Part 33

2K 48 1
                                    

(SUZY POV)

"Babe, sige nanaman na!" Kanina pako pinipilit ni troy mag practise mag lyrical dance pero ayuko kase yung magtuturo samen parang pinagnanasaan si troy si troy naman parang wala lang sakanya. sarap bigwasan!

"Uyy babe!" Tinignan ko siya ng nakataas ang kilay ko at nagpapacute pa ang baliw. Nakanguso pa! Ihhh! Ang kyot naman talaga oh. Pano ko yan tatanggahin?!

"Sige na nga!" Padabog kung sabe. Ilang araw nadin ng nakakalipas nung sinagot ko si troy. Nakakarinig ako sa iba kung schoolmates o sa ibang school na di daw kame bagay ganyan kase kung ikukumpara daw muka akong yaya ni troy at si troy amo kung napaka gwapo. Hindi ko nalang sila pinapansin basta ang mahalaga kame ni troy at kung ano kame ni troy madali kameng naging komportable sa isat-isa napapangiti na nga lang pag naalala ko kung gaano ka kulit ang isang troy mendoza.

"Tara na babe!" Tawag sakin ni troy na merong ngiti sa kanyang muka. Ang swerte ko kay troy kase siya yung tipo na boyfriend na may nagagawang mali pero agad siyang hihingi ng tawad dahil alam niyang mali siya.

"Start na tayo?" Nakatingin kay troy na sabe na mag tururo samen. Kainis to!

-

Natapos ang practise namen ngayon medyo nahirapan pa nga ako eh si troy naman kuhang kuha nakakailang nga minsan kase yung ibang step.

"Kamusta ang pagsasayaw?" Bungad na tanong samen ni mama. Nandito kase kame ngayon sa sala at pinaghandaan kame ng meryenda ni mama.

"Okay na okay lang po tita! Kaso nga lang si suzy medyo di niya nagegets yung step haha!" Binatukan ko nga ang ungas! Di purkit dancer siya eh kaya niya nakong maliit maliitin pag ako naging dancer who you siya sakin azar!

"Babe naman!" Nakapout pa at nag pupuppy eyes pa. Ito talagang lalaking to! Kung di ko lang mahal to eh binitin kona to patiwarik haha joke lang syempre.

"Manamihik ka jan, kung ayaw mo makunyatan sa noo" pagtataray ko sakanya. Ang kupal naka ngisi lang sakin.

"Ang sadista mo anak, mamaya iwan ka ni troy kakaganyan mo sakanya haha" tinignan ko si troy at parang umiba ang ekspresyon niya. O namalikmata lang ako?

"Baka sapakin ko siya mama! Haha pero alam konaman di kayang gawin sakin ni troy yun" nakangiti kung saad.

"Ha-ha! Ikaw talaga tita di mangyayare yun tita! Love ko kaya tong anak niyo!" Inakbayan niya pako at naramdaman konaman ang pag pula ng pisngi ko. Nandito kaya si mama! Baliw talaga to!

"Alam konaman yun haha. Inlove na inlove nga kayo sa isat-isa! O siya mag luluto nako ng panggabehan ha maiwan ko muna kayo" tumango lang naman kame ni troy at ngitian si mama. Medyo madilim narin pala sa labas. Napahaba pala ang practise namen.

"Hays nakakapagod noh babe?" Nakaakbay parin pala sakin si troy at tinitigan ako mata sa mata. Tinignan korin siya mga ilang segundo rin ang pagtitig namen sa isat isat ng bigla siyang umiwas ng tingin.

"Ah.. Uwe nako suzy mag gagabe na kase eh" bigla niyang sabe at tumayo sa sofa. Napaayos naman ako ng salamin ko sa eksenang nangyare. Bigla atang namula ang mga pisngi ko.

"Ah.. Di ka muna kakain?" Gusto ko pa kase siya makasama..

"Uhm.. Di na! Sa bahay nalang siguro, kamusta mo ko sa kuya mo ha!" Hinatid ko siya hanggang gate at hinintay makaalis ang sasakyan niya. Ang weird lang ni troy.

-

"Hi suzy!" Napahawak ako sa dibdib ko ng may manggulat sakin napatingin ako sa likod at si hazly lang pala.

"Oh. Hi hazly?" Nakangiti kung saad sakanya. Ngitian niya din naman ako at naupo sa tabe ko, nandito kase ako ngayon sa libary nag rereview ako para sa periodical test namen para sa first grading ang bilis nga eh. Ito rin ang unang monthsarry namen ni troy.

"Uy mag one-one month na pala kayo ni troy! Ano balak niyo?" Napaayos naman ako ng salamen sa tanong ni hazly actualy wala akong idea, ngayon lang ako napasok sa isang relasyon kaya wala akong alam tungkol sa ganyan di naman kase ako masyadong sweet na tao.

"Alam mo hazly.. Wala akong idea" malungkot kung sabe sakanya. Nakita ko naman ang pagkagulat sa muka niya. OA naman nitong babaeng to echos!

"Okay lang yun noh! Dapat boys ang mag eeffort para sa mga girls! Pero iba na kase ang generation ngayon parang girls na ang kadalasang may suprise!" may point si hazly madame nga akong napapanuod sa internet na babae na ang nag eeffort para sa kanilang anniversary or monthsarry.

Napaisip tuloy ako. Kung bigyan ko kaya ng bulaklak at chocolates si troy? Ugh. Muka naman akong tanga nun ako pa talaga unang nag bigay ng bulaklak sakanya. E kung bilhan ko siya ng gift? Anong regalo naman?

"Uy suzy?" Kalabit sakin ni hazly. Napatulala na pala ako.

"May sinasabe ka?" Tanong ko sakanya.

"Sabe ko kung gusto mong isuprise si troy? Katulad nung napapanuod ko kadalasan sa social media yung may baloons tapos may nakasabit na kung ano sa dingding tapos may tarpolin pa! Kabog yun!" Ngek! Dinaig pa namen mag aanibersaryo nun.

"Shhh!" Pag saway samen ng libaryn. Nag iikot pala ito. Nakita konamang napatakip si hazly ng bibig ang cute niya haha.

"Ikaw kase haha. May naisip nako. Bibilhan ko nalang siya ng regalo samahan muko sa mall?" Mahina kung sabe sakanya. Nagliwanag naman ang fes ni hazly na akala mo magic word ang mall sakanya.

"Sure! Yieee! Excited nako after class ba?" Mahina pero halata sa boses niya ang excitement. Tumango lang ako sakanya habang nakangiti ang gaga ngiting ngiti naman.

-
(MALL)

"Kung tshirt nalang kaya?" Umiling naman si hazly sa sinabe ko. Nandito na kame sa mall at nagpaalam nako kay troy okay lang naman daw basta daw text ko daw siya pag kaylangan ko daw siya nagprapractise din daw sila ng basketball, mag ingat daw ako at papakasalan niya pa daw ako kinilig ako ng husto run kase sinabe niya yun sa harap ng teammates niya sa basketball nandun pa nga si kuya mygod!

"Hey! Napapangiti ka jan? Uyy! Naalala si troy! Sweet niyo talaga! Sana ganyan din kame ni prince char!" Napailing nalang ako hazly. Nagconfess siya sakin about sa feeling niya sa kuya ko at ang gaga may pagnanasa pala sa kuya ko este may crush.

Di nako mag tataka gwapo kaya ng kuya ko haha. Mula kinder daw e crush niya na ito. Ang dame niya ngang alam tungkol sa kuya ko para siyang stalker gosh. Haha pero maganda at sexy'ng stalker haha!

"Ipagprapray kung magpansin ka ni kuya haha!" Natatawa kung sabe. Siya naman napanguso lang feeling niya daw kase wala siyang pag asa kay kuya dahil ni pagtingin di magawa ni kuya sakanya. Haha

Buti pako kahit hinde masyadong kagandahan e. May pogi at machong boyfriend char.

Habang naglalakad kame sa mall at nag iisip ng bibilhin. Natanaw ko si mitch may kasama siyang mga alipores niya at mayabang na nag lalakad.

Lalakad na sana ako pabalik pero tinawag ako ni hazly. Kaya napatingin samen si mitch.

Patay...

-
Sorry sa late update guys! Pasensya na talaga hihi!

Campus Nerd Turn To Campus QueenWhere stories live. Discover now