"Ayos lang 'yun! Basta liligawan kita hanggang sa makagraduate ulit tayo." nagtilian na sa kilig ang buong klase namin at mga istudyanteng nakakita ng nangyayari.

Naalala ko tuloy 'yung plano ko mamaya. Sasagutin ko na si Marshall kinakabahan na ko.

Naubos ang tao sa school at nagbigayan na kami ng regalo nila Julienne at iba. Nag siuwian na kami matapos magpakuha ng napakadaming pictures.

May celebration sa mansion nila Marshall kaso hindi daw makakapunta si Prince dahil ise-celebrate nila ang graduation niya sa palawan. Mag babakasyon sila doon ng one month para rin daw makapagrelax at bonding silang pamilya.

Umuwi na kami at nadatnan na namin sila nagkakainan. Binati nila kami at ibinigay ang kaniya-kaniya nilang regalo. Ang saya dahil parang party na talaga ang ginawa nila.

Mga 11pm na na tapos ang party at nasa kaniya-kaniya na kaming kwarto. Pero hindi pa rin sa'kin binibigay ni Marshall ang regalo niya sa'kin ganun din ako sa kaniya.

Binuksan ko bawat regalo na natanggap ko, 'yung kay Julienne ay isang t-shirt na may nakadrawing na babae na may hawak ng isang board na may nakasulat na friend. Ang cute niya kasi simple lang tapos binasa ko 'yung sulat at may picture doon. Couple T-shirt pala 'to. Ganun din 'yung sa kaniya kaso nakalagay naman ay Best, 'yung kay Prince naman ang binuksan ko. Isa siyang silver na singsing simple lang at may nakaukit na Fiolee sa singsing ang cute kaya agad ko 'tong sinuot. Nabuksan ko na lahat ng regalo na nasa kama ko pero 'yung kay Marshall wala pa din. .

*tok tok*

"Bukas 'yan." pumasok si Marshall na nakapantulog na. Ngumiti siya sa'kin at lumapit.

"Fiolee Congrats sa'tin dalawa ito ang gift ko sayo." inabot niya sa'kin ang isang maliit at pahabang box.

"Bakit ngayon mo lang binigay?" napakamot siya ng ulo.

"Naiwan ko kasi 'yan kanina dito sa kwarto. Tapos ngayon ko lang nahanap sorry ah." niyakap ko siya at binuksan 'yung regalo niya.

Isa 'tong silver na necklace na ang pendant ay isang singsing. Design nito ay star ang ganda niya, simple lang din 'to. Parang nahiya tuloy ako kasi wala talaga akong regalo. Napasimangot tuloy ako dapat pala nag ipon din ako para may regalo ako sa kaniya bukod doon.

"Oh ayaw mo ba? Pareho tayo oh." inilabas niya 'yung kaniya mula sa damit niya. Ang cute! sa kaniya moon ang design ng singsing ang ganda talaga.

"Hindi hindi nakokonsyensa kasi ako." napanguso ako.

"Wala kang regalo no? Ayos lang 'yan." tatawa tawa niyang sagot sa'kin.

"Wala eh." tinapik niya 'yung ulo ko.

"Ayos lang 'yun, basta next graduation dalawa dapat regalo mo sa'kin." pangasar niyang sabi.

"Mayroon naman talaga akong regalo kaso parang hindi naman siya worth it." sasabihin ko na ba? Kinakabahan na ko eh. Saan ko ba uumpisahan? Sasabihin ko bang mahal ko siya kami na? Dapat pala prinaktis ko muna eh.

"Ayos lang 'yun kahit ano naman tinatanggap ko basta galing sayo kahit suntok pa 'yan ayos lang." binibiro niya ko para mapalakas ang loob ko.

"Ahmm ano kasi," lumalakas na ang tibok ng puso ko sa kaba.

Nagtataka siyang tinignan ako mata sa mata kaya lalo akong namula.

"Marshall ano kasi," ano ba 'yan Fiolee umurong na ba ang dila mo?

"Marshall."

"Sinasagot na kita! Tayo na! Mahal kita! Waaah!" Napasigaw na ko saka ako dumapa sa kama at nagtago sa kumot at unan ko. First time ko lang sabihin 'to kaya ganito ang hiya ko. Dati kasi iniisip ko kay Prince ko 'to sasabihin pero iba ngayon si Marshall ang kaharap ko. 'yung taong mahal na mahal ko.

Mga ilang segundo nang katahimikan. Nakatakip pa rin ako ng unan at nakatago sa kumot kaya hindi ko alam ang ginagawa o ekpresyon niya ngayon.

Pero maya-maya nakarinig ako ng hikbi. Mga mahihinang hahulgol. As in? Naiyak siya?

Bigla akong napabangon sa higaan at tinignan siya. Tama ako naiyak nga siya at dare-daretsyo ang luha niya sa mata niya, para siyang bata na nadapa kaya umiiyak siya ng husto. Pilit niyang pinupunasan 'yung luha niya kaso dare-daretsyo itong nalabas sa mata niya.

"Marshall! Hala bakit? Hala sorry kung ayaw mo sige hindi na kita sasagutin." napakagat siya ng labi at binatukan ako.

"Aray ha!" Hindi siya makapagsalita at nakatitig lang siya sa'kin habang naiyak. Nakakawa na siya kaya niyakap ko sya

"Bakit ba Marshall tahan na." hinagod ko ang likod niya.

"Shhh wag kana umiyak." tinignan ko ang mukha niya.

Bigla niya kong hinalikan sa noo ng napakatagal. Mga ilang segundo rin 'yun kaya natahimik ako at naramdaman kong namumula na ko.

"Walang bawian Fiolee." suminghot siya.

"Tayo na talaga ha." muli siyang suminghot pero na nanatiling nasa ulo ko ang baba niya nakatungkod dito habang yakap niya ko.

"Oo boyfriend na kita." at 'yun umiyak na naman siyang parang bata ewan ko kung matatawa ako dahil ang O. A niya o maiiyak na lang din ako dahil sa reaksyon niya.

Ganun ba talaga ako kahalaga sa lalaking 'to kaya napakasaya niya ng sagutin ko siya? Ganito niya ko kamahal na hindi niya naisip na baka asarin ko siya dahil nakikita ko siyang umiyak?

At ganito rin ako ka swerte dahil may lalaking ganito sa harap ko na sobrang saya dahil mahal ko rin siya.

Sana habang buhay kaming maging masaya. Kahit alam kong walang perfect na relationship eh ayos lang basta habang buhay kami magkasama kahit sa hirap at sa ginhawa.

"I love you Fiolee."

"I love you too Marshall." 


TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineKde žijí příběhy. Začni objevovat