PART 1 - MY KINGDOM

24 2 0
                                    

"Hoy, Mayumi bumangon ka na nga dyan! Tanghali na, di mo na naman kami sasamahan ni Papa mo magtinda sa palengke. Palengke day pa naman ngayon."

Ako nga pala si Mayumi. Pangalan lang iyon pero ang hirap kayang pangatawanan. Kung bakit kasi yun pa ang ipinangalan sa akin, masyadong makata ang dating. Sabagay ang mga magulang ko ba naman kasi e sina Jose not Rizal at Maria Clara. Oh di ba, angkop lang na gan'on ipangalan nila sa akin. Solong anak nila ako kaya wala akong kaagaw sa pagmamahal pero nakakainggit din kaya na sana may kapatid din akong iba. Aba, sabi nila masaya kapag marami kaso sa sobrang liit nitong bahay namin eh baka di na kami magkasya at kailangan ng lumipat sa ibang lugar.

"Mayumi. Isa! Dalawa!" bilang ng kanyang Inang si Maria Clara. Effective pa kaya iyon kahit malaki na ako.

Iyon ang boses ng aking Mahal na Ina na tumitimbre na naman sa lakas. Sobra kayang high pitch. Ang aga-aga e. Buti at okay pa ang ear drums ko at di pa naman nababasag kahit almost every day iyon ha.  Tsaka ang sarap pa kayang matulog sa aking bagong biling comforter.  At least nakapag- kasya ko pa dito sa aking maliit na kuwarto.

"Hmmnn... Antok pa ako, Mama Sunod na lang ako sa inyo." Oh di ba, kahit hindi kami mayaman, Mama ang tawag ko kay Inang. Sosyal kami kahit papaano. At balik ulit ako sa higaan at subukang ibalik ang panaginip ko kanina. Na ako raw ay isang Prinsesa at may kasayaw na super poging Prinsipe. Sobra kaming close...

Pak! Isang malakas na palo ng tsinelas ang dumapo sa aking paa kaya napaigtad ako.

"Mama naman, sakit non ah... Oo na babangon na po." At inumpisahan ko ng ayusin ang aking higaan. "Don't worry, mamaya lang eh magkikita ulit tayo. Mwah! Mwah! Tsup! Tsup!" At halos panggigilan ko na ang aking unan. Ganito ba ang walang love life?  Pati unan pinagtri-tripan?

"Ano ba itong batang ito at nanaginip pa ata.  Bumangon ka na kasi dyan. Huwag mo ng pag-interesahan ang unan mo't comforter at baka maging tao pa 'yan ang sama ng hitsura."

Bigla tuloy akong kinabahan at napabangon agad. Diyan ako bilib kay Mama ang bilis mang-uto este mag-motivate. Je Je. Ayaw ko na siyang pahirapan pa, may edad na rin silang pareho ni Papa. Hindi naman sila nakatapos pareho sa college, hanggang elementary lang si Mama at hanggang highschool naman si Papa. Ako naman, hanggang vocational lang. At di hamak na mas malaki ang kita sa palengke lalo na kapag may regular kang kustomer. Iyon nga lang kung minsan halos walang benta pero okay lang, kumakain pa rin naman kami ng tatlong beses sa isang araw. Kaya nagpapasalamat talaga ako sa Diyos na binigyan Niya ako ng mga mababait na magulang. Ako lang itong may pagka-pasaway. Malalaman rin ninyo iyon sa paglipas ng araw. Kung baga, kalma lang huwag kayong mainip.

At bumangon na ako, derecho agad sa aming bathroom. Bakit ba, sosyal kaya ako. Wala ngang shower o bath tub, may batya at tabo naman kami.  O censored na muna. "Mama, nasaan ang towel ko? Paki-abot naman po." O di ba Mayumi na magalang pa. Saan ka pa?

"Tingnan mo ang anak kong ito.  Bigla na lang papasok sa loob ng banyo ng walang dala." At hinila ni Mama ang tuwalyang nakasabit sa hanger. Tanong, paano ko nakita? E naka-silip kaya ako sa pinto. At iniabot na ni Mama sa akin.

"Sa susunod naman, anak e bago ka pumasok dyan ihanda mo muna ang lahat mong kailangan. Paano, mauuna na ako. Hinihintay na ako ng Papa mo. Sumunod ka na d'on." At iniwan na niya akong mag-isa.

Pagkatapos kong maligo, kumain muna ako ng almusal na nakapatong sa aming mesa. Aba dapat lang para busog at tiyak mapapalaban na naman ako. Sarap ng lutong champorado ni Aleng Goreng, sinabayan pa ng mainit na pandesal. Perfect combination!

Bjglang tumunog ang aking cellphone. "Dalian mo ng kumain dyan at maraming kustomer dito. Umalis sandali ang Papa mo. Buti at nandito ang pinsan mo. ASAP!" Si Mama talaga alam na alam ang aking ginagawa.  Nag-miss call na lang ako sa kanya. Ibig sabihin n'on ay Okay. Usapan na namin iyon ni Mama. Bakit ba kaysa naman mag-text pa ako ng "K", mag miss kol ka na lang, effective kaya sa amin iyon. Kung may load lang ha. Je Je.  ^_^

At naalala ko ang aking kabataan. Malungkot, masaya... Kahit konti lang ang laruan, okay na ako n'on. Marami naman akong kalaro dito sa amin at naghihiraman naman kami. Iyong iba ko ngang kalaro kapag nagustusan ko, kusa nilang ibinibigay. Bait, di ba? Isang text ulit ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Youmi, ano ka ba naman? Bakit ang tagal mong dumating? Punta ka na ditooooo!" Text ng aking pinsan na si Caloy. Ano ba ito? Ano bang mayroon? Nag-miss kol na lang din ako sa kanya.  At dali-daling nag-toothbrush, konting pulbos at derecho na sa palengke.

Y F L (Youmi Finds Love) (Updating)Where stories live. Discover now