Nag suot ako ng long sleeve V-neck na red at pants na itim. Simple ang suot ko babawi na lang ako sa mukha.

Kinatok ko siya sa kwarto niya at agad niya rin naman 'tong binuksan. Ngumiti siya sa'kin sabay ikot sa harap ko.

"Ano nganga ka," sabi niya sa'kin sabay kindat, feeling ko naging kamatis ako doon ah dahil ang ganda-ganda niya. Nak simpleng long sleeve lang din siya na white at short na maong. Hindi naman maikli kaya hindi na ko nagreklamo sa suot niyang shorts.

"Tara?" Pag aaya ko sa kaniya.

"Tara." sabay ngiti niya sa'kin at sabay kaming kaming bumababa ng hagdan. Bago kami makalabas ng mansion eh sari saring pang-aasar muna ang nakuha naminsa mga tao doon. HAHA ingget lang sila kasi may love life kami.

"Akin na 'yung bag mo," sabi ko sa kaniya at hinigit ko 'yung body bag n'yang pink na strawberry.

"Mukhang baklain d'yan HAHA." Napakamot ako ng ulo oo nga mukha akong baklain pero ayos lang. Para naman sa kaniya lahat ayos lang,

"Hindi nila ako pagkakamalang bakla dahil ang ganda ng kasama ko, syempre iisipin nila na ayaw lang kitang mahirapan magbitbit ng dala mo." napangiti siya at nakita ko namula ang mga pisnge niya.

"Sus kunwari ka pa na ayaw mo kong mahirapan pero ang totoo type mo 'yang pink na bag ko." aba pang-asar 'tong isang 'to ah,

"oo type ko ang pink pero hindi 'tong bag mo, kundi 'yang labi mo." nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at ramdam ko ang paghinga niya at kitang kita ko kung pano siya mangatog at mamula.

"Tigilan mo ko Marshall." hinampas niya ko kaya napangiwe ako. Ang bigat talaga ng kamay ng babaeng 'to parang lalaki.

"Aray ha! Tandaan mo malakas ka pa sa'kin kaya dahan dahanin mo 'yang hampas mo!" Napatawa siya sabay yakap sa'kin.

"Joke lang sorry na!" Sus kung 'di ko lang 'to mahal eh, bakit ganun ang mga babae unting lambing lang saming mga lalaki bumibigay na kami. Asar!

"Sus tara na nga." tumango siya at inakbayan ko na siya.

Pumunta kami sa mall at namili at naglaro sa mga arcade, madaming mga mata ang nakasunod at nakamasid samin. Bakit ngayon lang ba sila nakakita ng perfect couple? HAHA

"Ano ba Marshall! Dito tayo para marinig nila ang boses mo." hinihila niya ko sa live videoke sa isang arcade doon.

"Doon na lang tayo sa isang room." ngumuso siya at nagpacute sa'kin.

"Sige na please." wala na kong na gawa masyado talaga ang mahina pagdating sa babaeng 'to.

Siya ang pumili ng kanta at kinuha ko na ang mic. Nag simula na ang tumugtog at na gulat ako dahil titanium ang kanta. Putcha pang babae 'to eh at sobrang taas! Bahala ka Fiolee gagawin ko 'tong jazz hahaha.

[Play Media]

"You shout it out
But I can't hear a word you say
I'm talking loud not saying much
I'm criticized
But all your bullets ricochet
Shoot me down, but I get up." ginawa kong jazz dahil masyadong mataas 'to, nakita ko naman na todo ang pag suporta niya sa'kin at tuwang tuwang akong pinagmalaki.

"I'm bulletproof, nothing 'to lose
Fire away, fire away
Ricochet, you take your aim
Fire away, fire away." nakatawag ata kami ng pansin at madaming nakapaligid saming mga tao, pero mas madaming mga babae na sing edad lang namin. Nakatingin sila sa'kin kaya parang nahiya ako bigla.

"You shoot me down but I won't fall
I am titanium
you shoot me down but I won't fall
I am titanium." pataas na 'to ng pataas pero hindi ko binabago ang tono ko, hindi kasi kaya ng bose ko ang napakataas.

Your Blood Is MineNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ