CHAPTER 7

15 1 0
                                        

TOO GOOD TO BE TRUE

"Pakibilisan po, Mirasol!" Rehan laughed at Mira and Mira just rolled her eyes at him.

Nangunguna kaming 5 at tanging si Mira lang yung nahuhuli. Agad kong pinuntahan si Mira at sinabayan siyang maglakad papanhik.

She smiled at me and I nodded for response.

"Ang swerte mo kay Marleigh, bro!" Rinig kong papuri ni Rehan kay Yarden. "Kaso ang malas ni Marleigh sayo hahaha!" Dagdag pa nito at pabiro naman siyang sinapak ni Yarden sa braso at tumawa na lang kami.

"Hoy, Avery, samahan mo kami rito." Pagtawag ni Mira kay Avery na kasalukuyang nauuna sa aming lahat.

Sumulyap ito sa amin, "Hoy, Mirasol, inubos mo yung strawberry taho ko kanina! Hindi kita sasabayan noh!" Mataray nitong sambit at napahagikgik na lang ako.

"Si Gethan pala pinaka-malas dito." Sambit ni Rehan at biglang tumakbo ng mabilis habang tumatawa nang hahampasin sana siya ni Avery.

"Gago, hindi kami!" Sigaw ni Avery.

Nakita ko na lang na napapailing na lang si Gethan sa gilid habang naguusap sila ni Yarden.

Naghahabulan pa yung dalawa at kami naman ni Mira ay tinatake time yung paglalakad.

"You won't still confess?" I finally asked the bomb. Matagal ko nang gustong tanungin si Mira about this pero nag-aalangan talaga ako since lagi naming kasama sila.

She laughed bitterly, "I wanna. Pero something's holding me back." She said.

"What is it?"

"I know Rehan well kaya alam kong hindi niya magugustuhan kapag nagtapat ako sa kanya."

"Hindi pa rin ba siya nakakamove-on?"

"It takes time, Marleigh. He was hurt and maybe still hurting."

"Who's the girl ba?"

"I wanna say it to you but..."

"It's okay. I understand it. Just let me know if mag-coconfess ka na hah? I support you, alam mo mo yan." I smiled at her and tapped her back softly.

"Thank you, Marleigh.."

"We're finally here!!" Napa-angat ako ng tingin nang masiglang sumigaw si Avery.

Napangiti rin ako nang mapagtantong nasa picinic area na nga kami. Grabe, that was tiring!

Inunahan na ako ni Mira sa pagpunta sa aming usual spot. Second time pa lang naman namin dito pero may spot na agad kami.

"You good?" I didn't need to look who it is, I already knew it was Yarden.

I scoffed, "Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sayo niyan?" Nakangisi kong sambit.

Nakita ko siyang umiling sa aking peripheral vision, "I'm asking you, now answer me."

Nagkibit balikat ako, "Fine. I guess. Hindi ko alam."

"You're not fine, Marleigh. Muntikan ka nang ipa-guidance after destroying our classmate's project!" He said as a matter of fact.

"I know! I freaking know! Pwede bang huwag na lang muna nating pag-usapan? I didn't join you with this trip just to think about those stupid things." Hindi ko na napigilang pag-taasan siya ng boses kahit na good mood naman ako kanina.

Napahilamos ako sa aking mukha at tumingin sa ibang direksyon. I heard him sigh.

"Fine. Enjoy this trip, okay? Your happiness is what I'm always looking forward to." He stated and naglakad na papunta kila Rehan na kasalukuyang nag-lalabas ng mga pagkain.

It Doesn't Really MatterWhere stories live. Discover now