7

115 3 0
                                    

Gusto ko nang lumubog sa sand ng Siargao. Gusto ko nang magpakalunod sa dagat ng Siargao. Puro katangahan na lang lagi ang nasasabi ko sa nilalang na ito sa tuwing nagkikita kami. Ugh, magkunwari na lang kaya akong nahimatay para hindi ko na siya kailangang kausapin?

"Okay, miss, I know you're pretty embarrassed about what happened last night. But really, you don't have to. If anything, I'm glad that you made me laugh." sabi niya sa akin pagkatapos niyang tumawa nang tumawa na para bang wala nang bukas. "What's your name?"

Nako, kung di lang talaga mukhang anghel 'to, baka sinapak ko na 'to eh. Hindi ko malaman kung nang-iinsulto. Pagkatapos akong tawanan, biglang tatanungin ang pangalan ko?

"Margie," sagot ko. "You can call me Marg."

"Well, nice to know you Marg," aniya na kinuha ang isang kamay ko at kinamayan. "I am..."

Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya. May tumawag sa di kalayuan. Isang babaeng halos maputol ang braso sa kakakaway.

"Chris Evans!" sigaw nito. "Diyos ko, si Chris Evans!"

Chris waved back. He seemed to be a little embarrassed. Nakita kong humugot siya nang isang malalim na hininga.

"Goodness, I couldn't get a break in this place," wala sa sariling nabulalas niya pagkatapos. "I wish people would stop screaming my name for one minute."

Napakagat-labi ako. Pinagmasdan ko si Chris. He looks like someone who could really use a rest. Bigla akong nakaramdam ng awa. Kaya siguro dito niya napiling magbakasyon ay dahil akala niya hindi siya makikilala ng mga tao rito. Wala siyang kaide-ideya na halos buong populasyon yata ng Pilipinas ay kilala ang Avengers.

"You know what," pukaw ko sa kanya. "I think I could do something about your problem."

FIRST KISS (A CHRIS EVANS ONE-SHOT STORY)Where stories live. Discover now