CHAPTER 6

921 46 0
                                    

October 17, 2017

Zenaya's POV

"Aww" daing ko pagkagising ko

Shit, bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Feeling ko tinusukan ako ng maraming karayom

Atsaka,

Bat may kakaiba akong nararamdaman?

"Wait," kinuha ko yung cellphone ko at tinignan yung date

"What the eff!?" Bulong ko

Naalala ko yung tinusukan ako ni Mom ng syringe sa bewang

Agad akong tumayo at pumunta sa harap ng salamin para tignan yung itsura ko

Kung payat ako dati, mas payat ako ngayon

Para na kong tingting

Pansin ko din na may mga marka ako ng injection

"Anong ginawa nila sakin?" Napaupo nalang ako dahil wala talaga kong maalala

Ang huling natandaan ko eh yung in-injection ako ni Mom

Agad akong pumunta sa puno na pinaglagyan ko ng gamit

"Buti nalang andito pa" bulong ko at kinuha

'baka binalik lang nila? Ilang araw akong tulog'

Friday ngayon at 5am palang

Chineck ko lang ulit yung phone ko at don ko lang napansin na andaming text and missed calls mula kila Kaila at Joey

Asking kung bat hindi ako pumasok ng isang linggo

Nakita ko yung note at envelope sa desk ko

From Dad,

                Anak, we are going now sa Japan, anjan na yung allowance mo for 1 month. Take care

                            
Walang nakalagay na date kaya hindi ko alam kung kailan toh

Agad akong nagayos para sa school at bumaba para kumain

"Uhm, yaya, kailan umalis sila Dad?" Tanong ko sa isa sa maid namin, "Ah, kahapon lang po Mam" sagot nya

"Ilang araw ako tulog?" Tanong ko pa kasi baka mamaya mali lang ako ng iniisip

"Halos isang linggo Mam, ngayon nga lang po kayo bumaba eh. Ang sabi nila Sir nung tinanong ko eh malakas daw yung tinurok sayo na gamot" sabi niya

"Binuhat ba nila ko paalis?"

"Ayy opo Mam, nagtaka nga kami kung san ka po dadalhin pero ang sabi nila sa laboratory lang daw, kahapon lang din po kayo nabalik dito sa bahay" kwento niya

"Pinasok ba nila yung kwarto ko?" Wala sa mood kong saad

Hindi na ko natutuwa sa magulang ko

ZOMBIE MAZEWhere stories live. Discover now