Napailing ako sa sarili ko.

"Where are you going?"

"Sa langit!"

Ah, lintik. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Padabog na akong umakyat at nagkulong sa study room.

May sofa rin doon. Doon ako nahiga at nakatulog.

Pero nagising na lang ako sa kama namin. Katabi ko si Errol. Pareho kaming nakatagilid at paharap sa isa't isa.

Obviously, hindi siya nakatiis na hayaan akong nakakulong sa studyroom. He got the keys so he has the capacity to unlock the door. Kahit paano ay nakabawas iyon sa inis ko. Kahit hawak niya ang susi, hinayaan niya muna ako magpalamig ng ulo. Pero kahit paano ay hindi naman niya ako hinayaang maburo.

Napahinga ako nang malalim nang matitigan ang guwapo niyang mukha.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong hinahaplos ang pisngi niya. Napaungol siya at napasinghap din ako sa init na hatid niya.

"Hindi kita maintindihan. Nakakaloka ka." bulong ko.

Tama. Hindi ko talaga siya maintindihan sa maraming aspeto. He was such a mystery, a puzzle that it was hard for me to solve.

Sumiksik ako sa dibdib niya. Dahil maaga pa, nakatulog din ako. Nagising na lang ako nang mag-ring ang cellphone ni Errol.

Bumangon ako at kinuha iyon sa side table. Erwan ang caller.

Pero ang nakapagpakunot ng noo ko ay ang napansin kong ringtone niya.

Fur Elise.

Ngayon ko lang narinig ang ringtone ni Errol. Kadalasan kasi ay naka-vibrate lang iyon. Kung naka-on ang tone ay hindi ko naman naririnig.

Kaya nagulat ako nang marinig ang kantang Fur Elise.

Pero bakit hindi niya sinabing gusto rin pala niya si Beethoven? Noong nalaman niyang paborito ko si Beethoven ay nag-walkout siya.

Something's going on. Ramdam ko talaga.

Bumangon ang interest ko at curiosity.

At hindi ako mapakali. Kailangan maipaliwanag na ito ni Errol sa akin.

Napaigtad ako nang mag-ring ang cellphone. Naulit ang pagtawag. Nanuyo ang lalamunan ko at kinabahan. Nagdalawang isip ako kung sasagutin iyon hanggang nagpasya akong sagutin na.

"H-hello?"

"Who is this?" takang tanong ng lalaki sa kabilang linya. Buo iyon at malaki. I imagine a big man who owns that voice.

"I am Erica." pigil hiningang pakilala ko. Tumayo ako at hinanap si Errol. Habang nililibot ang bahay ay kumakabog din ang dibdib ko.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang ilag at kaba na nararamdaman ko kay Erwan.

"Where's Errol?" tanong niya

"Hindi ko alam. Hinahanap ko siya ngayon dito sa bahay. May ipagbibilin ka ba?"

"Erica!" saktong tawag ni Errol nang pumasok ako sa kusina.

Biglang nawala ang atensyon ko kay Erwan dahil nakita ko si Errol na naka-apron. Nagluluto siya ng breakfast.

Bakit ganoon? He still look dashing even he was just wearing an apron? It made my heart go crazy.

Agad siyang lumapit nang ituro ko ang cellphone saka isinenyas na si Erwan ang caller. Agad niya iyong sinagot.

Saglit na nawala si Errol. Hinarap ko na ang pagluluto. Fried rice, egg and bacon. Paluto na iyon kaya hindi nagtagal ay pinatay ko na rin ang stove. Inaayos ko na ang mesa nang dumating si Errol.

Tahimik ulit si Errol. Naupo ako sa tabi niya at marahan siyang siniko.

"Problema?" tanong ko.

Humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago nagsalita. "I told him about us. He wants to meet you." sagot niya at tumitig sa akin. Napalunok ako nang makita ang lamlam sa mga mata niya. "Can you make a promise?"

Kumabog ang dibdib ko. "A-ano iyon?"

"You don't have to please my family. Just be yourself."

Hindi ko alam kung matatawa o hindi. Pero sa huli, tumango na ako. Ayoko rin naman magpanggap na babaeng marangal dahil ang totoo naman ay hindi ako ganoon.

"Puwede ba akong magtanong?"

"Go ahead."

"Si... Beethoven. Fur Elise din pala ang ringtone mo. Bakit?"

Napatingin siya sa malayo. Tila nagkaroon nang pagtatalo sa loob ng isip niya hanggang sa malungkot na ngumiti sa akin.

"Yes. He's my favorite too."

Napatango ako. "So bakit hindi ka natuwa noong malaman mong paborito ko rin iyon?"

"Because it felt nostalgic." simple niyang sagot.

"Bad memories?" panghuhula ko.

"Sad memories."

Alam ko ang salitang respeto kaya hindi ko na siya kinulit. Nakikita kong hindi na madali sa kanya ang mag-share.

He looked broken.

And it surprised me to feel the same for him. Seeing this man broken made me feel shattered too.

And I found myself embracing this lonely man. I hope, by doing this I can make him whole again.

I sighed.

DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)Where stories live. Discover now