Naked Souls (26)

Magsimula sa umpisa
                                    

"..."

"Sorry na, love..."

"..."

"Sorry na...kaya lang naman ako natawa kasi, siniseryoso mo yong FYEO eh, hindi nga yon totoo, love. FanFiction yon."

"..."

"Magsalita ka na, please, sorry na..."

"..."

"RJ naman eh...ayaw mo ako kausapin? Sige aalis nalang ak—"

"Huwag mong tanggalin yang kamay mo."

"Kakausapin mo na ako? O iiwan talaga kita dito, RJ."

"Hindi ako galit."

"Hindi galit pero ang cold ng treatment."

"..."

"Sorry na nga diba?"

"Hindi mo alam yong feeling Meng na takot na takot ka sa isang bagay na kahit anong pilit mo sa sarili mo pwede talagang mangyari."

"It's just a bad dream, RJ. Don't think too much about that."

"Iniisip ko palang, parang, parang mamamatay na din ako..."

"Can you look at me, please..."

"..."

"RJ, tingin ka sa mata ko. Love, it was a bad dream, Okay? I am here, lookI am here in flesh."

"GOD, Nicomaine..."

"Ssshhhh....huwag ka ng umiyak, love. Hindi ako mawawala. Ang bata pa natin para mag isip ng ganyan. Let's not think about that muna."

"Huwag kang mauuna, Maine, susunod ako..."

"What if ikaw ang mauna? Naiisip mo din ba gaano kasakit iyon sa akin?"

"Sabay nalang tayo...Ayoko maiwan mo, ayoko din na iwanan ka."

"Sssshhhh...tama na! Enough of this talk. Hindi ka pwedeng magbasa ng mga ganong tema ng fanfics."

"I can handle that kind of material, Maine, pero, hindi ko kaya pag fanfic na natin, kasi sa mga kwento nila, buhay na buhay tayo. Tapos di ko maiwasan na isiping tayo talaga yon."

"Hay, RJ...ano ba gagawin ko sa'yo? Huwag ka na mag isip ng ganyan."

"Just hug me like this, please."

"Yes...of course, love."

"Love, tanong..."

"Ano?"

"Yong Worthy ba may mamamatay uli?"

"Hahahaha"

"Yan ka na naman, pinagtatawanan mo na naman ako, seryoso ako, pag may patayan na naman diyan, ayoko ng basahin yan, ayokong magbasa ng ganyan."

"Hahaha, yong Worthy love, happy ending naman. Walang namatay don."

"Good. May ma-rerecommend ka bang ibang fanfics?"

"Hahahahaha MCFF rubbing on you, so hard, RJ! hahaha sabagay mas worst ako noon, naging libangan ko siya tuwing breaktime. Madami-dami na din nababasa ko. Hayaan mo e-check ko para mabigyan kita ng listahan ano pa pwede mong basahin."

"Basta wag mo lang akong bigyan ng may namatay isa sa atin."

"Hmmm, how about hindi namatay, pero hindi tayo nagkatuloyan?"

Naked Souls (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon