PART 12 - TO AIRPORT

5 1 0
                                    

Kahit papaano ay nabusog na kami sa aming breakfast meal. Nakaka-miss din pala ang kumain ng fast food gaya ng pancakes at egg sandwich. Ewan ko ba na na parang natakam akong bigla. Sino ba naman ang hindi? Aminin!

"Youmi, okay ka lang? 'Di ka naman mukhang bibitayin maya-maya," biro tuloy sa akin ni Sir Nestor.

Kasalukuyang nakasubo ako na siguro mukhang monay na ang pisngi ko sa dami ng laman nito.

Si MJ na bodyguard ko eh biglang humagalpak ng tawa ba naman. Kutusan ko kaya ang girlalou na ito.

"Ano ka ba naman, pamangkin. Hayaan mo na si Youmi. Ganyan talaga kapag tense na tense ang tao. Di na nya napapansin kung napaparami na pala ang nakakain nya."

Humarap sa akin si Ms. Arlene. "Huwag mo na ngang intindihin itong pamangkin ko. Kumain ka lang dyan at ng madagdagan ang timbang mo. Ke payat-payat eh."

"Auntie, ano kaya kung papuntahin ko muna ng Palawan si Youmi? Doon sa beach house natin. Ipapasama ko si MJ para mabantayan sya ng maayos."

Kahit papaano eh nanguya ko na at nalunok ang kinain ko. Tama ba ang dinig ko? Palawan? As in El Nido and Underground River?

"Pwedeng magsama ako?" untag ko tuloy.

Bigla ko tuloy naalala si Mama. Ni hindi man lang ito nakakapagbakasyon. Tama, sya ang pwede kong kasama at ng di mag-alala sa akin.

"Bakit naman hindi, Nestor." Tumayo na agad si Ms. Arlene na ewan ko kung busog na ito. Nakakailang subo pa lang kasi sya.

Maya-maya lang ay may kausap na ito sa cellphone. "Mamaya na ang lipad ninyo for Palawan. Teka sandali lang ha. Tawagan ko na din si Mama mo at ng makapag-impake na sya."

Ganito ba talaga ang mayayaman? Ang bilis nilang naaayos ang lahat. Pero peak season ngayon, papaanong nakakuha agad sila ng ticket?

Nasagot ang lahat ng ito nang nasa airport na kami at biglang naiba ang routa.

"Bakit parang iba ang daan natin?" takang tanong ko tuloy kay Sir Nestor.

"Youmi, private plane ang sasakyan ninyong tatlo."

Ah... Kaya naman pala. Kala ko pa naman yung malaking eroplano na nakikita kong malimit sakyan ng mga kamag-anak ko kapag umuuwi ng probinsya.

Bahagya pa akong nagulat nang hawakan ni Sir Nestor ang kaliwang kamay ko at pisilin ito.

"Huwag kang mag-alala, Youmi. Para ito sa kapakanan mo na rin. Pasencia na talaga at nadamay ka pa."

"Naku, Sir Nestor. Okay lang ako. Exciting nga at adventure kasi isipin mo na lang. Makakapunta ako ng Palawan at wala akong gagastusin. Ni isang kusing."

Kasalukuyan kaming nakasakay sa Monterro ni Sir Nestor at sya mismo ang nagda-drive. Si Mama naman ay pinasundo kay MJ at doon na sa airport magkikita. Nagpaiwan na din si Ms. Arlene. Susunod na lang daw sya bastat kailanganin.

"Anong nararamdaman mo ngayon?"

"Masaya." Sabihin ko bang malungkot? Eh magkasama kami. At tsaka ang tagal kong pinangarap ang Palawan kaya.

"Yun lang ang gusto kong marinig sa iyo."

"Sir Nestor, susunod ka ba doon?"

"Depende."

"Depende?"

"Depende kasi marami akong aasikasuhin pa dito. Ang kasong kidnapping. Ang trabaho ko bilang direktor at business man."

Oo nga naman pala. Mag-isip ka naman, Youmi paminsan-minsan.

"Eh sino na ang magluluto ng pagkain mo? Mag-hire ka na lang ng kaya ng bagong maid," suhestyon ko sa kanya.

Bigla tuloy itong tumawa. "A new maid? Youmi, naman. Ikaw ang personal maid ko. Nandyan naman si Auntie Arlene. Marami syang kakilala. Ano ka ba, 'wag ako ang problemahin mo. Malaki na ako. Pwede naman akong mag-take out o kumain sa labas o kahit mag-order."

"Kasi naman di ba dapat kapag personal maid mo lagi mo dapat kasama at tsaka sinasahuran mo kaya ako."

"Oy, nami-miss na nya ako agad," biro nito sa akin.

"Nahihiya kasi ako."

"Ano ka ba? Susunod din ako ng Palawan. Papayag ba ako na magkahiwalay tayo?"

Para tuloy may relasyon na kami. Kinilig tuloy akong bigla. Nakakatuwa lang na isipin na ganito sya sa akin. Sobra syang ma-care talaga. Sana akin na lang sya. Bigla ko tuloy sinaway ang sarili kong bigla. Magkakagusto kaya sya sa akin?

"Ano na naman yang mga ngiti mo dyan?"

Di ko namalayan na napapangiti na pala ako. "Wala. Masaya lang akong talaga." Kasi kasama kita.

"Buti naman. Ako masaya din kasi nakasama din kita."

Bakit pati isip ko eh nababasa ng isang ito? O sadyang masyado na akong nagpapahalata na nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Oh no!

"Youmi, mag-enjoy ka lang sa pupuntahan mo, okay. Ako huwag mo munang alalahanin dahil ikaw ang priority ko ngayon."

Bait naman nya. Haay, my knight in shining armour. Sana pagdating ng araw pakasalan nya ako.

"Kasal agad ang gusto mo? Di ba pwedeng ligaw muna."

Bigla ko tuloy syang sinimangutan at tumingin ako sa malayo.

"Tingnan mo ang isang ito. Huwag ka kasing magsasalita ng pabulong dyan at naririnig pa rin kita."

"Alam mo nakakainis ka na ha."

"Cute naman. Ikaw talaga di ka na mabiro. Malay natin. Depende." At pinisil nyang muli ang aking kaliwang kamay.

Bigla tuloy akong nabuhayan ng pag-asa at napangiti bigla. Susulitin kong talaga ang bakasyon na ito kasama si Mama.

Y F L (Youmi Finds Love) (Updating)Where stories live. Discover now