PART THREE

26 0 0
                                    

******

year 1943...

"Run faster William! You have to escape!"

"But you?? I can't leave you! Your otosan (your father)... he will mad to you when he... he know you help me..."

May nakita kaming malaking puno. Hinila nya ako sa likod noon at nagtago.

"Don't worry to me, William. I can.... I can talk to him. He will not mad. Everything will be fine. What important is....." hinawakan nya ako sa magkabila kong balikat.. "You escape from here" hinihingal pa sya ngunit nagawa nyang ngumiti sa akin, na para bang gusto nyang iparating na magiging maayos ang lahat.

Tumulo ang luha sa aking mga mata. Ayoko siyang iwan. Ayokong malayo sa kanya.. Napayuko ako habang patuloy ang pag-agos ng aking mga luha..

"P-pero... I don't.... want us... to.... separate..."

"We won't.." hinawakan nya ang suot kong damit. "This..." pagkatapos ay itinuro nya ang sarili nyang suot. "....and this"

" You see.. We will still be together.. As long as we have these" muli siyang ngumiti sa akin.

Tiningnan ko ang damit na aking suot. May pangalang nakaburda doon....

"HIROSHI"

Suot ko ang damit niya.. At tiningnan ko din ang halos mapuno ng kulay pula na damit na suot ni Hiroshi. Damit na puro bahid ng dugo....dugo mula sa pagmamalupit na aking sinapit sa kamay ng mga hapon na bumihag sa akin. Iyon ang kamisetang bigay sa akin ni nanay.

At si Hiroshi.. Ang anak ni Heneral Hyousuke, na pinuno ng mga hapon na sumakop sa aming bayan.

Akala ko noong una, ay katulad si Hiroshi ng kanyang malupit na ama. Ngunit naiiba siya....

Isa siyang mabuting tao, mabuting kaibigan...

Sa matagal na panahong pagkakabihag ko sa lugar na ito. Naging malapit kami sa isa't isa. Siya ang aking naging kakampi at naging lakas. Lingid sa kaalaman ng kanyang ama ang pagtulong sa akin ni Hiroshi

Bago kami tumakas ay pinilit nyang ipasuot sa akin ang kanyang damit. At siya naman ang nagsuot ng sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fated EncounterWhere stories live. Discover now