mahal kita, na girlfriend kita, na inaalagaan kita...kayong dalawa ni baby?"

"Hindi lang maganda pakinggan na sa yo ako nakatira."

"Babe..."

"Umuwi na tayo, please. Kailangan ko pa magempake."

"Innah..."

"Gabe, umuwi na tayo, please. Ayokong dito pa sa labas ng bahay ng dad mo tayo nagtatalo," nagmakaawa si Susannah kay Gabriel.

Gabriel sighed and opened the door for Susannah. He waited for her to get in so he can shut the door for her and then got in the car himself. They didn't speak until he was almost near the underground parking of his condo.

"Baby, ano bang problema?"

"Kung sa yo proud moment yun, sa akin hindi," she said quietly. "Feeling ko kasi hinusgahan ako ng dad mo at ni Ella. Alam mo naman ang sitwasyon, di ba? Buntis ako sa baby nila tapos may nilalandi ako, at ang mas malala pa nito ay ang panganay ni Sir Albert? Feeling ko wala na akong mukhang ihaharap sa kanila."

Naglakad na si Susannah papunta ng elevator. Tahimik na sumunod na lang si Gabriel sa kanya. Hinawakan ni Gabriel ang kamay ng dalaga at hinayaan naman sya ni Susannah. Nung nakapasok na sila ng condo ni Gabriel ay dumiretso si Susannah sa guest room para kunin ang bag nya sa closet doon. Binuhat nya ito papunta ng kwarto ng binata para makuha na ang mga damit nya galing sa closet ni Gabriel. Naupo si Gabriel sa edge ng kama nya for a few moments bago din pumasok ng closet nyat at kinuha ang isang maleta. He unzipped and opened the luggage and began throwing clothes in it.

"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Susannah.

"Sasamahan kita doon sa mansyon. Kung doon ka titira, eh di sasama ako sa yo."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Huwag kang baliw."

"Bakit? Masama ba na gusto kong makasama ang girlfriend ko?"

"Hindi nga pwede ang gusto mong mangyari."

"Bakit hindi? We can stay in my old room there..."

"Gabe..."

"Baby, we can get through this, as long as we stay together."

"Tama na, Gabe," she said quietly and returned to folding her clothes neatly.

"What?" he stilled her hands from folding her clothes.

"Itigil na natin to. Siguro nga, nasarapan lang ako sa panaginip, pero kailangan ko ng gumising. Hindi ang pagboboyfriend o kung ano man to ang dapat inaatupag ko. Kailangan ko ng isipin ang totoong purpose ko kung bakit ko kayo nakilala..."

"Hindi ba pwedeng pagsabayin yun?"

"Huwag kang magalala, Gabe. Sanay na ako na nawawalan..."

"I'm not letting you go just like that. Pinaglalaban kita. Ipaglalaban kita kahit na sumusuko ka na."

"Wala naman kasi akong karapatan na ipaglaban ka o yung feelings ko. Kailangan ko na lang sundin kung ano ang gusto nila." She finished packing and zipped up her luggage. "Susunduin ako nung driver nila Sir Albert bukas ng umaga. Palalabahan ko muna yung beddings na nagamit ko bago ako umalis, tsaka lilinisin ko na rin yung mga banyo. Ayoko naman iwan ang bahay mo ng makalat."

Stunt Gone Awry #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon