Oh my God. Ba't ba may ganitong klaseng lalaki? Mamamatay puso ko nang maaga, isip ni Blaire.

            Pumasok sila sa isang Filipino-themed café/restaurant. Agad naman silang pinaupo sa available na lamesa't apat na upuan. Bago umupo si Exequiel ay pinaupo niya muna si Blaire. Magkatapat sila ng upuan.

            Blaire browsed the menu that was given to her.

            Grabe. Pa'no siya makakapili kung parang lahat ata ng pagkaing nababasa sa menu ay gusto niyang orderin? Sisig lang naman at laing ang kine-crave niya kanina pero ba't parang pang-piyesta na ng buong barangay ang kine-crave niya ngayon?

            "Sisig and Laing, right?" dinig ni Blaire na tanong sa kanya ni Exequiel.

            Kumunot ang noo ni Blaire. Hindi na siya sure.

            Exequiel chuckled at seeing Blaire's confused look. Ang cute talaga, isip ni Exequiel.

            "Do you want me to help you?" nakangiting tanong ni Exequiel kay Blaire.

            Bumuntong-hininga si Blaire at binagsak ang menu sa lamesa nila. "Please," nakangusong pagsuko ni Blaire.

            Exequiel chuckled again and called a waiter. Agad namang may lumapit sa kanilang waiter.

            "Good afternoon, Sir," nakangiting bati ng waiter.

            "Good afternoon," nakangiting sagot ni Exequiel. "We'll take Laing, medium. Kare-kare with Oxtail, medium din. House Crispy Sisig, large. Garlic rice, medium," sabi ni Exequiel sa waiter.

            "Hey, what do you think of Puto Bumbong?" tanong ni Exequiel kay Blaire.

            "Patatabain mo ba 'ko?" tanong ni Blaire kay Exequiel.

            Natawa si Exequiel at ang waiter sa sinabi ni Blaire. "No. I just want you to eat well," nakangiting sagot ni Exequiel kay Blaire.

            "Puto Bumbong is fine," sagot ni Blaire sabay iwas ng tingin. Fine. Patay-gutom siya, okay? Kaya nga chef din siya eh. Buti na lang masipag talaga siyang mag-workout kaya hindi siya sobrang tumataba katulad ng dati.

            "One Puto Bumbong with Muscovado Butter and two Ube and Sago," pagtatapos ni Exequiel.

            Inulit ng waiter ang kanilang mga inorder bago umalis.

            "Hindi ako nag-breakfast kanina," panimula ni Blaire pagkaalis ng waiter.

            Exequiel let out a low chuckle at sumandal sa kanyang upuan. "I wasn't asking," nakangiting komento ni Exequiel.

            "We'll split the bill," sabi ni Blaire.

            "I wasn't asking for you to pay as well," nakangiting sagot ni Exequiel.

            "You find this amusing huh?" nakangusong sagot ni Blaire.

            Exequiel chuckled again at isinandal niya ang kanyang dalawang braso sa lamesa. "Devan, you can be yourself around me. Haven't I established and made you feel that way?" nakangiting sabi ni Exequiel kay Blaire.

            "You have," sagot ni Blaire.

            "And I appreciate women with big appetites," nakangiting dagdag ni Exequiel.

            "Bloated na naman ako nito mamaya," nakangusong sagot ni Blaire.

            "That's why we'll walk around para bumagsak lahat ng kinain natin," nakangiting sagot ni Exequiel. "Come on, just enjoy the meal that I think you'll really like," dagdag ni Exequiel.

The Waiting GameOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz