Chapter 20: The Plan

2.6K 51 0
                                    

Edgar's POV:

Kasalukuyan akong nandito sa mall kasama ung mga teammates ko. Katatapos lang kasi ng practice namin, Kaya eto gala gala muna kahit class hours excuse kasi kami sa mga class namin

Alam nyo ba paano manligaw readers?? kung Oo, tulungan nyo naman Ako oh

May gusto kasi akong ligawan and Di ko alam kung papaano, hehe *kamot sa ulo*

wala pa kasi akong nagiging gf kahit isa, pinangako ko kasi sa sarili ko na pag Ako nagkaroon ng girlfriend sya lang ang first at ang magiging last ko. Corny ba?? Heheh pasensya na, ganito tlga Ako e

marami na akong naging crush pero sa kanya ko lang naramdaman tong tinatawag nilang love. Ewan ko ba, pero kasi prang may something sa kanya na wala sa iba. Hindi ko rin ma-explain kung bakit ganito Ako kabaliw sa kanya

Owww. Kilala nyo na ba sya?? Hmmm sa tingin ko Hindi pa ata e. Ano? sasabihin ko ba? Haha. Sya lang naman si......

*drum rolls*

*drum rolls*

*drum rolls*

*drum rolls*

......

DENNISE MAE PARKER <3

ang ganda nya kasi *o*  

Haayssss ang sarap ng feeling pag in love :)))

Pero may plano na rin Ako sa panliligaw ko sa kanya. Kaso nga lang, prang natatakot Ako. Baka kasi mamaya, i-reject nya Ako tapos mapahiya pa Ako diba?

Pero dibale na, basta para sa taong mahal ko gagawin ko ang lahat. I really really love her that much that I can do everything for her

shocks, corny ko! HAHA XD

"Oh pare? Ngi'ngiti ngiti ka dyan ng mag isa ah. Si dennise nanaman nasa isip mo noh?" tanong ni kyle sa akin ng may ngiting nakakaloko sa labi nya at sabay siko sa akin. Katulad ko ay swimmer din sya pero silent type sya pagdating sa taong mahal nya. Pero kahit na silent type yan, haayy nakuu daig pa ang nakawala sa mental pag iyan gumawa ng kalokohan

"Ibang iba na tlga pag in love p're. Pagpahingain mo naman si dennise, baka pagod na yan kakatakbo sa isip mo" panggagatong naman ni mark at nag apir pa sila ni erick

Si mark at erick ay kambal and ka team ko rin sila. Pero kahit na halos magkamukha na sila ay Grabe ang agwat ng ugali ng dalwang yan

Si erick ung tipo ng lalake na kung maka asta eh parang gangster at Hindi rin sya mahilig pagdating sa love life love life na yan. Ayaw nya rin sa mga Babae at pili lang ung mga kinakaibigan nyang babae

Si mark naman ay ang talagang PINAKAMAGULO at PINAKAMALAKAS ANG TRIP sa aming magbabarkada. Chickboy din yan at halos linggo linggo ay iba iba ang gf nya. Minsan nga sa sobrang dami nyang syota Hindi nya na alam ung mga pangalan. Ewan ko ba, Hindi pa ata nagseseryoso yan pagdating sa pag-ibig eh.

"Tigilan nyo nga Ako. Ako nanaman nakita nyo eh!" tumawa lang sila at nagpatuloy lang kami sa paglalakad

Heart Over Mind (gxg)Where stories live. Discover now