Chapter 4

233 12 0
                                    

"MASAYA ang lola ko," napuna agad ni Lyn ang hindi mapuknat-puknat na ngiti sa bibig ni Estrie.

"It's official. Mahal na ako ni Jonathan." Namilog ang mga mata ni Lyn at natakpan nito ang bibig. Alam na niya ang iniisip nito. Well, may tama naman ito.

"Sinabi na niya sayong mahal ka niya? As in?" hindi makapaniwala na sambit nito. Hindi pa rin nawawala ang pamimilog ng mata nito.

Akala pa naman niya ay na-gets na nito ang ibig niyang sabihin pero iba pala ang iniisip nito. Alam kasi nito kung gaano siya tinatanggihan noon ni Jonathan kaya naman malamang ay nagulat ito sa sinabi niya. "Hindi niya direktang sinabi pero ramdam ko kasi..." binitin muna niya ito. Alam niyang mapapaisip ito sa sinabi niya kaya naman napangitii siya nang mas lumala ang pamimilog ng mata nito at kulang nalang ay tumili ito kung hindi lang niya napigilan. Naroon ang mga boss nila kaya baka kung ano pa ang isipin ng mga ito kung marinig nila ang tili ni Lyn.

"OMG! Masakit ba?" napaubo siya sa naging tanong nito. Sa halos anim na taong relasyon nito sa nobyo nito ay ni minsan yata ay walang intimate na nangyari sa mga ito dahil na rin sa uri ng tanong nito.

"V ka pa rin?" siya naman ang hindi makapaniwala dahil kung makapag-komento minsan ito ay akala mo napakarami na nitong karanasan.

"Gaga, may pinag-aaral pa akong kapatid kaya hindi pa pwede 'yon at baka alam mo na, mabundat ang tiyan. Buti sana kung kanin ang laman. Pa'no kung bata. Wait! May protection kayo?" tila tigagal na biglang tanong ni Lyn kay Estrie. Maging siya ay parang nanlamig nang ma-realize ang ibig nitong sabihin. Because she's 100 percent that they did not use any protection.

"I-isang beses palang naman, saka, feeling ko naman hindi 'yon basta-basta nalang mabubuo dahil isang beses lang naman. At kung mangyari 'yon, eh 'di masaya. Magkakababy na kami ni Jonathan." Nakangiting sambit pa niya ngunit may isang bahagi sa isip niya ang hindi sumasang-ayon.

"Isang beses. Hmmm, may balak ka pa bang gawin ulit? Magpakasal muna kayo bago niyo ulit gawin." Bulong na ni Lyn. Kung kanina ay halos bulong na ang boses nila, ngayon ay bulong na talaga.

Alam niyang inaalala lang siya nito pero parang okay yata ang naiisip niya. Eh ano naman kung mabuntis siya? Mas okay nga iyon dahil makukuha niya na ng tuluyan si Jonathan.

"I'M going to Canada next week." Natutuwa si Estrie dahil sinasabi ni Jonathan ang lahat ng mga ginagawa nito. At alam niyang business ang pupuntahan nito sa Canada. Naroon din ang mga magulang nito na siyang kasalukuyang namamahala ng mga business nila doon. Kaya lang ay may kaunting pangamba siyang naramdaman dahil alam niyang naroon din ang babaeng gusto ng mga magulang ni Jonathan para dito.

"I will miss you, then." Iyon lang ang sinabi niya. Muli na naman siyang isinama nito sa bahay nito at kasalukuyan silang nanonood ng Korean movie na A Moment to Remember at kanina pa siya iyak ng iyak. Punas naman ng punas ng luha niya si Jonathan at tinatawan pa siya nito. Nakahiga siya sa hita nito habang ito at nakaupo sa sofa sa loob mismo ng silid nito.

"Uuwi ako agad dito pagkatapos kong ayusin ang problema doon. Dad is requesting me actually last year pa pero sinabi kong aayusin ko muna ang dito. And now, I want to do it para pakawalan na ako." Hindi niya ito maintindihan. Tuluyan ng nawala ang atensyon niya sa pinapanood. Bumangon siya at hinarap niya ito. Kumunot ang noo nito sa ginawa niya.

"Pakawalan? Saan?" imbes na sagutin ang tanong niya ay hinila siya nito at mahigpit na niyakap.

He sniff her neck at doon ay may nabuhay na pakiramdam sa kaniyang katawan. Hindi niya dapat isipin ang naramdaman niya dahil sa mga tanong na nasa isip niya ngunit nagsimula ng halikan ni Jonathan ang kaniyang leeg pababa sa kaniyang colar bone. Tuluyan ng nawala sa katinuan ang kaniyang isipan. At muling nagpaubaya sa lalaking patuloy na nagbibigay ng saya sa kaniyang puso.

When I Say I Love You(COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang