CHAPTER 1 : ALL THINGS ARE BEAUTIFUL

14 0 0
                                    

Inspired ako today, tumingin kasi si Zione Asuncion (AZ) kanina sa akin hahahahaha ang landi ko talaga … pero nakakahiya talaga yung ginawa ng mga kaibigan ko . . . . kahit hindi direktang binanggit yung name niya feeling ko may ideya na rin siya. Hmmmmmmm . . . paano kaya ako nito bukas??

“Madelyyyyyyyyynnnnnnnn!!, tatawagin na lang ba kita gabi gabi para

kumain??”

Ayun sumisigaw nanaman ang nanay ko . Ganyan ako gabi gabi. Ay! Hindi pala .. .. I mean araw araw , sa umaga, tanghali at gabi. 

“ Opo!! Bababa na po!!... . saglit lang! ” 

“ bahala ka sa buhay mo!! Uubusan ka naming ng ulam!!” 

Tingnan mo ‘tong tatay ko favorite talaga ako. Hala ka! Baka nga ubusan nila ako ng pagkain. Tumakbo na ako pababa.

“ Nay naman eh! Pag kayo naman ang late sa dinner nagtitira ako, pinagtatabi ko pa kayo!”

“ Aba! Aba! Aba! Nanunumbat ka pa ah!!” multi tasking talaga ‘tong si nanay. Habang sinasabi sa akin yan ginawa pang microphone yung fried leg ng chicken with facial expression pa yan ah .Hanep talented!

“ Eh kasi naman dapat hindi ka na tinatawag kapag alam mong kakain na, may bad experience na kasi kami sayo” sabi ni kuya Mike

“ Ha ha ha ha ha ha!! Oh tingnang mo kuya mo hindi makalimutan yung ulam na napanis” tumatawang sabi ni kuwento ulit ni tatay.

Ano nga bang nangyari dun sa ulam?? Alam niyo na pasaway ako eh! Ang hilig hilig kong magsabi ng tirhan na lang ako ng pagkain then later ko na lang kakainin. Yun nga lang nakalimutan ko sa sobrang pagpi facebook. Kachat ko rin kasi yung mga classmate ko at yun nga nakatulogan ko na ang lahat pati dinner hindi ko na nagawa. Kaya nagkaroon ng panibagong rule na naman ditto sa bahay na kapag oras ng kain dapat sabay sabay . kung hindi ka sasabay pasensiya ka ubos ang kanin at ulam, ayaw na kasing maulit yung maraming pagkain nasisira. Hindi kasi kami sanay na maraming pagkain ang niluluto kasi apat lang naman kami eh.Hindi rin  naman nakakain yung pagkain natira na nilagay sa ref, sabi ni kuya hindi na daw yun masarap at hindi na nutritious. Arteeeeeeee!!!

“ Moveeee onnn!! Kuya!! Heheheheeh” matalim namang tumingin sa akin si kuya

“ Uy! Uy! Uy! Magkakapikunan nanaman kayo ah! Tama na yan! Ikaw Madie tigilan mo ang kuya mo .. . alam mo naming stress yan. Oh Mike anak kailan ng ulit yung exam mo??”

“ Next month na po” cool na cool na sagot naman ng kuya ko.

Malapit na kasi ang Licensure exam nila kuya . Engineer eh!

“ Oh, malapit na pala kuya!Good luck! Fighting” nakangiti kong sabi sa kanya. Matalino yang kuya ko, ako?? Average lang . . . Graduating na rin pala ako next year ... Guess what?? 

Hindi ako mag eengineer hahahahaha sakit kaya nun sa ulo, atsaka magastos. Mag teteacher ako!! :D Sabi ni nanay ok daw sa kanila ni tatay. Pero si kuya sabi niya mag marketing na lang daw ako o kaya naman any course na related sa sales kasi in demand daw ngayon yun. Eh sa choice ko yun eh! Bakit ba!? 

Eh si Z.A kaya?? saan kaya siya mag aaral?? Sana makasayaw ko siya sa JS Prom. Sana maging kami bago ako magkagraduate ng HS. Syempre echo slang yun! Ewan ko ba naeexcite ako ngayon sa mga new crushes ko . Take note CRUSHES, yep! Marami sila. . . as in marami! nandiyan si Daniel, Lito, Stuart, and many many to mention sa sobrang dami nakalimutan ko na. Pero so far ang number 1 ko si AZ.

“ Hoy! Babae wala ka bang balak matulog??”

“ Ay! Potek!!!” napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat

“ Kuya naman eh! Bakit ba bigla ka nalang nang gugulat?? May pinto kuya, may pinto! Walang masama kung kakatok ka diba??”

“ Hala ka! Anong nangyari sayo?? Bulag ka talaga! Oo may pinto pero nakabukas ang pinto ng kwarto mo kaya hindi ako kumatok! Malay ko bang wala ka sa sarili mo. Akala ko naman nakatingin ka sa akin” 

“ Huh??” napakunot ako ng noo. Oh my gosh!!Natulala nap ala ako kakaisip sa Honey ko!! Aasarin nanaman ako nito ni kuya eh!

Tumayo ako at lumapit sa may pinto kung saan nakatayo si kuya Mike. 

“ Oo na! matutulog na ako! Sige na babush!” Tinutulak ko si kuya palabas ng room ko.

“ hoy ikaw madie tigil tigilan mo yang pag dedaydream mo sa crush mo ah” 

“ Oo na matutulog na ako! Goodnight kuya kong pogi” nakangiting kong sabi ko sa kanya.

“ Okay, goodnight bunso! Love na love ka ni kuya”

“ Love you too!”

Masaya ako kasi mayroon akong kumpleto at mapagmahal na pamilya. May nanay at tatay na masipag . ilang taon ding nagwork sa ibang bansa ang magulang ko kaya si kuya na ang halos nag alaga sa akin noong wala sina nanay at tatay. Kaya close na close kami. Pero masa lalong magiging kumpleto at Masaya ang buhay ko kung kami ang magkakatuluyan ni AZ. And for me,today all things are beautiful. 

Note:

Haizst!!! Problem!! Mapanindigan ko kaya ang story na to?? Hahahaha mukhang may romance na nangyayari sa magkapatid ah.

Anyway simula pa lang naman eh!!! Let see what will happen.

Vote and comment Guys!

Lots of Love ♥ ♥

SomethingFishae

Ang Unexpected Love ni MadielynWhere stories live. Discover now