MSG 27.

67.3K 1.8K 453
                                    

Jacob's POV.

"Andito na tayo, mahal ko!" masiglang sabi ko sa tulalang asawa ko.

Lumabas ako at pinagbuksan siya ng pinto, lumabas siya pero di siya umiimik at diretso lang ang tingin niya sa bahay. Pumasok kami sa loob habang inaalalayan ko siya, wala siyang ibang ginawa kundi ang dedmahin ako pero di parin ako tumatahimik.

"Gusto mo ba ng bagong baby?" bulong ko sakanya. Mabilis siyang napatingin sa akin at bakas ang pagka bigla sa mukha niya. "

Ang baby ko? Nasaan?" pasigaw niyang tanong habang kumakapit sa braso ko. "Ang baby ko!! Sabing nasaan eh?! Ipakita mo sakin ang anak ko!" hinahampas hampas niya ang braso ko habang rumaragasa nanaman ang mga luha niyang walang preno kung tumulo.

"Shhh... Candice, please. Tama na." niyakap ko siya ng mahigpit. "Ibalik niyo sa'kin ang ana ko!!" sigaw niya pa habang humagagulgol. "Please... please... gusto ko ng makita ang anak ko.. please naman!! Please! Please! Nagmamaka awa ako!"

Hindi ko maatim na nagkakaganito siya. Sobrang sakit sa pakiramdam na ako yung puno't dulo ng lahat. I caused too much pain to her. 7 years ago, until she came back. Wala akong ibang ginawa kundi isipin ang paghihiganti at taasan ang pride ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang magalit sa pagiwan niya sa akin noon. And now she's suffering 10x more painful than what i've felt when she left me. I'm such a disgrace. Dapat ako nalang yung pinatay eh. Sana ako nalang, at hindi yung anak ko.

"Please.... anak... bumalik ka na kay Mommy... hinding hindi kita sasaktan..." pahina nang pahina ang kanyang boses. Her voice is cracking.

Sa tono ng pagmamakaawa niya ay labis na naging malupit ang tadhana para sakanya. Where in fact, ako ang nagcontrol sa buhay niya kaya siya nagkaganyan. If it wasn't me, hindi masasaktan ng ganito si Candice. If it wasn't me, siguro ay sikat na model na siya nayon. If it wasn't me, siguro ay mayroong lalaking mas deserving kesa sa akin, yung hindi siya sasaktan, yung hindi niya aakalain na may ganong klase ng sakit. Yung tipong gusto mo nalang takbuhan ang lahat and kill yourself. If it wasn't me, maybe she's genuinely smiling. If it wasn't me, maybe her son or her daughter would be so happy to be with her. Ako ang malas sa buhay ni Candice eh. Ako yung black sheep sa buhay niya. Ako yung lalaking walang ibang ginawa kundi ang itake siya for granted. And i don't deserve her. She's an angel, and i'm a commoner. Hindi ko deserve tong babaeng 'to. She deserves the best man who wouldnt hurt her the way i did. She deserves to be just sitting in a castle, not in a hospital room. Hindi ko na ginising si Candice.

Hanggang gabi ay tulog siya. At ako naman, walang ibang ginawa kundi ang titigan ang pagod pero maganda niyan mukha. She's beautiful, all perfect. Count it with her wrinkles. She's peacefully sleeping, aakalain mo wala siyang problema dahil sa ganda niya. Pero kapag nakita mo ang mata niya, makikita mo ang sakit, hinanakit at lungkot. And i hate myself for being the reason of her agony.

"Baby..." she smiled while her eyes are closed.

"Ang ganda ganda mo naman... manang mana ka sakin..." she's smiling, ang laki ng ngiti sa mga mukha niya. I love her that way.

"Poprotektahan kita, anak.. Mahal na mahal kita... Baby...?" biglang kumunot ang noo niya. "Baby? Bakit ka lumalayo sa akin?" gumigilid ang ulo niya mula sa kanan hanggang kaliwa and vice versa. Jesus, she's having a nightmare that will forever haunt her. "Baby! Baby! Bakit ka lumalayo?! hintayin mo ako, anak! Anak! Baka kunin ka nila sa akin!" she's crying now.

Nakaka panic naman 'to!! I tried to calm her pero lalo lang siyang humagulgol at nagising. Umiiyak lang siya habang yakap yakap ko siya. Wala siyang imik kundi ang hikbi.

"Mahal matulog ka na..." Tinignan niya lang ako habang umiiyak siya.

Siguro ay susukuan niya na ako dahil sa sobrang pasakit ko sakanya. Siguro ay iiwan niya na ako for being such an ass and I hate to admit i deserve that.

"Iiwan mo na ba ako?" tanong ko sakanya.

Tinignan niya lang ako at dahan dahang hinaplos ang mukha ko.

"Suko na ako." that's her last word at hindi na siya nagsalita ulit.

My Stupid Groom (MBB II)Where stories live. Discover now