Chapter 22: I like you

Start from the beginning
                                    

"San ka pupunta?" Tanong nya sakin.

Nagtama ang paningin naming dalawa, and my heart fluttered as I looked in his face.

"Paki mo?" Sagot ko.

Kinunutan nya ako ng noo.

"Ah, sa mall lang pamangkin, papasama lang ako bumili" ate Pearl stated.

Tumayo na si ate Pearl at nasa tabi ko na sya.

"Aalis ka di ka man lang nagpapaalam?" May bahid ng pagkainis ang boses nito. Paki ba nya?

I raised my eyebrow and I met his gaze, "bakit naman? Kelangan ba yon? As far as I remember, I am in legal age so I am free. " inis kong sagot

"Ah. As far as I know din, I am your guardian as of today." He hissed.

Tinignan ko si ate Pearl na mukhang wala man lang balak magsalita.

"Talaga ba? Akala ko bodyguard lang. Guardian na rin pala?" I said in sarcastic.

He divert my gaze, tinignan nya si ate Pearl. "Tita, kausapin ko muna si Ace sandali."

Tumango si ate Pearl at lumabas ng bahay. Gusto ko syang tawagin at sabihing wag nya akong iwan pero hindi ako nakapagsalita.

Pagkalabas ni ate Pearl ay bumalik din kaagad si Ram sa pagkakasandal sa pintuan, halatang ayaw nya akong palabasin.

"Aalis ako!" Singhal ko sakanya.

"Hindi!" He answered.

Sinalubong ko ang tinggin nya sakin. Kinaya ko ang intensidad ng titig nya.

"Nabobored na ako dito! Gusto ko maglibang! Sabi mo hindi ako maiinip? Pero naiinip ako! Nasan ka ba kasi? Lagi ka namang umaalis! Kaya hayaan mo akong umalis!" Asik ko sakanya

"Anong gagawin nyo sa mall?" Tanong nito bigla.

"Lalandi! Hahanap ng gwapo tapos magpapabuntis na ako!" Sigaw ko sakanya.

I thought it as a joke or a sarcastic tone pero hindi ganoon ang nangyari dahil ganoon na lamang ang pagkunot ng noo nya.

Tumalikod ako sakanya at naupo sa sofa. Nanginginig na ang tuhod ko.

"Anong sabi mo?" Tanong nya

"Bingi ka din pala? " asik ko at inirapan sya.

"Hindi ka aalis dahil sa kakaganyan mo. " aniya.

"Edi wag! Ginawa mo na akong preso rito! Alam mo? Nakakainis ka! Ang OA mo masyado. Kung tutuusin nga dapat hindi na kita pinapansin dahil bodyguard lang naman kita na nag-aassume na guardian ko. Pwede ba? Wag kang feeling!" Sabi ko.

I saw his expression soften. I heard him sighed and I wanna smile because I knew that in this very moment, I won agaisnt him.

Naupo ito sa kaharap kong sofa. Nakatinggin sya sakin at hindi ko man lang sya matignan.

"Sige na. Umalis ka na. Wag kayong papagabi." Sabi nya bigla.

Hindi ako kumibo. "Uwi kayo agad bago mag gabi ha. Magtext ka if may emergency." He said.

Tumayo ako at iniwan sya roon. Mabuti at naroon lang sa gate si ate Pearl. Sinalubong nya ako ng may ngiti sa labi.

"Tita Pearl, uwi agad kayo bago mag gabi." Ram said to ate Pearl.

Sumakay na kami ng jeep ni ate Pearl.

"Galit ang pamangkin ko ah. Ano ba sinabi mo?" Tanong nya

"Wala naman. Pinaglihi yata sya sa sama ng loob." Sagot ko

Tumawa lamang si ate Pearl.
Things happen as ate Pearl planned.
I help her to choose which make ups suit her and we ate together in a fast food restaurant.

Her Greatest DownfallWhere stories live. Discover now