Chapter 1: It is still a Once upon a time

27.2K 432 37
                                                  

= Earth World=

It’s my Graduation day

Matagal ko na itong hinihintay ang makatapos sa aking kurso at agad ng makapagtrabaho para makatulong sa mga mahal ko sa buhay

Sayang nga lang, maaga akong naulila sa magulang, hindi nila nakita kung pano ako nakapagtapos, hanggang ngayon walang akong malinaw na dahilan kung ano talaga ang nangyari sa kanila at bakit nila ako iniwan

 “Congratulations!” si Lola at Lolo ang sumalubong sa akin para bumati, sila ang tinutukoy ko na gusto kong matulungan, malaki kasi ang utang na loob ko sa kanila

Sila ang nag-alaga sa akin simula nung iniwan ako ng aking mga magulang, kahit sila hindi nila mapaliwanag kung bakit ako iniwan ng aking mga magulang pero minsan napapansin ko meron silang tinatago sa akin

“Congratulations Princessa” wika sa akin ni Lolo at sabay halik sa likod ng aking kamay

Ganyan talaga si Lolo, masyadong gentleman kahit nung bata pa ako, lagi niyang hinahalikan ang aking kamay tuwing uuwi ako galing skul, ako daw ang kanyang pinakamamahal na apong princessa, ang sweet talaga ng Lolo ko

“Maraming Salamat po, kung hindi naman po dahil sa inyo hindi po ako makakapagtapos” niyakap ko silang dalawa at hinalikan sa kanilang mga malalambot na pisngi

Pero may kulang, meron pang isang mahalagang tao na hindi pa bumabati sa akin, mukhang hindi na siya dadating, hindi kasi buo ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita

“May problema ba Apo” nahalata ni Lola na may hinahanap ako

“Hinahanap niya si tukmol” hinapas ni Lola si Lolo ng kanyang tungkod “Aray! Sweetheart masakit yun” reklamo ni lolo habang hinihimas ang puwet niya, napangiti ako sa kanilang dalawa ang sweet nilang tignan, sana makasama ko rin ang minamahal ko hanggang sa pagtanda

“Lola, huwag ninyo na po awayin si Lolo wala naman po akong hinahanap” pero sa totoo hinahanap ko talaga siya, hindi siguro pupunta yun kaya niyaya ko na sina Lola at Lolo lumabas ng auditorium

Palabas na kami ng biglang nagsigawan ang mga tao

“Good Afternoon to all of you” biglang nagsalita ang speaker  

“Congratulations sa inyong lahat mga graduates!! pasesnya na kung naistorbo ko kayong lahat, may isang tao dito na gustong mag-announce” hindi ko nalang ito pinansin kasi tungkol lang yun sa outing namin para sa farewell party  


“Good Afternoon Everyone, before i proceed can I call the important girl in my life”


Lalong lumakas ang mga sigaw ng mga estudyate sa loob ng auditorium, parang pamilyar ang nagsalita kaya agad naman akong lumapit malapit sa stage

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon