Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (II)

68.8K 1.8K 417

Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (II)


Second part! Di ko masabi kung mahaba ba 'to or what. Hope you'll like it!

Due to personal reasons po kung bakit di ako magrerelease ng soft copy ng If I Fall. Sa mga matitigas ang ulo na gumawa ng paraan para makagawa ng sarili nilang soft copy.. God bless you po 


**

Feeling ni Barbs tumigil ang mundo nya for 30 seconds.


She could feel their stares creeping into her system. Her friends.. watched the time capsule video. Pare-parehas silang nagulat sa video na yun.


T@NGINA FEEL NA FEEL KO PA!!! AYAN!! AKO SI NOTANOTHERFAIRYTALE! KELAN MAN DI NYO MALALAMAN NA AKO YUN!!! Kung mapapanood man to ng batchmates o readers ko 30 years from now, tawanan nyo na lang. Kasi walang kwenta yon.



"Barbs.." si Janine lang ang nagkalakas-loob na magsalita sa grupo nina Rocky. "What in the world is the meaning of this?!"


Hindi na narinig ni Barbs yun. Fear engulfed her so much that she couldn't say a word. She's too afraid to say anything. Ang nagreregister lang sa utak nya ay eto:


YOU'RE FCKING SCREWED, RAMIREZ. YOU ARE FCKING SCREWED.


Naranasan mo na ba yung gustung-gusto mong umiyak pero walang lumalabas sa tear ducts mo? The frustration is really really annoying that it kills you?


Gusto nyang magsalita, para depensahan ang sarili nya. But that fcking video says it all.


"Barbs.. say something!" napasigaw na rin si Rocky. That made her shake a bit more.


Magsasalita na sana sya kaso may humawak sa braso nya at hinila sya palabas ng library.


"Hey where are you going!? Barbs!! Kinakausap ka pa namin!!"


Nagpadala na lang sya sa taong humihila sa kanya. She mentally scolded herself for wearing this stupid pencil skirt for the day. Kung naka-slacks sya siguro e kanina pa sya nakatakbo pauwi sa kanila.


Maya-maya narinig na lang nya na may nagsarang metal door. Dun lang nya namalayan na nasa rooftop na sya. Ni pag-akyat ng hagdan di nya naramdaman.


"Barbs.. okay ka lang ba?"


Kabadong-kabado si Cyrus ngayon. Di nya alam ang gagawin kay Barbs na kanina pa tulala. Buti na lang at natakas nya kahit papaano si Barbs. Baka kasi mamaya himatayin yun dahil sa mga tanong nina Rocky. "Barbs.. say something!"


"Ikaw ba.."

"What!?"

Tinignan agad sya ni Barbs, and he was shocked to see her crying. "Ikaw ba.. yung naglabas nun? Umamin ka or el.."

"What the fck Barbs, ako pa sisisihin mo ngayon!?" lumabas na rin ang frustration nya. "Why would I do such thing? Ni hindi ko nga alam kung san nakatago yun o pano napunta sa kanila yung kopya. May klase ako kanina sa Soc."

Wala pa ring emosyon ang mukha ni Barbs pero patuloy pa rin ang pag-agos ng luha nya. "Sigurado ka? S..sigurado ka na wala.. wala kang alam?"

Ayaw nya sanang gawin yun pero di na nya mapigilan. Bigla nyang niyakap si Barbs. "Hindi ako gumawa nun. Alam kong medyo gago ako pero hindi naman gagong-gago."

She gently pushed him away. "Eh sinong.. p*t*nginang gagawa nun!? SINO!? Fck this sht!! Anong gagawin ko ngayon ha!? Tell me!! What am I gonna do!? Everything's fine! Everything's fcking fine and voila, this happens. Alam kong may kabayaran ang pagiging masaya pero pucha, dapat ba eto ang downpayment? Tangina lang!!!" muntik na nyang masuntok ang pader, buti na lang nahawakan agad ni Cyrus ang braso nito. "Tama na, Barbs. Isipin mo na hindi lang ikaw ang mapapahamak dito. May ilan siguro sa batchmates natin na nagsabi ng sikreto dun. Please, stop crying."


Of course, hindi napatinag si Barbs. Patuloy lang sya sa pag-iyak dun na walang emosyon. Inabutan na sya ni Cyrus ng panyo pero di nya tinanggap.

"Walang magagawa 'tong pag-iyak ko rito, diba?" bigla na lang nyang sinabi. "I bet.. pinag-uusapan na ako sa mga classroom ngayon. Knowing these people.. madadaldal yang mga gagong yan. Kung makapagjudge parang alam nilang lahat."

"E di ang gawin mo.. depensahan mo na lang ang sarili mo sa kanila. Retaliate. That's one thing I hate about you, you know."

"What?"

"You always give up when things get tough. Front mo lang na matapang ka palagi, kahit sa loob mo sumusuko ka na. Don't worry, I'm on this. After all, you said my name on the video. Hate message pala yon."

Barbs bitterly laughed, which surprised both of them. "So.. feeling ko may Scarlet Letter na rin ako ngayon. Dammit. Bahala na."

"Whatever happens.. your secret's safe with me. I could lie for you, count on that."

"Thanks.. kahit di mo na kailangan, magsinungaling ka pa rin. Gago ka kasi."

Tumawa na lang si Cyrus, pero alam nyang di dapat tawanan yun. This thing is really really serious.

**

Hindi lang ito ang issue na nag-arise after kumalat sa Charleston ang leakage ng time capsule. Until now ay hindi pa rin alam kung sino o paano nakakuha ang kopyang yun.


Usap-usapan talaga ang laman ng time capsule na yun. Mula sa classroom hanggang sa lounge, bulung-bulungan ang mga sikreto ng Seniors na lumabas dahil dun.

Pero.. ilan sa issues na 'to ang pinakapinag-usapan.

1.) Sinong teacher ang tinutukoy ni Vivien na nagustuhan nya?

2.) Anorexic talaga si Tatin?

3.) Bakit nga ba binalikan ni Cyrus si Tatin? At bakit pumayag si Ate?


At ang pressing question..


Si Barbara Ramirez ba talaga si notanotherfairytale?


**

Nagulat si Vivien nang marinig nya ang mga katagang ito sa intercom.

"Miss Vivien Padilla, please go to the Prefect of Discipline's Office. ASAP."


Nagtatago sya sa Elementary Library since walang tao ngayon dito. She couldn't believe it. Alam na ng buong school na nagkagusto sya kay Lean. Hindi naman specified sa video na si Lean yun, pero malalaman agad ng buong school na si Leandro Abarquez ang tinutukoy nya.


Nangangatog ang tuhod nya habang naglalakad papunta sa Prefect's Office. She ignored all the stares and murmurs around her. Yumuko na lang sya habang naglalakad, telling herself na hindi nya dapat iyakan 'to. For the nth time, prim and proper, Vivien. Prim and proper.

Buhay naman syang nakarating sa harap ng Prefect's Office. Kaso nang buksan nya ang pinto, halos mamatay na sya nang makita nya si Lean sa upuan malapit sa table ni Panot.

Their eyes locked for a moment. Ramdam din ni Vivien ang kaba kay Lean.


"Ms. Padilla, please take a sit," malumanay na sabi ni Panot, pero may kaunting judgement sa boses nito. Umupo naman si Vivien.


"Sir Mercado.. bakit nyo po kami pinatawag dito?" kunwaring inosenteng tanong ni Lean.

"Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa, Mr. Abarquez. Alam nyo naman siguro kung bakit kayo nandito. Earlier.. kumalat sa buong school ang time capsule video. May kumuha raw ng kopya sa office ni Mr. Velez kanina sa computer lab. And we suspect this is a Seniors prank. Do you know anything about this?"


Nagkatinginan saglit ang dalawa. "Sir.. wala po akong alam about that," honest na sagot ni Vivien.

"And no offense, sir. Matatalino naman ang Seniors, and they won't do this kind of prank, lalo na mapapahamak sila sa ganto. It's their secrets, bakit naman ikakalat yun just for the sake of a prank?" matapang na sagot naman ni Lean.

Tumahimik si Panot dun. "Point taken, Mr. Abarquez. Now.. hindi lang naman yun ang concern ko sa inyo. Apparently, this concerns you, Ms. Padilla. About your time capsule video."

Nanlamig lalo si Vivien dun. "W-what about that, sir?"

"I'll go straight to the point, Ms. Padilla. Yung teacher ba na tinutukoy mo sa video.. si Mr. Abarquez ba yun?"

Ramdam lalo ang tension sa office ni Panot. Nakaabang ang dalawang lalaki sa isasagot ni Vivien. Of course, si Lean yun. All of us know it's him she's referring to. Pero tama bang sabihin nya yun kay Panot? That would set her world upside down! Ilang araw na lang, gagraduate na sya!


"It's not Sir Abarquez," she stated plainly. "Bakit naman po sya yun, diba?"


Her answered shocked both teachers. Ngayon lang kasi naging fierce ang tono ni Vivien. "I-i.. I was.." nahiya naman si Panot dahil may panghuhusga ang tanong nya kay Vivien. "I was just asking. Sorry to offend you, Vivien. Pero according sa faculty, madalas kayong magkasama ni Sir Abarquez dahil sa contests and stuff."

"No offense rin Sir, pero that's way out of the line," pananabat ni Lean. "I was her coach, and also her Honors teacher. Kaibigan ko rin ang mga kabarkada nya. Wala naman po sanang malisya sa ganung bagay, Sir."

In an instant nawala ang takot ni Vivien. Buti na lang nandito si Lean kundi baka napaamin na sya sa sobrang pressure.

"I'm just clarifying things out, Sir Abarquez. Hindi ko naman kayo jinajudge kung magkaibigan kayo nina Barbara or what. Ang akin lang, there's this line between student-teacher relationships. This isn't college, Leandro. Kung sanay ka na drinking buddies mo sa Katipunan ang profs mo, ibahin mo dito sa high school. And just a heads up, the principal's taking this time capsule fiasco a serious matter. I suggest.. stop whatever you're doing kung gusto nyong matapos 'tong school year na 'to ng matiwasay. Understand?"

Sasagot pa sana si Lean nang marahang sipain ni Vivien ang sapatos nito, at tumahimik na lang sya. "Yes, Sir. Sorry po about the video. It's personal stuff," matamlay na sagot ni Vivien.

"Kung.. may malaman man kayo sa nagpakalat ng video.. can you please tell me? Ang hirap kasing i-tolerate tong issue. Who knows what could this do to all of us."

Tumango na lang ang dalawa at lumabas ng office. Pagkalabas nilang dalawa..


"May pagkagago rin yang Prefect na yan o!" galit na bulong ni Lean. "Napakajudging!"

"Sir.. it's fine. At least he didn't pry that much."

Kinalma na ni Lean ang sarili nya. Walang magagawa kung init ng ulo ang papairalin nya. He faced her and asked,"You okay?"

She glumly smiled at him. "Not that quite. Nakakaparanoid 'ton video na 'to. I wonder who did this one."

"Masasapak ko talaga kung sinong nagpakalat nito. Hey.. have you heard about Barbs?" painosente nitong tanong.

"Y-yeah.. Di ko pa nga lang sya nakakausap. Malaking gulo 'to sa kanya, Sir. I'm afraid she couldn't handle this one."

Napatingin na lang si Lean sa relo nya. "Kaya nya yan, si Barbs pa. Matibay yan."


**


Pero kung tatanungin si Barbs?


Gusto na nyang lamunin sya ng lupa.

No, hindi lang basta lamunin. Kung pwede lang idonate ang sarili nya para gawin fertilizer sa Rice Terraces, gagawin na nya.

If I FallRead this story for FREE!