The Killer
"maawa ka! B-bigyan mo pa ako ng i-isa pang pag kakataon! Ibibigay ko yung hinihingi mo wag mo lang akong p-patayin!!" pagmamakaawa ng isang matabang lalaki. May makapal itong balbas at may kaliitan bilugan ang tyan at may pag ka maitim.
Napangisi ang estranghero, balot na balot ang mukha nito, kaya't di matukoy ng matabang lalaki kung ito ba ay lalaki o babae. Hindi rin ito nagsasalita ang tanging alam nya lang ay may gusto itong kunin sa kanya.
Hindi nya mabatid kung ano ang pakay nito. Isa lang ang sigurado sya may galit sa kanya ang estrangherong nasa harapan nya.
"wag m-mo p-po akong patayin! M-may m-mga a-anak pa po a-akong kailangan b-buhayin!!" lumuhod ang matabang lalaki at hinawakan ang sapatos ng estranghero.
Naririndi na sya sa pag mamakaawa ng lalaki kaya't kinasa nya ang kanyang baril at itinutok sa noo ng matabang lalaki.
"maawa? Sa ginagawa mo... Mas pinapadali mo lang ang buhay mo" nanggigigil nitong saad. Nanlaki ang mga mata ng matabang lalaki. Nasisigurado ng estranghero na nakilala na sya nito, dahilan upang mapangisi sya.
"i-ikaw si-" hindi nya na pinatapos mag salita ang lalaki at tuluyan ng kinalabit ang hawak nyang silencer pistol. Bumulagta ang lalaki sa lupa, bakas sa mukha nito ang gulat at takot. Naglikha ito ng isang maliit na butas sa noo ng lalaki.
Unti unting nahulog ang katawan nito sa maduming lupa. Dahilan upang pagak syang matawa.
Ngayon masasabi nyang unti unti na syang natutuwa sa kanyang trabaho. 'masarap pumatay' tanging bulong ng kanyang isip.
Hindi naman inosente ang baboy ramong iyon. Katulad nya, miitim din ang budhi nun, mas maitim nga lang ang budhi nya dahil handa syang pumatay kahit na sino pa ito.
Kinuha nya ang isang bote ng sulfuric acid at walang kagatol gatol na ibinuhos sa mukha ng lalaki. Napalingon sya sa trunk ng kotse kung saan nakalagay ang mga Iba't ibang klase ng kutsilyo .
Nilipat nya ang tingin sa bangkay na kasalukuyang nakahiga, maya maya'y binalik ulit ang tingin sa mga kutsilyong nakalatag.
Malademonyo syang ngumisi ng makaisip ng disenyo sa maputlang bangkay ng lalaki.
Agad syang napalingon ng marinig sa di kalayuan ang mga yapak na paparating.
Gusto man nyang gawin ang nasa isip nya, hindi na sasapat ang oras. Dalawang oras na lang at mag mamadaling araw na. Sinuot nya ang kanyang gloves at nilinis ang mga ebidensya na maaaring mag turo sa kanya.
Sinunog nya ang mga ebidensya kasama ng naaagnas na katawan. Tinitigan nya sa huling pagkakataon ang bangkay ng lalaki. Hindi na ito makilala gawa na rin ng sulfuric acid na kanyang ibinuhos. Binuhos nya na lahat ng gas at inihagis ang sinindihang lighter na nakita nya sa bulsa ng lalaki.
Umalis na sya bago pa lumaki ang sunog. Alam nyang may darating na tao ano mang oras. Tinanggal nya ang balot sa muka, Isang magandang ngiti ang kanyang pinakawalan habang nakatingin sa rear view mirror kung saan kitang kita parin ang usok na dulot ng nasusunog na katawan.
Natanaw nya naman sa di kalayuan ang mga taong nag mamadling pumunta sa kinaroroonan ng usok.
'napaka swurte nya' t may nakatuklas sa bangkay nya' isip isip nya. Dahilan para humalakhak sya.
he's not heartless after all. Kung sa ibang pagkakataon papatayin nya ito sa lugar kung saan walang makakatuklas. Ngunit biglaan ang mga naging desisyon nya at hindi masyadong napag planuhan ang mga bagay na iyon.
Dinial nya ang number ng susunod nyang target
"get ready" a develish smile formed to the stranger's lips
Hindi sumagot ang nasa linya pero nababatid nya ang takot na bumabalatay dito.
Alam na ng mga ito kung anong tinutukoy nya. Sigurado na din syang alam na ng mga ito ang sinapit ng kanilang ama.
Pinatay nya na agad ang linya pag sabi ng mga litanyang gusto iparating sa susunod nyang target.
Hindi nya na lang basta pwedeng isawalang bahala ang mga nabubuhay na ebidensyang naiwan.
Iyon ay ang pamilya ng lalaking iyon. Sigurado syang lahat ng nalalaman nito ay nasabi na sa kanyang pamilya. Sigurado din syang nabalaan na ang mga ito bago pa nya ito patayin.
Tinapon nya ang sim card na kanyang ginamit na tanging naglalaman lang ng isang numero. At yun ang numero ng kanyang susunod na target.
Kakatapos nya lang sa nauna nyang biktima pero nakaisip na agad sya ng plano sa pangalawa. Isang masama at madilim na plano kung paano nya ito papatayin. Hindi na sya makapag hintay na ipadausdos ang kanyang kutsilyo sa mga leeg nito.
'mas maganda sigurong sakanila ko na lang gawin ang disenyong aking naisip' napahalakhak ulit sya sa naisip at nakaramdam ng excitement.
* * *
To be Continued - ^^
YOU ARE READING
Thy
Mystery / ThrillerDifferent screams came from the victims... Where's no justice to the killer's game...
