“Nicole, I need you.”



Nicole? He needs Nicole? Hindi sana ko maba-bother kung hindi lang tunog desperado yung boses niya. He desperately needs Nicole. Ano ba ‘to? No. He won’t cheat. He says he loves me. So hindi, hindi threat si Nicole. Tama diba RB?? Hindi niya ko lolokohin. Hindi siya katulad ng tatay ko. At lalong lalo nang hindi ka na dapat nakikinig sa usapan nilang dalawa.



Palakad na ko pabalik sa kwarto nang umihip ang malakas na hangin mula sa dagat,


“I need your he--”


“Achooo!!”


Okay. Pwede niyo na po akong isilid sa capsule. >.<


Pagkamulat ko ng mata ko mula sa pagkaka-achoo ng malakas nakita kong nakatingin si Charles sa’kin.


“Kanina ka pa?”


Umiling ako. “Kakalabas ko lang. Pagkagising ko kasi wala ka. So…”


Ngumiti siya sa’kin pero hindi katulad ng ngiti niya kagabi. Iba. Iba ba? O praning lang ako.


“I’m sorry. Are you okay now?”



Am I okay?


Nicole, I need you.



Umiling ako.  Bago siya naglakad papalapit sa’kin, inilagay niya yung phone niya sa back-pocket ng shorts niya.


“Nahihilo ka pa rin ba?” He wrapped his arms around my shoulders na parang inaalalayan ako.


“Medyo.”


“Tss. You shouldn’t have gone up baby.”


Baby. He still calls me baby.


Bago pa man bumalik yung pag-iisip ko sa kasalukuyan, nabuhat na niya ko … *princess style* at naglalakad na kami pabalik sa kwarto.


“Stay here. I’ll bring you breakfast in bed.” He said smiling. At bago siya mawala sa paningin ko, he kissed my forehead.


“Haaaay.”


Shut Up or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon