Tumango ako.

“Okay.”

Umupo na ako. At tinignan ang mga nakahain.

Yung sayang naramdaman ko ay biglang nawala. Hindi naman ito ang mga paborito ko, kundi ito yung mga paborito ni Carisse.

“May problema ba, Rain?”

 

Tanong niya.

 

“Wala..”

Nagsimula  na akong kumain. Natigilan ako

“Ano masarap?”

Tanong niya. Tumingin ako sa kanya.

”Max..”

Biglang napalitan ng pag-aalala ang mukha niya.

”Hindi ba masarap?”

Tumango ako.

”Ganun ba? O sige, umorder na lang tayo sa---”

”----sobrang sarap, Max!”

Masayang sabi ko.

”Ang sarap mo palang magluto, kung bakit naman kasi ngayon mo lang ako pinagluto e.”

Napakamot lang siya sa batok. Hindi ko naman sasabihin sa kanya na hindi ito ang mga paborito kong pagkain. Akala ko pa naman alam niya. Kasi dati naman sinabi ko sa kanya pero mukhang nakalimutan na niya yun.

Ano pa bang bago? Hindi naman siya interesado sa mga gusto ko noon. Pero ayoko naman ipahalata sa kanya. Okay na sa akin ito basta galing sa kanya.

”Sandali wala ka bang pasok?”

Tanong ko.

”Absent muna ako. Kailangan kitang alagaan, asawa kaya kita. Ikaw ang first priority ko.”

Napangiti ako. Ang sarap lang pakinggan.

”Ah, nga pala. Tutal wala sina Mom at Dad, inivite ko sila Melody at Zach at iba pa nating kaibigan sa Christmas Eve sa isang restaurant. Sabay-sabay tayong mag-celebrate.”

Nagulat ako.

”Talaga?”

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon