Hindi naman siya kumibo at sumunod na sa akin papunta sa parking lot kung saan naiwan ang nirentahan naming sasakyan.

Naupo ako sa front seat habang si Theo ay sa driver seat. Parehas kaming tahimik lamang. Nagpapakiramdaman.

Ngayong kami ni Theo ang magkakasama sa isang bubong ay panahon na siguro para maging mabait ako sa kaniya kahit konti lang. Ayoko pa rin tibagin ang pader na inilagay ko sa pagitan naming dalawa. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit.


Pasado alas dose na nang tanghali kami nakauwi. Agad akong naghanda ng pananghalian namin ni Theo. Habang siya ay mukhang maglilinis sa kwartong tutuluyan niya.

Nagsaing ako at magpi-prito nalang ng manok. Wala naman na ibang pwedeng lutuin dito kundi ang manok. Hindi pa ako nakakapag-grocery.

Narinig ko ang mga yabag na pababa ng hagdan. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa.

"Akina ang buong schedule mo sa trabaho mo," rinig kong sabi niya. Napalingon ako sa kaniya na nakunot ang noo. "Kailangan ko 'yan para alam ko kung ano mga ginagawa mo sa araw-araw lalo na ang oras ng trabaho at ang pag-uwi mo." Dagdag niya nang makitang nakakunot ako.

Umikot ang mga mata ko at nakaramdam ng inis. Para akong batang kailangang i-monitor oras-oras.

Iniwan ko ang pini-prito ko at kinuha sa bag ko ang schedule ko. Nagdadabog ko iyong binigay sa kaniya.

He's my guardian now at ayokong magsusumbong siya kay Kuya ng kung ano-ano. Belive me, sipsip ang isang 'to kay Kuya.

Ngumisi siya at kinuha ang papel sa akin kung saan nakalagay ang mga schedule ko sa isang buong buwan. Binalikan ko ang niluluto ko at mabilis na tinapos iyon.

Habang kumakain ay binabasa ni Theo ang mga schedule ko. Napairap ako sa kaniya nang palihim. Akala mong seryosong-seryoso sa pagbabantay sakin, siguradong kalaunan ay puro kabwisitan na ang gagawin niya.

Sabay kaming napalingon nang may kumatok sa pinto. Ako na sana ang magbubukas ngunit naunahan akong tumayo ni Theo sa pagkakaupo. Nagkibit balikat ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Hi Theo! Kahapon pa kita hinahanap pero wala ka sa inuupahan mo..” napadako ang mga mata ko sa pinto. And there they are, sa mismong pintuan pa talaga naglandian.

Nakayakap si Celine sa beywang ni Theo habang salita ng salita ito habang ang isa naman ay 'tila walang pakialam. Mapapairap na sana ako ngunit natawa ako nang marahas na tanggalin ni Theo ang mga kamay ni Celine sa beywang niya.

Napalingon sila sakin. Napaubo ako atsaka nginisihan si Celine na masama na ang titig sakin.

"Kain?" Aya ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.

"Bakit ka ba nandito Theo? Ang dalas mo naman yata rito kila Lei.." may himig na pagkairita na sabi ni Celine.

"Dito na siya nakatira, bakit?" Muntik ko na batukan ang sarili ko sa sinabi ko lalo at nakita ko ang pagngisi ni Theo. Gusto ko lang kasing asarin lalo si Celine dahil konti nalang ay sasabog na ito sa inis.

"Ano?!" OA na react ni Celine. Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagkain.

Naririnig ko ang mga tantrums ni Celine,  ang sakit sa tainga. Ang daming tanong kay Theo, bakit daw dito nakatira ang lalaking ito, girlfriend daw ba ako, magka-live in daw ba kami, at kung ano-ano pa. Pero ni isa sa tanong niya ay walang sinagot si Theo.

"Will you shut your fucking mouth?!" Halos sabay kaming napaigtad sa malakas na sigaw ni Theo. Iritado na ito base sa itsura palang na parang bubugahan na ng apoy si Celine. Kita ko ang pangingilid ng luha niya habang nakatingin kay Theo na tila walang pakialam kahit siguro lumuha siya ng dugo. "You can leave, Celine. Don't ever come back again."

Umiiyak si Celine na tumakbo paalis. Napabungtong hininga naman ang magaling na lalaki bago naupo ulit sa harapan ko.

"Yari ka sa tatay nun, pinaiyak mo ang prinsesa nila.." nang-iinis kong sabi pero hindi niya ako pinansin. "Bakit kasi inaway mo? Pwede mo namang paalisin ng maayos." Dagdag ko pa habang kumakagat ng sa manok kong hawak.

"She's annoying!" Ramdam ko pa rin ang inis sa kaniya.

"Pa-english english kana ngayon ah? Nag-level up lang?" Natatawa kong sabi pero matalim lang niya akong tiningnan. Napalunok ako at inirapan siya. Ang arte niya ah! Buti nga nakikipagbiruan na ko sa kaniya ngayon. Hindi tulad noon na palagi ko siyang tinatarayan.

Sabay muli kaming napalingon sa pinto nang may kumatok. Ako na ang tumayo at binuksan ang pinto. Sumilay agad sa labi ko ang isang matamis na ngiti nang bumungad sakin si Harold. May hawak ito na isang bungkos ng bulaklak.

"Hi!" Bati niya. "Napadaan lang para iabot 'to sayo." Nakangiti niyang sabi. Lumabas ang maputi at pantay niyang mga ngipin.

Aktong iaabot na niya sakin ang bulaklak nang may humablot doon. Sumimangot ako at nilingon si Theo na tinitingnan ang bulaklak.

"Pre, walang patay dito. Bakit may pa-bulaklak ka?" Malamig niyang sabi kay Harold.

Halos manginig ang kamao ko sa narinig. Gustong-gusto ko siyang sapakin sa mga oras na 'to.

"Excuse me, nanliligaw siya sakin kaya normal lang na bigyan niya ako ng bulaklak! Akina nga 'yan!" Hinablot ko sa kaniya ang bulaklak at matalim siyang tinapunan ng tingin.

"Hindi ba't sinabi ni Dale na ayaw niya sa lalaking 'to?" Walang habas niyang sabi habang nakaturo pa kay Harold.

Walanghiya talaga ang barumbadong 'to!

"Harold, sorry for today. I'll call you later nalang ha. Mag-uusap lang kami." Pasimple kong pagtataboy kay Harold dahil hiyang-hiya na ako rito sa harapan niya.

"Sino ba siya Lei at ganito tabas ng dila?" Kunot ang noong tanong ni Harold.



"You want to dig your own grave huh?"

***
Please vote and leave a comments. Thank you so much!

BARUMBADOWhere stories live. Discover now