Chapter 24

786 28 6
                                    

Eighteen But A Thousand Years:
Chapter 24 - "Again"

.

.

.

Luci's PoV

Pinatay ko ang makina ng motor at tinignan si Dhara mula sa aking likuran. Hanggang ngayon ay nakayakap parin ito ng mahigpit sa'kin habang nakasubsob ang mukha sa likod ko. Nasa tapat na kami ng mansyon para sana daanan ang apat kong kasama pero mukhang hindi na kami matutuloy ngayon.

Natigilan ako nang makarinig ng pagsinghot mula sa likuran ko. Tss. Masyadong iyakin, mukhang siyang umiiyak na baboy! Kulang nalang ay sabihin nito ang 'oink, oink'. Tinanggal ko ang braso niyang nakayakap o nakakapit sa'kin tsaka bumaba ng motor. Ngunit nananatili parin siyang nakayuko at sumisinghot-singhot pa.

"Dhara?" bigla naman siyang napaangat ng tingin at nanlalaki ang mga mata. May mga natuyong luha sa kaniyang pisngi na halatang.. umiyak nga ito. Namumula rin ang pisngi at ilong niya. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung anong meron sa sinabi ko at ganiyan ang naging reaksyon niya.

'Gulat na gulat at parang tanga.'

"First time 'yan b-boss.. tinawag mo 'ko sa pangalan ko,"

"Dati ko ng ginagawa 'yon, hangal."

"ng mahinahon at hindi galit, hindi nang-aasar at magaan sa pakiramdam."

'The fvck is she saying? Nabaliw yata.'

Umiwas na lamang ako ng tingin. "Baba na diyan. Magbibihis lang ako at aalis na tayo." Sabi ko. 9:00 pm ang start ng event at 8:34 pm na, ayon sa malaking orasan na nakalagay sa itaas ng mansyon na tanging ako lamang ang nakakakita.

'Paminsan-minsan ay bumibilib ako sa taglay kong kakayahan. Tsk tsk.'

Bumaba naman siya at naglakad patungo sa loob ng bahay. I just followed her but a black smoke suddenly appeared in front of us, it's slowly forming into a human body. Yea, that was a fvcking grimreaper! Dahil sa gulat, agad kong nilingon si Dhara at nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang nakayuko siya.

'Muntik na 'yon.'

"Gagong kamatayan 'to. Muntik ka ng makita ni Dhara!" Sermon ko sa kaniya gamit ang isipan.

"Bakit ngayon lang kayo? We're late, tss."  Tanong ni Night na para bang wala man lang pakielam sa nangyari!

"Tsk! May nangyari kaya natagalan!"

"Bakit ka sumisigaw? Nakakabingi ka alam mo ba 'yon?"

"Mas okay na 'yon kaysa magulat na 'yong itim na usok ay naging ikaw!"

"Really?" Tang'na mo po.

"Hoy Night! Nakakagulat ka!" Pakunwaring sigaw ko rito ngunit pinasadahan niya lamang ng tingin ni Dhara na nakayuko parin.

"What's with her outfit?" Kunot noong tanong nito ngunit hindi ko na lamang siya pinansin. Hinawakan ko ang pulsuhan ni Dhara tsaka siya hinila sa papasok sa loob. Nang makarating kami sa living room ay nadatnan kong nakaupo roon ang tatlong bibe.

'They're in formal attire.'

"Anong klaseng suot 'yan? Tsk, nakakapangdiri." Tanong ni Dylhan. Hm, should I kill him?

"Anong ginawa niyo? Ba't ang tagal niyo?" Si Aiden.

"Ang cute ni Ate Dhara sa suot niya hehe.." si Diel habang nakangiti kay Dhara. Should I pluck the feather on his wings? "Ouch. Masakit 'yon, Kuya." He said while pouting. Looks like he can hear my thoughts.

Eighteen But A Thousand Years (RLS#1) [Revising]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora