Part 14

2.8K 104 2
                                    


(TROY POV)

Dinala ko si suzy sa park na lage kung pinupuntahan pag badmood ako o di kaya badtrip ako o may problema alam niyo na family problem.

Nagiging relax kase ako dito lalo na pag may nakikita akong bata na nag lalaro kasama ang magulang niya. I dont know why. Pero dito ko naisip dalhin si suzy.

"Troy di paba tayo uuwe?" Tanong sakin ni suzy na parang taeng tae na umuwe.

Pagkatapos namin maging official friend e. naglibot libot kame dito sa park kumain ng mga street foods at nakakatuwa siya kase sanay siya sa mga ganun pagkain pero kumain padin kame sa alam kung malapit na resturant dito baka sabehin nitong babaeng to ang cheap cheap ko.

Teka anong oras naba? Medyo madilim nadin eh. Pag cheak ko sa relo ko 6:30 pm palang naman?

"Bakit ba uweng uwe kana? 6:30 palang oh" napabuntong hininga naman siya at inayos ang salamin. Anong problema nito?

"Sabe ko kase kay mommy bibili lang ako ng new books para mapagkaabalahan ko at kakain sa mall at maglilibot libot" mahatid na nga lang to. di ko nadin matiis kasama to eh para akong may kasamang matandang dalaga.

"Sige na tara na" pag ka yaya ko sakanya nginitian niya ko ng napakatamis at dahil dun bumilis ang tibok ng puso ko at napatitig sakanya anong tong nararadaman ko?!

"Hoy troy! Wag muna ko titigan alam kung panget ako!" Ah! Oo ang panget niya sobra kaya natulala ako sakanya! Aish bakit ganito yung nararamdaman ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko at ewan!

Pagdating namin sa pinagparkan ko ng kotse e agad agad akong pumasok nakalimutan ko na nga siyang pagbuksan ng pinto e kase naman naiilang ako sa kanya.

Habang bumabyahe kame nakatulog nanaman si suzy aish ang antokin naman nitong babaeng to!

Mga thirty minutes din ang binyahe namin.

"Gising na suzy" kinakalog kalog ko siya sa balikat. Di naman siya mahirap gisingin eh hahah

Pagkamulat ng mata niya parang di nanaman siya mapakali iniisip niya nanaman siguro kung tulo laway ba siya o hindi haha.

"Di ka tulo laway sige nandito na tayo" pang aayaya ko sakanya alam ko bahay nila syempre kaibigan ko ata si prince.

Pagkapasok na pagkapasok namin. si prince kagad ang sumalubong samin at ang muka gulat na gulat. Hahah!

"Bakit mag kasama kayong dalawa?!"

-

Campus Nerd Turn To Campus QueenWhere stories live. Discover now