CHAPTER 3: THE BOY WHO NEVER TOLD A LIE

Começar do início
                                    

"No sir! Nahulog po kasi yung bag ni Madielyn, iniabot ko lang po" paliwanag ni Adam.

"Miss Cruz, baka naman mabali 'yang leeg mo sa kakasilip sa papel ni Mr. Sullivan," puna ni sir kay Jen na busy na pala sa pangongopya. Pero parang baliwala lang sa kanya yun. Hay ang bruha sanay na talaga.

Marahil kung ordinaryong estudyante mamumula na ito sa hiya. Pero kakaiba talaga si Jeni at sanay na sanay na siya sa mga ganung pagkakataon.

"Sir naman! I'm not looking at Mr. Sullivan's paper kaya. I was looking  at him, wondering why he smell so good," pilyang sagot ng bruha kong kaibigan sabay kindat kay adam nang lingunin niya ito. Natawa hindi lamang ang aming mga kaklase pati si Sir. Napailing na lamang si Adam. 

"Just remember, Miss Cruz, in our time, men did the chasing and not the other why around," nakangiting sabi ni Sir. Aba si sir mukhang nakalimutang nag eexam kami ah. Nag eenjoy sa panunukso kina Jen at Adam.

"Well, sir! Wala po akong gusto kay Adam .... . . hahahahaha" Tumatawa pa si Jen habang kumindat naman siya sa akin.Loka talaga kahit kailan.

"oh! What can you say Mr. Sullivan??"tanong ni sir kay Adam

Lumingon ako sa kanya at tumingin siya sa akin bago muling nagsalita "Good for both of us, Hindi ko rin po siya gusto" then he smirk at me. What?? He smirk at me?? Laki talaga ng poker face na 'to.

"Very well said, mabuti yan!Bata pa kayo iwasan muna ang pakikipagnobyo.At ngayon tapusin niyo na yang exam niyo." Tumatawang saad ni sir.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Okay excellence, listen everyone ... Tomorrow na ang Prom nyo, so dapat before 6pm nasa venue na kayo.Walang malilate ok?!" malakas na naghiyawan ang buong klase.

Umuwi ng maaga ang dalawa kong kaibigan dahil ngayon idideliver ang inorder na damit nilang dalawa. Super excited sila, ako?? Sakto lang, hindi tulad noon katulad ko rin sila na excited kasi ng mga panahong yun wala pang Girlfriend ang long time crush ko na si AZ. Hay buhay! Pagkarating ko sa bahay, naabutan kong nagmemeryenda sina nanay at tatay kasama si kuya Mike. Pumasa nga pala si Kuya sa exam at may trabaho na siya sa isang sikat na land developer. So far so good naman ang business nila nanay matapos magretired sa pag aabroad ng parent naming. Nagtayo sila ng isang maliit na coffee shop sa may kanto ng subdivision namin na nag ooffer din ng mga cakes. Libangan kasi yun ng pamilya namin.Ang magluto, magbake at syempre kumain. Kaya ganyan din kataba ang tatay ko.Buti na lang talaga nagmana kami ni kuya kay nanay na mabilis ang metabolism.

"Oh nandyan na pala ang bunso" sabi ni nanay

Humalik ako sa pisngi ni nanay at tatay. Tumabi naman ako kay kuya at yumakap. "Madz samahan mo daw itong kuya mo"

"Samahan? Saan naman kuya?? hmmmmm basta libre mo ako ng McFloat at Fries" Tumingin ako kay kuya at ngumiti ng pagkatamis tamis.

Tumingin siya kanila nanay at tatay "Sabi sa inyo may hihingin kapalit itong kutong lupa na ito eh."

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay kuya "Ay! Grabe ka kuya Mike ang harsh nun ah!! Kutong lupa?? Sa tangkad kong ito?? Ako kutong lupa??" Totoo naman matangkad ako eh, pero syempre mas matangkad si kuya mga nasa 6'0 ang height samantalang ako 5'3 matangkad na yun diba?

"Tama na nga yan, ikaw madie magbihis ka at sasamahan mo pa itong kuya mo" sabi sa akin ni tatay

"Saan nga kasi yun?"

"Bibili ako ng kotse" mayabang na sabi ni kuya sa akin

"Wow!! Kuya turuan mo rin akong mag drive ah" excited na tuloy ako

"Pero second hand lang, kulang pa yung budget ko eh! May kakilala kasi yung katrabaho ko na nagbebenta ng second hand car pero parang brandnew kasi maingat daw yung may ari nung kotse, actually isa yun sa mga collection niya... eh mukhang may pag gagamitan daw ng pera kaya yun, binibenta yun isa sa mga sasakyan niya." Paliwanag sa akin ni kuya. Itong kuya ko kasi masinop yan, part time business man yan nung  College ... Network Marketing hehehe at nung High School pa lang may sarili na siyang pera, unlike me magastos. 

Umalis kami ni kuya at pumunta sa address na sanabi kay kuya nung may ari. Sa kabilang Subdivision lang pala yung bahay ng may ari. Kaya mas madali yun.

" Alam mo bang bata pa yung may ari nung sasakyan, mga 17 lang ata"

"oh! Yaman naman niya!" Tumingin ako kay kuya "Sabi mo nagcocollect ng car eh" ngumiti ako. Excited na rin talaga ako eh! 


Lots of Love

SomethingFishae

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jun 23, 2015 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Ang Unexpected Love ni MadielynOnde as histórias ganham vida. Descobre agora