Chapter 40: Hands All Over

108K 1.9K 232
                                    

Chapter 40: Hands All Over

MAY 22 - HAPPY 1ST ANNIVERSARY, IF I FALL  One year ka na rito sa Wattpad XD

Dedicated to all the readers! Nuxx namaaaan :""> Comment and vote pag nagustuhan, ayt?

May message/sentiments nga pala ako about sa If I Fall. Click the external link sa right side kung gusto nyo mabasa XD

--


Lahat sila ay napatingin kay Barbs, na kasalukuyang nakanganga. No one dared to speak. Pano ba naman, sino bang makakapagreact agad sa sinabi ni Sir Mercado. Si Barbs.. muse? Nasan na ang camera? Punk'd ba 'to?


Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat, mas lalo naman kay Barbs. Moments later, nagkalakas ng loob si Fel na magreact. "Sir M, you're joking, right?"


Umiling naman ang teacher. "I am not. Suggestion ko lang naman yun, since wala rin kayong mapili na gagawin nyong muse. 3pm na ang deadline! Pano pa kayo makakahabol nyan?"


"No, it can't be her," mariin na sabi ni Ria. "She's not qualified! Just look at her! Hindi sya muse material."


"As if you're quote muse material unquote," depensa ni Janine. Hinawakan na rin sya ni Rocky nang mahigpit.


"Come on, Janine. Obvious naman sa friend mo! Totomboy-tomboy! Sa tingin mo makakaya nya maging muse? Look, hindi lang basta sa compet yan. Buong intrams sya ang muse natin! Alam mo naman siguro yun, diba? After all, you've been there last year."


Ayaw magpatalo ni Janine. "We can makeover her! May isang araw pa naman bago magcompet ah!"


"You can change her physically in a day, but the way she acts? Matagal ata bago mangyari yun!"


"Girls!" pumagitna na si Ms. Medina. "Wait lang, wag tayong mag-away, okay? Nandito tayo para pag-usapan 'to, hindi pag-awayan. Is this your way of building camaraderie? Last year nyo na rito sa Charleston! Make the most out of it! Hindi yung pag-aawayan nyo pa."


"Tsaka hindi ko naman sinuggest yun para mag-away kayo. Okay lang sakin kung hindi nyo pansinin. Tutal marami pa namang girls sa Archi," paliwanag ni Panot.


Nagkatinginan naman ang mahihiyaing girls ng Archi, halata sa kanila na ayaw nilang sumali sa muse compet. Sumasakit na ang ulo nina Tatin at Rocky sa kakaisip kung sino ang pwedeng ipampalit kay Vivien. Bulungan na lang ang karamihan sa kanila kung sino ang pwedeng ipalit.


"Barbs," may kalakasang tawag ni Vivien. Tumingin naman si Barbs sa kanya. "Okay ka lang?"


Nanahimik na naman sila. They completely forgot na kasama nila si Barbs sa kwartong yon. In shock pa rin si Barbs sa lahat ng nangyayari ngayon. Sya.. muse?


"Ms. Ramirez," humarap sa kanya si Sir Mercado. "Okay lang ba sa'yo na maging muse ka ng Seniors?"


Nakaabang ang lahat para sa sagot nya.


--

BARBS' POV


Pwede bang mamatay na lang ako?


Ngayon lang ulit ako kinabahan ng ganito. The last time na naramdaman ko 'to e nung.. nareceive namin ang tawag na patay na si Vicky nung nasa Hong Kong kami. Akala ko nakalimutan ko na 'tong feeling na 'to kaso.. eto na ulit.


Bakit ba sila nakatingin sa'kin? Ano bang meron ako?! ANAK NG WATEKS NAMAN O!!! BAKIT AKO!!? NYETA ANONG GINAWA KO!!!! WHY ME!?!! Ang daming babae dyan!!! Tapos ako pa pinagdiskitahan ng panot na 'to!!! Tuluyan ko na kayang bunutin lahat ng natitirang buhok nya!!!


Eto na ba ang punishment ko para sa paglabas sa school kanina? Walangya naman o!!! E di hindi na ulit lalabas w/o permission! Problema ba yun? Okay na madetention ako! Ma-kasuhan ako!!! Accepted ko yun kasi eto ang bagay sa personality ko. But being our batch muse? You've got to be fcking kidding me.


"Barbs, are you okay?"


Wow Ms. Medina, siguro naman obvious na hindi!! Namumutla na nga ako dito o!! Hello!!!! Namamawis nako!!! DON'T STARE AT ME!!! DON'T STA--


Sht. Bakit ganyan ang mga tingin nila sakin? Yung classmates ko.. lalo na yung girls.. pinipilit nila akong sumali. Yung iba sa kanila, classmates ko nung elementary pero hindi ko close. Actually, ngayon ko lang narealize na wala ako masyadong kaibigan sa Archi, umiikot lang ang mundo ko sa SASSA at Tatlong Pugo. Pag may group project, minsan lang ako makihalubilo.


Bihira lang ang interaction ko sa kanila. Bigla ko tuloy natandaan yung tanong sa Values Project namin kay Ms. Liwanag, "Anu-ano ang mga bagay na gusto mong gawin bago ka grumaduate?" Nilagay ko dun "Maenjoy ang last months with Archi." Archimedes ba talaga Barbs? Mukhang SASSA/Tatlong Pugo lang dapat yon. 

Sina Rocky nakatingin sakin, kinakabahan sa pwede kong sabihin. Sina Chester at Wes, yung usual look nilang "Whatever you want, we'll support you." Yung mga taga-Soc, karamihan sa kanila ayaw. Pero.. nagulat ako kay Tatin. Never kong inexpect na ganun ang ibibigay nya saking tingin.

Parang sinasabi ng tingin nya ay eto: "Kung ano ang sa tingin mo ay tama, go ka." Baka guni-guni ko lang yon.


Sinuyod ko ulit silang lahat ng tingin bago ako sumagot.


"Pag-iisipan ko po muna. By tomorrow you'll have my answer."


--


Tumambay kaming lahat sa bahay namin, since ako lang naman ang mag-isa dito ngayon.


"Barbs, seryoso ka ba dun sa sinabi mo?" - Rocky

"Are you really considering it?" - Janine

"Sorry Barbs, it's my fault. Ako dapat ang maging muse, hindi ikaw." - Vivien

"Don't pressure yourself, Ba. Kaya mo yan! Pag-isipan mong mabuti!" - Chester

"Pengeng chocolate! Dami sa ref nyo!" - Wes


(~____~)

If I Fall (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon