Chapter 75: Tsinelas

528 7 0
                                    

Chapter 75: Tsinelas


Natulala ako sa nakita ko.


Anong ginagawa ni Elanie rito??


"E – Elaine.. Anong ginagawa mo rito??"


"Nandito ka ba para iligtas kami ni Marion??" patuloy ko..


Ngumiti lang ito sa akin habang tinititigan ako.


Sa pagkakataong 'yun, pumasok sa isipan ko ang lahat ng nangyari dati. Yung pagkakakita ko sa laman ng nahulog na wallet nito, sa pagkakasabi sa akin ni Lotty dati na misteryosa si Elanie dahil sa wala itong mga impormasyon sa school namin at. At..


"H – hindi maari.. H – hindi 'to totoo.." bulong ko sabay iling..


"Ngayon, alam mo na ang sagot sa tanong mo?" sabi nito..


"H – hindi 'to totoo.." sagot ko..


"Gusto mong maniwalang totoo 'to?"


Lumapit ito sa akin at.


"Ma'am! Ano gagawin niyo??"


Inikot nito ang balisong sa harapan ko at.


"AGGGRRRHHH!!!!"


Dinaplis nito sa braso ko ang hawak nitong balisong. Dahilan para magkaroon ako ng sugat at magdugo ito.


"B – bakit mo ginawa 'yun???" tanong ko habang namimilipit sa sakit..


"Patunay 'yan na totoo ang lahat. Hindi ka nananaginip, mahal kong sissy." sabay ngiti nito..


"'Wag na 'wag mo akong tatawaging sissy.. Sino ka ba!!!!!" sigaw ko..


"Ako? Ako pa rin ang Elanie na kilala mo."


"Hindi ikaw si Elanie na nakilala at kaibigan ko!!!!"


"Kaibigan? Tinuring mo akong kaibigan?" sabay tawa nito..


Nakatitig lamang ako rito habang maluha-luha dahil sa hapdi ng sugat sa braso ko.


"Nakakatuwa naman. Tinuring niyo pala akong kaibigan. Kasi ako.."


"Hindi." tuloy nito..


Sabay tallikod nito sa akin.

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon