Agad na nagpalinga-linga si Brie nang makalabas sila.

Ilang distansya lang ay kalsada na ang nasa harap. Marami ring iba pang establishments sa paligid. Nasa parteng Timog ang restaurant na iyon.

"Brie, ano bang ginagawa mo?" Ani Trish sa tabi niya na wala pa ring maintindihan sa nangyayari.

Nahagip ng mga mata niya ang noon ay papasakay na ng taxi na si Gelai. "Hayun!"

Hawak pa rin sa kamay si Trish ay mabilis na nagpaypay ng taxi si Brie.

Nang may huminto sa kanila ay mabilis niya ring kinaladkad ang kasama. "Manong, sundan niyo ang taxi na 'yon! Bilis!" Turo niya sa taxi na sinakyan ni Gelai.

Agad namang sumunod ang driver kahit nangungunot ang noo.

"Huwag niyong iwawala, Manong, ha..."

Si Trish na hindi na nakapagpigil ay hinawakan sa dalawang balikat si Brielle at hinarap sa kanya. "Puwede mo na bang sabihin sa 'kin ang nangyayari ngayon?"

"Ano pa ba, kundi sinusundan si Pen," ang sagot ni Brie. Bumaling muli sa driver. "Manong, sundan niyo lang ha."

Napahawak sa sintido si Trish. "Teka, teka... Hindi ba't sinabi ko na sa 'yong nakaalis na si Pen?"

Muli itong hinarap si Brie. "Hindi ba nga't sinabi na rin ng taong 'yon na hindi siya si Pen?"

Sandaling tila nag-isip si Trish. "So? For all we know, nagde-deny lang ang taong 'yon. Ba't nga naman siya aaming siya Pen? 'Di ba? Pero ang hindi ko maintindihan ay itong bigla-bigla mo na lang akong kinakaladkad nang walang dahilan. Saka, sino bang sinusundan natin?"

"Trish... 'yong sinusundan natin, siya ang tunay na Pen," paliwanag dito ni Brie.

"Sino?" Tila walang ideyang tanong nito.

"Si Gelai! Siya ang tunay na Pen."

"Wait-wait-wait..." Ani Trish na nakataas ang kamay, "you're saying na si Gelai si Pen?" Tila hindi makapaniwala nitong tanong.

"Exactly!"

Natawa si Trish. "What?? You can't be serious. She can't be Pen. Just —" she trailed off, " — have you seen her?" Labis ang pagtutol sa mukha nito, "she can't be that pathetic-looking girl who looked like some broke college-girl who has barely eaten."

"Wow. Harsh..." Komento ni Brie.

"All right. All right. I'm sorry. But that's not my point. Pa'no mo naman kasi nasabi na siya si Pen?"

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon