Chapter 11 : Never look back

Magsimula sa umpisa
                                    

“Tessa!” Napaiyak ako’t dali-dali siyang nilapitan. Hindi na siya gumagalaw at mukha na siyang walang buhay pero inilapat ko parin ang dalawa kong daliri sa leeg niya, para akong nabunutan ng tinik nang makaramdam ako ng pintig—buhay pa siya!

Ngunit agad napawi ang ngiti sa mukha ko nang mapagtanto ko ang kahayupang ginawa sa kanya ng salarin. Napasigaw na lamang ako nang makita ko ang mga hibla sa bawat gilid ng labi niya—Tinahi ng salarin ang bibig niya!

“Tammy sandali!” Biglang sigaw ni Kirk at tinanggal ang mga bulaklak na tumatabon sa tiyan ni Tessa. Lalong tumindi ang takot ko nang makita ko ang isang cellphone na nakalagay sa isang maliit na kahon kasama ang mga naglalakihang pako, wire at pulbura. Sigurado akong kung ano ito—Isang improvised explosive device—Isang bomba!

“The red wire!” Sigaw pa ni Kirk kaya kahit takot na takot, dali-dali akong nag-isip at kinuha ang isang swiss knife na nakatago sa ilalim ng sapatos ko.

“What the hell? Ba’t ka may ganito?” Kunot-noong sambit ni Kirk nang iniabot ko ito sa kanya.

“For fuck’s sake! Just cut the red wire!” Sigaw ko sa kanya.

 ---

“Tammy uminom ka muna.” Lumuhod si Calix sa harapan ko at ipinahawak sa nanginginig kong mga kamay ang maliit na tetra pack ng chocolate drink na paborito ko.

Nakaupo ako sa dulong upuan ng van, nakabukas ang pinto kaya nakaharap sa akin ang tatlong itlog at pati narin si Calix na alalang-alala.

“Tammy ano ba kasing nangyari kay Tessa?!” For the nth time, nagtanong ulit si Dustin pero gaya kanina ay hindi ko parin siya sinagot. I know Dustin. He asks like a complete asshole but he’s just a kid. He doesn’t deserve to live in fear knowing there’s a serial killer out to kill us and it could be because of me and my lying mouth.

Narinig kong umalingawngaw ang napakalakas na sirena kaya inaangat ko ang ulo kong kanina ko pa iniyuyuko at nakita kong huminto ang isang magarang sasakyan sa tapat ng ambulansya kung saan naroroon ang wala paring malay na si Tessa. Lumabas mula dito ang papa ni Tessa na nakasuot parin ng police uniform niya.

“Anong nangyari sa anak ko?!” Umiiyak nitong sigaw.

Akala ko noon walang kinatatakutan at gawa sa bakal tong chief of police ng Crimson Lake, meron pala. Gaya ng lahat ng mga magulang, ang anak niya ang pinaghuhugutan niya ng lakas and at the same time ang kahinaan niya.

Sumakay si Chief Toralba sa ambulansyang agad na nagtungo sa pinakamalapit na ospital. Sana lang talaga maging okay na si Tessa sa kabila ng nangyari. At sana… Sana may naalala siya sa Crimson Ripper ng sa gayon, mahuli na ito.

“What the hell is happening in this fucked-up city?” Mahinang sambit ni Ponzi habang nakasandal sa kotseng katapat namin.

Muli kong iniyuko ang ulo ko’t napabuntong-hininga. Kung magk-kwento ako, maaring may madamay. Gaya nga ng sabi ng Crimson Ripper, it’s a foul to tell soul.

“Nga pala nakita ko si Kirk kanina ah? Nasaan siya?” Tanong ni Dustin.

“Yung Kirk na ‘yon, baka siya ang may kagagawan ng lahat. Mula nang bumalik siya andaming kamalasang nangyayari sa lugar nato. Ba’t pa kasi siya bumalik.” Biglang may nagsalita hindi kalayuan sa amin at nakita ko si Quinn habang nakapahulikipkip ang mga braso suot ang kulay itim na damit gaya namin.

Teka kelan pa dumating si Quinn? Ba’t di ko siya napansin.

Asan na nga pala si Kirk? Ba’t bigla siyang nawala? Malamang ayaw mapagbintangan kasi palibhasa hinuhusgahan siya agad ng lahat.

Napakarami kong tanong tungkol sa pagkatao ni Kirk at kung bakit ganito ang turing sa kanya ng mga matagal ng nakatira dito. Napakarami kong tanong tungkol sa nakaraan. Kaso ayokong magtanong. Ayokong makialam sa nakaraan. If I’d ask him or look back at the past, I’d be a big hypocrite kasi kahit ako, ayokong may makaalam ng nakaraan ko o magtanong sakin tungkol dito.

Matthew 7:12

Do unto others what you want them to do for you.

I want everyone to stay out of my past so now, I’ll stay out of theirs.

But the Crimson Ripper though, he likes playing games huh? Okay, I’ll play his game. I won’t just play, I’ll win it. I’ll win it just like how I won Dustin and Tessa’s lives. I may have failed to save Tyler, but that’s just the first and the last time I fail.

 I’ll win his fucking game and fix what I ruined.

This is my atonement for all the shit I’ve done.

END OF CHAPTER 11.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon