Chapter 17: Open Forum

2.8K 47 1
                                    

Dennise's POV:

"Oh tapos Ano pa???" excited na tanong ni Edgar .. Days had passed so fast, 3rd day na namin ngaun sa field trip pero wala pa rin na kahit anumang activities na pinapagawa sa amin. At eto Ako ngaun patuloy pa rin na tinutulungan si Edgar sa 'ligaw thingy' nya

minsan nga nalilito na Ako eh, kasi diba dati bago kami pumunta dito sa field trip sinundo nya pa Ako sa bahay namin? tapos nung tinanong nya Ako na pwede daw ba kaming lumabas? ung nag away pa nga kami ni Jill nun eh.. tapos ngayon magpapatulong na lang sya sa aken na manligaw.. Bakit ganun? baka Ako lang tlga tong assumera .. haayyssss <///3

  "Saan ba magandang mag date den?" ayan nanaman sya!! konteng konte na lang tlga iiyak na Ako

"sa sementeryo" kaswal na sagot ko sakanya

"huh? sementeryo? Hindi ba nakakatakot Doon? gusto mo ba Doon?" sunod sunod na tanong nya.. Ayy malamang nakakatakot Doon kuya

"Oo. bakit ba? Tsaka Hindi naman nakakatakot Doon, mas maganda nga un eh, masosolo mo siya, ang tahimik tahimik Tsaka ang higit sa lahat maipapadama mo sakanya na PATAY  NA PATAY  KA SAKANYA" sagot ko at niyakap ko ang sarili ko at humiga, ung prang kinikilig? basta ganun na yon

"ha ha ha ha. ang dami Kong tawa" sarcastic na sabi nya.. tingnan mo to magtatanong tapos Hindi maniniwala.. ganyan palagi ang eksena namin tuwing nagpapaturo sya sa aking mangligaw.

"Eh bakit ba kasi sa akin ka pa nagpapaturo tapos nagpapatulong eh babae  nman Ako??" -ako

"eh kasi babae ka nga.. alam mo ung mga gusto ng kapwa mo" -edgar

"oh cge na cge na.. Ako na ang talo" tapos bumangon na Ako.. biglang nag vibrate ung phone ko, may nagtext

From: 0937*****

Den, may ipapagawang activity sa atin si ma'am divine.. Kailangan kita Doon, Kaya punta ka na dito sa room 28.. Dalian mo ah?? ASAP

*END*

nagpaalam na Ako Kay Edgar Tsaka dumiretso na papunta sa room 28, nakita ko Agad si ate czarina na halatang haggard na haggard

Heart Over Mind (gxg)Where stories live. Discover now