Chapter 10

612 19 2
                                    

   "May mga bulaklak na naman na dumating. Magiging flower shop na tayo sa araw-araw na pagpapadala sayo ni Jonathan dito. Hindi mo pa rin ba siya kakausapin o patitigilin man lang sa ginagawa niya? Kung talagang ayaw mo na sa kaniya, aba, kausapin mo ng masinsinan. Hindi 'yong ganyan na parang wala ng katapusan ang bulaklak dito," mahabang sermon sa kaniya ni Lyn. Oo, araw-araw na nagpapadala ng mga bulaklak si Jonathan sa office nila. Kung hindi man sa office ay sa bahay naman nila. Pati mga magulang niya ay kinukulit din siya na kausapin na si Jonathan gaya ni Lyn pero hindi niya pinapakinggan ang mga ito.

Nagawa na nga din niyang magpasa ng resignation letter sa kanilang boss pero hindi ito pumayag. Kung personal daw ang dahilan ay hindi nito iyon matatanggap. Kahit pa ang dahilan kung bakit siya nakapasok sa kompaniya nito ay dahil sa ina ni Jonathan na siyang kasama sa mga ipinangako nito nang makipag-deal ito sa kaniya. Napatunayan naman daw niya dito kung gaano siya ka-dedicated sa trabaho kaya hindi daw dapat siya basta-bastang pakakawalan nito. Maliban nalang kung ang rason niya ay between life and death na.

"Kung ano man ang problema mo, dahil sa nakikita ko ay ikaw lang naman talaga ang may problema. Ayusin mo na. Kausapin mo na si Jonathan at tapusin na ang pagda-drama mo diyan," dugtong pang sermon ni Lyn sabay talikod sa kaniya. Nangalumbaba siya at nag-isip. Nasaktan siya ng husto dahil sa mga kasinungalingang nagawa niya. At mas nasaktan siya dahil matagal na din palang alam ni Jonathan ang tungkol sa naging kasunduan nila ng ina nito pero hindi man lang ito nagalit o hindi man siya nito sinumbatan maliban nalang noong grad ball nila.. Ayaw niyang makipag-usap dito dahil alam niyang manghihina lang siya 'pag nakita na niya ito.

Alam niya at ramdam niya sa sarili niya na mahal na siya ni Jonathan. Pero nagi-guilty siya sa tuwing naiisip na dahil sa kasinungalingang ginawa niya

Pero ano nga ba ang magagawa niya? Nangyari na ang mga nangyari. Hindi na niya mababago pa ang lahat dahil pare-pareho silang lahat na biktima. Biktima ng pagmamahal.

Nagulat pa siya mula sa malalim na pag-iisip nang mag-ring ang kaniyang telepono. Agad naman niya itong sinagot. "Collections Department, good morning." Pinasigla niya ang kaniyang boses.

"Estrie," nahigit niya ang kaniyang hininga pagkarinig palang sa boses na iyon. That familiar baritone voice. Hindi niya kailanman makakalimutan iyon.

"Yes, Sir?" kunwari ay hindi niya ito nabosesan pero mukhang hindi siya marunong magsinungaling nang tumawa lang ng sarkastiko ang nasa kabilang linya.

"You really are a good actress. You simply deceive people around you. Even me became a victim of it," parang may batong bumara sa kaniyang lalamunan nang marinig ang bawat salitang binitiwan ni Jonathan dahil tagos lahat ang mga iyon sa kaniya. Sa buong pagkatao niya.

"J-Jonathan..."

"Damn, even when you call my name like that. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa mong gawin ang lahat ng iyon para sa pansarili mong interes. I still don't want to believe it. Can we meet? After all, you owe me a lot of explanation." Hindi niya alam pero marahas na ang pagtibok ng kaniyang puso. Napahawak siya bigla sa kaniyang tiyan. Medyo umuumbok na ito at nahahalata na. Nang araw na iwan niya si Jonathan ay hindi na siya natahimik. Tanging ang nagpapalakas na lamang ng kaniyang loob ay ang kaniyang anak.

"Where are you?" pinatigas niya ang kaniyang boses kahit na ang totoo ay halos hindi na niya maisatinig iyon sa pagpipigil ng kaniyang impit na iyak. Pero ang traidor niyang mata ay sumuko na at tuluyang ng bumigay.

"Lobby," iyon lang at nawala na ito sa linya. Sandali pang natulala si Estrie bago hinamig ang sarili. Napatingin siya sa dalawang kasama na tahimik lang naman na seryoso sa ginagawa. Pero alam niya na nagpapanggap lang din ang mga ito.

When I Say I Love You(COMPLETED)Where stories live. Discover now