Chapter 42

1.8K 72 5
                                    

"AYOS KA lang." Tanong ni Lindsay nang makabalik sila sa headquarters.

Tumango lang sya habang malalim ang iniisip.

Inakbayan sya ni Levi "You didn't have to do it, but you stood up and fought well. Willing naman kaming itago ang sikreto mo habang buhay. Ikaw nga lang itong matapang at sinabi sa lahat ang  sikreto mo"

"Kung magtatago ako at tumangging tumulong, wala na akong ipinagkaiba sa mga matatanda doon. A secret in exchange of secret. I want to avenge Hugo kaya kailangan kong gawin ang kailangan kong gawin"

"Susuportahan kita hanggang sa dulo, tandaan mo yan"

Mapait syang ngumiti "Kailan mo ba ako hindi sinuportahan? Wala akong maalala"




Matagal bago nakabalik sila Ali at Rada, ngunit may kasabay ang mga ito.


"Miss Lana" may ibinigay itong letter sa kanya bago umalis.

Nagtataka silang nagkatinginan ng chief bago basahin iyon. After reading it, hindi nya napigilan ang sarili na punitin iyon. Isa pala iyong imbitasyon sa bahay nila Russ. Apparently, isa sa mga elders ay mula sa pamilya nila.



"So" humalukipkip si Rada "Anong problema doon? Inimbita ka lang naman ng lola mo for dinner. It's just dinner"



She rolled her eyes "Do you want  me to have indigestion? Or do you want me to puke? Ano to, plastikan?"

"Eh ano na nga? Dalawa lang yan. Either pupunta ka o hindi. "Napailing iling si Ali "Lana, just this once. Malay mo pamanahan ka nila, golds din yun uy."

Tumango tango sya "Well......if that's the case...ouch!"


Binatukan sya ng tita Lindsay nya "Yan! Pagdating sa pera at alahas bumabait ka. Lana, hindi naman natin alam ang motibo nila. Why not join them for a dinner and listen? Wala namang mawawala sayo or hindi ka naman nila sasaktan. Pero kung saktan ka man nila, I'm giving you my approval to remove all your suppressors and go on a rampage"



She groan "Magwala nalang kaya ako pagkapasok ko. Haist! Bahala na"


Kinuha nya ang jacket saka umuwi muna. Sa ngayon sila Ali at Rada ay abala sa pag aayos ng lahat. Basta sya, lalaban nalang sya pag may gulo ulit.




As soon as she got home, she took a bottle of brandy before going on a treck to visit Hugo's grave.


Nang nasa gitna na sya, hinihingal syang tumigil. "teka nga Hugo, papasemento ko na yata ang daan pataas papunta dyan. Hinihingal  ako, ang tirik ng daan"

Napa iling iling sya saka nagpatuloy. Hindi nagtagal at narating na rin nya ang lugar. Umupo sya sa mga damo sa harap ng puntod ng kapatid.



Buti nalang at maganda na ang pagkakatubo ng mga damo sa paligid. It's turning into a beautiful greenery again. Inilapag nya ang baso sa harap saka pinuno iyon ng alak saka naman tumungga mula sa bote na hawak.



"Hugo...."bumuntong hininga sya "Sa tingin siguro ng lahat tanggap ko na ang pagkawala mo. Nakikita nilang nakikisabay na ako sa lahat, ngumingiti, nakikipag usap. Wala ng nagtatanong kung ok lang ako" bumuntong hininga sya "Hindi lang nila alam, sobrang sakit parin saakin ng katotohanan. Hindi ko parin matanggap, hindi ko pa kaya eh. "



Muli syang tumungga at huminga ng malalim "Wala naman akong magagawa eh. Nauna kang umalis. Yan tuloy handa na akong sumunod sayo sakali mang kailangan sa laban na to. Lahat naman ng ginagawa ko ngayon, kahit ang hirap sa damdamin ginagawa ko para sayo. Lintik lang ang walang ganti. Dapat lang na singilin ang may utang. Hindi ako papayag na takasan nya ako"





The Bad BloodUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum