CHAPTER 20 - GINGERBREAD HOUSE

1.7K 47 2
                                    


Chapter 20


SHANELLE FORTALEJO


"Always bang ganyan si Kaizer?"

"No, he's agressive in a good way."

"That's his fifth personal foul already."


Kapag na-shoot ng dalawang beses ang bola, magiging apat na ang lamang nila. Hindi naman kame tambak pero ang masama, last 5 minutes na lang.


Nang magsimula ang 3rd quarter nag-iba na ang laro ni Kaizer. Lumalamang kame pero pansin talaga ang kakaibang kilos niya. Dinadala niya ang init ng ulo sa loob ng court. Pag nagkataon, mauuwi sa wala ang lahat ng pinag-pawisan ng teamates niya lalo na si Dylan. Siya kasi ang may pinaka-maraming points sa East Knight nung 3rd quarter. Nakaka-proud dahil siya ang prince charming ko. (^o^)


"SHOOOOT MO YAN, OLIVEEER!!!!"

"WALA!! WALA!! WALA!! BOOO!!!"


Nasa free throw line na naman ang Wellington dahil sa physical contact ni Kaizer.


Pagkatapos i-dribble ni Wellington #45 ang bola ay pigil na ang hininga ng lahat. Walang kumukurap. Napakalaki ng magiging epekto sa game ng free throw na ito. He released the ball... at na-shoot.


"50-53, so far this is the biggest lead for them at kapag pumasok pa ang next ball, I should say that Coach Romero of Bradfort should do something," ang commentator.


Prrt! And again he released the ball. Nag-slow motion ang bola sa ere. Hindi ito na-shoot pero hindi rin naman nahulog sa floor. Nagpaikot-ikot ito sa gilid ng ring. I tightly crossed my fingers. Wag kang pumasok...wag kang pumasok...wag...


"REBOUND!!" rinig kong sabay na sigaw ng coach ng East knight at ng mga bench players nila. Sila Lenard at Kyle (pinalitan niya si Gier nung 3rd quarter) ay agad na nag-response.


Nasalo ni Kyle ang bola dahil siya mas matangkad. Nagtakbuhan sila papunta sa left side ng court. Hinarangan agad ng big man ng Wellington si Kyle. Winagayway ni Lenard ang kamay niya, signalling Kyle to pass him the ball. And he did. Tinakbo ni Lenard ang bola going to Itachi's position pero bago pa siya tuluyang makalapit may nagtangka ng sundutin ang bola mula sa likod niya. Buti at hindi ito nagtagumpay dahil hinarangan ito ni Dylan. Natuloy ang pagpasa ni Lenard ng bola kay Itachi. Hindi naman nagtagal ang bola sa kamay ni Itachi dahil nag-attempt agad ito ng 3-point shot.


"GO!! ITACHI!!" siguro may balat sa pwet yung babaeng sumigaw dahil hindi na-shoot yung bola! Grr!


"Fvck!" nasa unahan kame kaya kahit hiss ng player ay rinig ko. Tinalon niya yung bola kasabay ng dalawang kalaban pero hindi niya hinayaan na ang mga ito ang makakuha. Nang makuha niya ang bola tumalon ulit siya ng pagkataas-taas at...


"WHAT AN ATHLETE!!! THAT'S WHAT I CAN ONLY SAY!!"

"NOT JUST AN ATHELETE PARTNER, SENSATIONAL ATHLETIC MOVES FROM THE MAN HIMSELF, KAIZER BRADFORT!!" sagutan ng mga commentator.

Never to Fall In love with a Gangster! (On-Going)Where stories live. Discover now