Chapter 7

279 11 0
                                    

   NAGULAT si Estrie nang paglabas niya ng kaniyang silid ay nakita si Jonathan na prenteng nakaupo sa sala, seryoso itong nakatingin sa cellphone nito at may umuusok na kape sa harapan nito. Mabuti nalang at bihis na siya. Hindi niya inaasahan na susunduin siya nito mula dito sa kanilang bahay. Naramdaman yata nito ang kaniyang presensiya kaya nag-angat ito ng tingin. Ngumiti ito ng matamis sa kaniya. Her heart skip a beat when she saw that smile. "Good morning, sweetheart" masayang sambit nito. There you go again. Ramdam na naman niya ang pagbilis ng pintig ng kaniyang puso na kagaya ng kagabi bago siya payapang nakatulog.

"You're here. Akala ko magkikita nalang tayo sa clinic ni Doktora." Aniya at naglakad na siya patungo dito. "Good morning." Kapagkuwan ay sabi niya nang maalalang hindi niya pala ito binati pabalik.

"Don't I have the right to fetch you, then?" alam niyang may bahid ng pagtatampo ang boses nito pero hindi na niya iyon pinansin. Hinanap niya sa kabahayan ang kaniyang mga magulang pero hindi niya makita. "Sabi nila sabihin ko daw sayo na dumalaw sila sa resthouse ng boss mo." Nahulaan yata nito ang nasa isip niya.

"Oh, shall we go, then?" ginaya pa niya kung paano ito nagsalita kanina.

Ngumiti ito sa kaniya. Nauna na siyang lumabas ng bahay. Nakita niya ang sasakyan nitong nakaparada sa may gilid ng kalsada. Pinatunog nito ang kotse nito. Hinintay muna niya itong makalabas ng gate bago niya ito ini-lock.

GUSTONG batukan ni Estrie ang kaniyang Doktor dahil halata namang nagpapa-cute ito sa kasama niyang si Jonathan. Kahit kailan talaga ay agaw pansin ito sa mga kababaihan.

"Hindi mo naman sinabi na kasing-guwapo pala ni Chris Cayzer ang asawa mo." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng Doktora. Nilingon niya ang kasamang si Jonathan at ngising-ngisi ito.

Pilit siyang ngumiti na bumaling sa kaniyang Doktor. "Ah, hindi ko pa po siya asawa, Doktora."

Mas lalong ngumiti sa kaniya ang Doktora at parang may mas nakapagpakilig pa dito. "Hindi pa. So, ikakasal palang?"

Magsasalita na sana siya nang sumabat si Jonathan. "Yeah, actually we're planning." Marahas siyang napabaling sa lalaki. What the? Ano'ng kasinungalingan ang sinasabi nito? Hindi na lamang siya umimik nang makita niyang tila kilig na kilig ang kaniyang Doktor. Sino ba naman siya para pabulaanan pa ang kasinungalingan ni Jonathan? Iyon nga ang pangarap niya. Pero may isang parte sa pagkatao niya ang nagsasabing huwag muna siyang magsaya ngayon.

Si Jonathan na din ang nagbayad sa Doctor's Fee at pati ang mga Vitamins na kailangan niya ay ito na din ang bumili. Hindi na siya kumontra. Kung sa bagay, obligasyon naman nito iyon, kaya lang ay baka kapag nalaman na naman ng kontrabida nitong Nanay ay sugurin na naman siya nito at sabihing walang future ang anak nito sa kaniya.

Inihatid siya ni Jonathan sa kanilang bahay. Nang makarating sila sa bahay nila ay wala pa rin ang kaniyang mga magulang. Nag-alangan pa siyang alukin ng kahit meryenda man lang si Jonathan pero sa huli ay niyaya din niya ito.

"Alam kong pagod ka. Tara muna sa loob. Mag-meryenda ka muna." Aniya at deretso na siya sa loob ng bahay. Wala naman siyang narinig na anumang salita dito pero muntik na siyang mapasigaw nang yakapin siya ni Jonathan sa baywang bago pa man siya tuluyang makapasok sa pinto.

"Hindi ako sanay sa coldness na ipinapakita mo." Bulong nito sa kaniyang tainga. Parang may humaplos sa kaniyang puso. Hindi niya alam pero may kakaibang damdamin siyang naramdaman mula kay Jonathan. This is it.

"Hindi ko rin maintindihan, Jonathan. Dapat nga masaya na ako. Pero bakit gano'n? Parang may kulang pa din?" naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kaniya. Ito ang mga sandaling hinihintay niya. Ang maikulong sa mga matitipunong bisig ni Jonathan. Pero ano pa nga ba ang kulang na sinasabi niya? Ano pa ba ang hinahanap niya?

When I Say I Love You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon