Teka nga kung nakakabuntis tong mata ko? Kung titigan ko ba tong dalawang to.. mabubuntis rin bah?

Hala! Ayokong maging ama lalong lalo na sa dalawang hipon na to. Bata pa ako marami pa akong pangarap sa buhay.. kung may mabubuntis man dapat si sofia lang yun at si sofia lang.pero sa tamang orasss. Hindeeee ayoko pang maging ama high school palang ako. Wahhhhhh

"Hoy pan- pan anong trip yan? Bakit ka nakapikit?"

"Oo nga mathew baliw kana bah?"

Baliw ba yung ayoko lang maging batang ama at kayo magiging batang ina? Or ama? Inama? Whattttt??? Naguguluhan na ako sa mga naiisip ko.

Pano yun magagalit si mommy sakin lalong lalo na si daddy. Wala pa akong trabaho at walang pambili ng gatas walang bigas pambayad ng kuryente  anong ipapakain ko sa mga to?

Pano nalang yung kagwapohan ko? Mapupunta lang sa mga hipon nato? Sayang yung genes ko hindi ko to ibibigay. Hindi hindi pwede. Hindeee

"Pan-pan dumilat ka na nga mukha kang timang."

Ayoko ayoko. Tinakip ko ang kamay ko sa mukha ko

"Hoy Matt problema mo?"

"Tabeeeeee!!!!"

Kung kayo lang naman ang magiging inama ng magiging anak ko papikitpik nalang ako habang buhay..

Tabeeeee!

Matt tabi naaa

Pan pan mabubungo ka

Tabeeeee!

Huh? Napadilat ako pero huli na. Pagkadilat na pagkadilat ko isang taong naka skate board na ang nasa harapan ko at mabubungo na ako.

BOGSHHHHHH...

Oh my gosh! Sigaw pa ng mga babae

ARAY! Shuta! Ang sakit nabunggo ang paa ko ng skateboard.. napatingin ako sa nakabunggo sakin at kita kong natumba rin siya pero mabilis rin siyang tumayo at pinagpagan ang sarili. Tumayo narin ako at mabilis na sinugod ang taong yun pero nakaka isang tapak palang ang paa ko ay natumba uli ako. Ang sakit talaga ahh

Pan pan okay kalang? Sabay lapit nila skye at efren.

May pa pikit pikit pa kasing nalalaman eh.

Napa tingala kaming tatlo sa taong nagsalita. At napakunot naman ang noo ko, ito yung taong nakabungo sakin base sa suot niya. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nasisinagan ng araw

Psh! Sa susunod kase kung gusto mong magdasal sa simbahan ka dumiretso hindi dito sa daan.

Uminit naman ang ulo ko sa sinabi niya. Walanghiya siya ,siya na ngang nakabunggo sa anak ng may ari nitong skwelahan siya patong mapagmalaki at may lakas ng loob na pagsabihan ako? Hindi niya ba ako kilala?

Hoy-- sasagutin na sana ni skye pero pinigilan ko siya. Inilalalayan naman nila akong tumayo

Eh tarantado ka pala eh ikaw na nga tong tanga na nakabunggo sakin ngayon, ikaw pa tong matapang? Sino kaba sa inaakala mo? Hindi mo ba ako kilala ha?! Sigaw ko sakanya

Pwede bah? lumayo ka nga--masyado kang malapit. Kalmado pa niyang sabi. Tinulak pa niya ako gamit ang hintuturo niya ng mahina na sakto lang para mapaatras ako.

Tumatalsik yang laway mo. inilapit pa niya ng kaunti ang mukha niya  mukha ko pero hindi ko parin maaninag ang mukha niya, nakakasilaw ang sinag ng araw na tumatabon sa kaniya.

My handsome girlfriendWhere stories live. Discover now