MSG 26.

138K 2.7K 1.4K
                                    

Chapter 26.


Candice's POV.


I feel so tired. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. I just feel like resting. Pero naudlot ang pagpa-pahinga ko dahil nararamdaman ko ang kamay ni Jacob sa kamay ko, ramdam ko din ang luha niya na umaagos.


"Jacob?" mahina kong tanong. pati boses ko pagod.


"Candice.... salamat sa Diyos at gising ka na." nag-pahid si Jacob ng mga luha niya at hinalikan ang noo ko.


"Ang baby ko?" i asked. Hindi ako tanga para hindi malaman na buntis ako. I am. I am pregnant!!


"Candice-.."


"Kamusta ang baby ko?" Hindi niya ako sinagot. yumuko lang siya at napa-hawak sa sentido niya.


Shit. Don't tell me.... No. Safe ang baby ko! Nasa mabuting kalagayan ang baby ko.


"Jacob ano ba! Safe ang baby natin diba? Malaka ang kapit niya diba? Sumagot ka!" I yelled. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Naiiyak na naman ako. Nakakasawa ng umiyak.


"Mahal ko, wala na ang baby natin..." niyakap niya ako at umiyak sa mga braso ko. Ito na, onti nalang...


"Jacob! kaya mo bang sabihin yan sa baby natin? kumapit siya Jacob! kumakapit siya!" pinalo ko ang likod niya. hindi ko alam, pakiramdam ko mababaliw na ako.



"Baby ko.... kapit ka lang dyan ha? mahal na mahal kita." i hugged my tummy. Hindi maari. Hindi ako naniniwala na wala na ang baby ko!



"Mahal ko... wala na... mahal ko..." hinalikan ni Jacob ng mariin ang noo ko.


Mababaliw na ako... Hindi ko na kaya, sobra sobra na yung mga sakit na dinadanas ko. This time gusto ko na sumuko.



"Bakit mo hinayaang mawala ang anak ko! Bakit!? Hindi mo ba siya mahal?! Walang hiya ka! Wala kang kwentang ama! Sana nagsama nalang kayo ni Cheska sa impyerno!" hagulgol ko. Nagagalit nanaman ako kay Jacob!!


Hinampas-hampas ko siya. Hindi ko sila mapapatawad ni Cheska sa pagka-wala ng anak ko!!


"Buntis din si Cheska. Mahal mo siya hindi ba? Dun kana sakanya! Iwan mo na ako! Tutal parehas naman kayong walang kwentang magulang!"


"Mahal ko... beb... tama na please. baka mabinat ka.."


"Hindi ko na kaya!!!!!" sigaw ko. Hindi ko na talaga kaya. Ayaw ko na mabuhay. Pakiramdam ko nawala ang lahat lahat sa akin nung nawala ang anak ko.


Pumasok sa loob ng kwarto ko sina Bianca at Sofia. nasa likod naman nila sina Lester, Katsumi, Seth, JC at Kit.


"Kath...." inakap ako ni Sofia at Bianca kaya lalo akong napa-hagulgol. Shit. Gusto ko na mamatay.



"Ayaw ko na......." i mumbled.



"Beb...."


"Ayaw ko na Jacob! Sana pala hinayaan ko nalang si Cheska sa mga gagawin sa akin...."



"Beb wag ka magsalita ng ganyan!"



"Kung mamamatay ako ngayon, makakasama ko ang anak ko sa langit."



"Mahal ko kailangan pa ni Justinn. Kailangan pa kita. Wag ka namang magsalita ng ganyan." Umiiyak na ulit si Jacob.


Justinn..... ang anak ko. gusto ko na siya makita. siya lang ang makakapagpa-saya sa akin ngayon.


"S--.. si Justinn.... gusto ko makita ang anak ko. Bianca... Sofia... tulungan niyo naman ako makabalik sa London..." pagmamaka-awa ko sakanya.



"K-Kath..." Sofia.



"Candice, magpa-galing ka muna okay? Hinahanap na namin si Cheska and i'm sure mananagot siya dito... so magpagaling ka ha? para makabawi ka sakanya after niya manganak..." Bianca.


Naalala ko nanaman ang bata sa sinapupunan ni Cheska. Nasasaktan nanaman ako lalo na't si Jacob ang ama non.


Unang kita ko palang kay Cheska nung araw na nag-away kami... napansin ko na may kalakihan na ang tiyan niya pero hindi ko pinansin yun dahil sa galit ko sakanya.


Naiinggit ako kay Cheska. Buhay ang baby nila ni Jacob. samantalang yung baby namin, naging angel ulit sa kamay ni God. ang sakit isipin na hindi ko man lang siya nakausap... hindi ko na sabi sa baby ko kung gaano ko siya kamahal and that i would never want to lose her/him. Kung alam ko lang na buntis ako, edi sana hindi ko na siya sinugod... Tangina ko talaga. Ang bobo ko. Hindi ako nagiisip. Wala akong kwentang ina. Nagpadalos-dalos nanaman ako sa mga ginawa ko, akala ko buhay ko ang kapalit eh, buhay pala ng anak ko.... Shit. Wala talaga akong kwentang tao. Bakit pa ba ako binuhay ni Cheska? sana sinaksak niya na lang ako.



"Mahal ko, kain ka muna..." hindi ko napansin na kami nalang pala ulit ni Jacob ang tao sa kwarto.



Hindi ko siya pinansin. At bakit pa ako kakain? Wala nanaman yung baby ko, walang makikinabang sa pagkai na kakainin ko.


"Mahal ko, wag mo'ng sisihin ang sarili mo sa pagka-wala ng anak natin. Pwede pa naman tayo gumawa ulit." He smiled sweetly.


I know he's trying to make me smile pero walang epekto. Ang tanging iniisip ko lamang ngayon is.... gusto ko na mamatay. Ayaw ko iwan si Justinn pero suko na talaga ako.


"Mahal ko, maya-maya ay dadating ang nurse dito para palitan ang bandage mo sa braso kaya, kain ka na... please?" Inilapit niya yung kutsara sa labi ko pero hindi ko iyon isinubo.

Tinignan ko ang braso ko, napuruhan nga pala ito. Hindi ko man lang naramdaman.



"Jacob gusto ko mapag-isa...." I mumbled.


Hindi agad siya sumagot at tinignan lang ako. parang nagdadalawang isip pa siya kung lalabas siya o hindi.



"Gusto mo bang mabaliw ako sa kakaisip? I need to be alone. please lang lumabas ka muna." I said.



He sighed deeply, lumapit siya sa akin at hinalikan ang labi ko. "I love you, mahal ko. Andyan lang ako sa labas ah, pag may kailangan ka ha? Pahinga ka muna." and he kissed my forehead saka siya lumabas ng kwarto.



Jacob's POV.


Nagdadalawang isip ako kung lalabas ba ako o hindi. Nag-aalala kasi ako sa kung anong gawin ni Candice sa sarili niya sa sobramg depressed niya.


"Mr. Anderson." tinawag ako ng Doctor ni Candice.


"po?"


"Naka-ilang bese na na-ospital ang asawa mo dahil sa over fatigue o pagod, stress at ngayon naman dahil nalaglag ang anak niya. Alagaan mo ang asawa mo hijo, hindi normal sa isang babae na ma-confine sa hospital 4 o 5 na beses sa dalawang buwan dahil sa stress o pagod. Pasayahin mo ang asawa mo, nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya sa tuwing mac-confine siya dito... At ngayon, nawala ang anak niya. i'm sure sobrang depressed iyon at maari siyang...." kinabahan ako nang huminga ng malalim ang doctor.


"M-maarin ano ho?"


"Maari siyang mabaliw. Kailangan niyang makalimutan lahat ng problema na sunod sunod na dumarating siya. I'm afraid na baka hindi na makapag-isip ng tama ang asawa mo dahil sa mga problema niya, lalo na ngayon.... She might have an mental disorder..."



Natapos kami mag-usap ng Doctor. Hindi parin ako mapalagay. Mental disorder? Shit.


Pagpasok ko ng kwarto...


"Candice anong ginagawa mo!!!!" napasigaw ako dahil nila-laslas niya ang pulso niya gamit ang bread knife.


Nakatulala lang siya habang naka-tingin sa akin at habang nagdudugo ang pulso niya. Tumawag ako ng nurse na agad naman itong ginamot. Buti na lang ay hindi masyado malalim pero maari siyang ma-infect dahil dun sa bread knife.


Natatakot ako sa kung paano kumilos si Candice ngayon. Nakatulala lang siya sa pader ng hindi kumukurap.


Buti nalang ay dumating ulit si Bianca't Sofia so nagkaroon ulit ako ng chance para makapag-tanong sa doctor about sa mental disorder.


"Doc, ano po ba mga sintomas mga may mental disorder?" I asked.


"Madalas tulala, nagsasalita at tumatawa mag-isa, kung ano ano ang kinakalikot, palaging ninenerbyos or nagiging clumsy, nakikipag-usap sa mga bagay na hindi nabubuhay. I suggest you to observe your wife, Mr. Anderson."


"Eh doc, ano naman pong lunas non?"


"Kung magpapa-consult ka sa psychiatrist, bibigyan lang niya kayo ng gamot pero i prefer na, mag-kwento ka lang sakanya kung ano siya dati, sawayin mo siya sa mga maling ginagawa niya. Yun lang. May chance pa naman na mawala yung disorder eh, all you need is courage and motivation na maibalik sa dati ang asawa mo." He said. Kailangan ko na talaga obserbahan si Candice.



"Anyway, pwede na siyang ma-discharge mamaya at ipag-patuloy ang pahinga niya sa bahay. No sex for 1 month dahil sa miscarriage niya at wag masyadong papagurin ang misis ha?"


"Sige, salamat doc."


Pumasok ako ulit sa kwarto, pinapatawa nina Bianca't Sofia si Candice pero........ shit. tulala na naman siya.

My Stupid Groom (MBB II)Where stories live. Discover now