MSG 17.

111K 1.9K 400
                                    

Chapter 17.

Candice's POV.

Hindi ko kasabay si Jacob umuwi, i decided to commute than to fight with him while in the car, it might lead us to an accident. Lalo na't stupid siya.

Grabe yung kaba na nararamdaman ko habang papalapit itong taxi sa village ni Jacob, mas nadagdagan yung kaba ko nung nag text siya.

From: Daniel Jacob

Where are you!?

Shit! hindi ko nalang siya sinagot, malapit na rin naman ako.

Nang makarating ako sa bahay, dahan dahan akong naglalakad paakyat sa hagdan. I know he's at his room right now, thinking what he'll do to me next. Shit. Shit.

Kumatok ako sa kwarto niya at marahas naman niyang binuksan ito, hinila niya ang wrist ko at hiniga ako sa kama. Please luha, wag ka munang tumulo.

"What did i told you?!"

"Kinuha ko lang naman yung mga mga gamit ko sa condo tapos dumiretso na ako sa Trinoma!" I yelled. hindi ko hinayaang lamunin ako ng takot ko, baka trauma ang abutin ko pag ganon.
Malalang trauma.

"Didn't i told you to fucking stay here! Bakit ba napaka-tigas ng ulo mo Kathryn!" frustated niyang sigaw.

"Ano bang ikinagagalit mo Daniel! Wala naman akong ginawang masama ha!? Kung meron mang dapat magalit dito, ako 'yon!"

"Hindi ka marunong sumunod! Yun yon!"

hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Napaka-kapal din naman ng mukha mong sigaw-sigawan ako eh noh? Matapos mong makipag-date at mag i love you too kay Cheska ito ka ngayon at galit na galit dahil umalis ako sa punyetang bahay mo?! Oh for Christ's sake! Susundin kita kung matinong asawa ka eh! Kaso hindi eh! You fucking have a mistress, ang masama pa don, sa harap ko pa mismo kayo naglalampungan!!" I shouted, sa wakas ay nalabas ko na rin yung hinanakit ko sakanya. hindi ito yung lahat pero atleast nabawas-bawasan.

"You're fucking mad because me and Cheska are dating?! Sino ang nang-iwan? Tell me Candice! Sino!? Sino itong pinili ang modelling kaysa sa sariling asawa? Sino ang nakikipag-sex sa iba't ibang lalaki? Sino itong paglago lang kumpanya nila ang iniisip? Sinong malandi ang hindi alam kung sino ang ama ng asawa niya!?" And there, i slapped him.

Gusto kong sabihin sakanya na hindi ko pinili ang modelling. Gusto kong sabihi sakanya na hindi ako nakikipag-sex sa kahit sino nung naghiwalay kami. Na hindi lang kumpanya yung iniisip ko nung panahong iyon. Gusto ko ring sabihin na siya at siya lang ang ama ng anak ko. Gusto kong sabihin na lahat ng akala niya sa loob ng 7 years ay mali lahat. Kaso sobrang hina ko eh, nanghihina ako. Ayaw lumabas ng mga katagang iyon mula sa bibig ko.

"Now tell me Candice, Sino?!" muling sigaw niya. napa-upo nalang ako sa kama.

"I-I'm sorry..... please wag na tayo mag-away." Ayan nalang yung nasabi ko dahil sobrang bigat na ng damdamin ko.

Tatayo sana ako para yakapin siya pero ramdam kong na-out of balance ako and everything went black.

--

"So far, wala naman akong nakitang sakit sakanya. Over fatigue lang ito. Osya, tumawag ka ng nurse pag gising na siya."

"Sige, salamat." I heard Jacob's voice.

Nanatili akong nakapikit. Ayaw ko pa. Sana di nalang ako nagising! hindi pa talaga ako ready kausapin si Jacob.

Umupo siya sa upuan na nasa right side ko. Wala ba siyang balak na magsalita mag-isa? I mean, yung magso-sorry siya habang tulog ako.. Kaya i have no choice but to open my eyes.

Napatingin siya sa akin pero nanahimik lang siya at tumayo. Pagbalik niya ay may kasama na siyang nurse.

Kinuha ng nurse ang blood pressure ko at tinanong kung may kung anong masakit sa akin. Meron, yung puso ko. Sakit na walang lunas. walang kahit anong gamot ang makakagamot. Si Jacob lang.

"Pwede ka ng ma-discharge anytime today." sabi nung Nurse. I just nodded.

"Uuwi na ako." i said, breaking the silence between us.

"Hindi."

"Jacob, kung papatirahin mo lang ako sa bahay mo para isumbat ang lahat at para insultuhin ako, please lang pauwiin mo nalang ako.."

"You're not going anywhere without me."

Hindi na ako kumibo, inayos ko yung sarili ko at tumayo. Medyo mahina pa ako kaya inalalayan niya ako, nakahawak siya sa bewang ko at yung kaliwang kamay niya ay nakahawak sa kaliwang kamay ko. Ang sweet, sana ganito palagi.

Pagkadating namin sa bahay ay agad kaming kumain, It's almost 10 in the evening at sobrang gutom na ako.

"Kaya mo bang kumain?" He asked me. Tinanguan ko lang siya and we started eating.

Pagtapos ay sabay kaming umakyat. Naligo siya at ako naman ay nagbihis lang. I'm wearing a daster, nakasanayan ko na kasi ito.

Ipinikit ko na agad ang mga mata ko nung narinig ko ang pag-pihit ng pinto, tapos na siyang maligo and gusto kong umiwas sakanya dahil baka mag-away nanaman kami.

He turned off the lights, hihiga na sana siya ng biglang mag-ring ang cellphone niya.

"Hello?" sagot niya. halatang nagulat siya sa ibinalita ng kausap niya pero halatang hindi ito maganda. He was on the verge of crying, halata iyon. Nakahawak nanaman siya sa sentido niya.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin, tumayo ako mula sa kama at niyakap siya mula sa likod.

Tinanggal niya ang mga kamay ko sa bewang niya pero binalik ko iyon at mas hinigpitan ko pa.

"S-si dad..... inatake sa puso." he sobbed.

"Jacob.... everything's gonna be alright. Nandito lang ako sa tabi mo. Magiging maayos din si Tito Rommel. He's a fighter isn't he?" I encouraged him. Sa mga oras na to kailangan ni Jacob na lakasan ang loob niya at kailangan niya ako, dahil masasandalan niya ako at willing akong maging sandalan niya.

"C-candice, mahina ang puso ni dad.."

"Daniel Jacob, kakayanin niya 'yon. He is the Rommel Anderson. Kayang kaya niya yon. Sisiw lang yon sa kanya."

Hinarap niya ako at hinalikan. siguro kailangan niyang makalimot, i responded to his kissed and put my hands on his name.

I know what will happen next, tanggap ko ito. Yung gagawin niya akong laruan. kakailanganin, itatapon, kakailanganin, at itatapon ulit. Ako rin naman amg dahilan kung bakit siya nagkaganito.

--

The next morning, pag gising ko ay tulog na tulog pa si Jacob at naka-yakap pa sa akin. Kinuha ko ang puting t-shirt na ginamit niya kagabi.

Nagtoothbrush ako at naghilamos bago bumaba. Kumuha ako ng ingredient mula sa ref. Infairness naman sa akin dahil marunong akong magluto.

Nagluto ako ng egg and hotdog sa ref.
mehehehe, akala niyo kung ano lulutuin ko eh hahahaha. Okay.

Kumuha ako ng tray at inilagay doon ang pagkain niya.

"Breakfast in bed!" Masiglang sabi ko nang maabutan ko siyang naka-upo sa kama niya.

"Alam ko kasi na.... stressed ka kaya ginawan kita ng breakfast." Nginitian ko siya pero nakatitig lang siya sa akin.

"Uhm, gusto mo subuan kita?" I offered.

Medyo tinabig niya yung spoon na hawak ko at tinanong niya ako.


"Bakit hanggang ngayon ipinapakita mo paring mahal mo ako?"

Gusto ko sanang sabihing... kung alam mo lang na hindi ako tumigil na mahalin ka at hindi ko kayang pigilan ang sarili ko to the point na papayag akong maging laruan mo at kahit alam kong malabo, umaasa pa rin akong maaayos 'to..

My Stupid Groom (MBB II)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα