Why 2: Tripping Point

Start from the beginning
                                        

"Anong oras ang sunod mong klase?"

"Tatlong oras mula ngayon." Mahinang tugon ko. Iniiwasan ko lang naman talaga ay ang maabutan ang muling pagdating ni Trevor. Hindi ako naghapunan kagabi at pumasok din ng walang agahan man lamang. At ngayon naman hindi din ako makaalis dito. Baka hindi na kayanin ng tyan ko kapag naka-amoy pa ako ng pagkain.

Inumpisahan na ni Ms. Jack ang paggamot sa aking tagiliran pati na rin ang paglalagay ng beda dito.

Muling bumukas ang pintuan dahilan upang magtaklob ulit ako ng kumot kahit na hindi naman nya ako makikita dahil sa liit ng pagkakahawi ng kurtina.

Agad kong naamoy ang pagkain ng inilabas na niya ito sa mga supot. Amoy na amoy ko ang spaghetti at chicken ng jollibee. Alam na alam ko ang amoy ng paborito kong pagkain.

"May stall pala ng Jollibee sa canteen. Tara na kumain." Pag-aaya nito. Hinawakan ko ang kumakalam kong sikmura. Mas torture ito kaysa sa sakit ng tagiliran ko.

"Tatlo?" Tila nabuhayan ako ng loob. Para sa akin ba ang isa? Pero malakas ang metabolism at pagkain ng mga lalaki kaya malamang ay kay Trevor din iyon.

"Yeah, For you, for me and for her. Shall we?" Maikling tugon nito.

"Lumabas ka dyan Harper at sumabay na sa amin. Trevor won't bite, he's a good dog." May pang-aasar na wika ni Ms. Jack. Hindi na ako nagdalawang isip pa at muling isinuot ang jacket ko.

Mas matindi ang gutom ko ngayon kaysa sa hiya. Mamaya na lamang ako mahihiya kapag busog na ako.

Nagsisimula nang sumubo si Trevor ng kanyang pagkain ng mapalingon ito sa akin. Tumungo lamang ako nang magtama muli ang aming paningin. Hindi ko din naman alam kung ngingiti ako sa kanya o ano. Kahit pa magkaklase kami ay hindi ko siya ganoon kakilala at marahil ay sya rin sa akin.

Umupo ako sa tabi ni Ms. Jack. Sya na ang naglagay ng pagkain sa aking harapan. Ang dami! Burger, fries, peach mango pie, chicken, spaghetti at rice! Tila tutulo ang laway ko sa nakikita. Nasa unahan namin si Trevor at sa kanan ko naman si Ms. Jack. Mabuti at nagkasya ang mga pinamili nya dito sa desk ni Ms.Jack.

Una kong nilantakan ang rice at chicken. Malutong at bagong luto pa ang manok. Walang nag-uusap sa aming tatlo at tanging ang tunog lamang ng plastic spoon and fork na tumatama sa karton na nilalagyan ng pagkain ang nagsisilbing musika sa buong kwarto.

Napaka-elegante ng bawat pagsubo at pagnguya ni Trevor. Paminsan minsan at ninanakawan ko sya ng tingin. Kinuha nya ang chicken gamit ang kamay at kinagat ito. Nakataas pa ang hinliliit nya na tingin ko ay nakagawian na nya na hindi nya napapansin. Si Miss Jack naman ay busy sa pagsawsaw ng fries nya sa natirang sauce ng spaghetti.

Tila ba isang mitsa ng matagal nang nakalimutang damdamin ang araw na ito at ang mga sumunod. Kahit ilang buwan ko nang kaklase si Trevor ay hindi ko sya gaanong napapansin. Ngunit may iba sa araw na ito. Bawat galaw, bawat katagang lalabas sa bibig nya kahit pa bastos at mura ang ilan ay tila musika na nais kong pakinggan.

Nais kong malaman ang bawat galaw nya, ang bawat gusto nya; na ang maliit kong mundo ay tila nagkaroon ng maliit na espsasyo para sa paghanga sa kanya. Ngunit hanggang doon lamang. Paghanga dahil sa kabila ng ilan na negatibong bagay tungkol sa kanya ay nangingibabaw ang kabutihan. What are you talking about Harper, pinakain ka lang ng Jollibee nahumaling ka na. Baka nilagyan nya iyon ng gayuma?

"Okay, I know it is still too early, but I want you guys to have your partner for your project. Hindi lang ito sa project kung hindi pati na din sa mga magiging activities natin. I don't want to hear any complaints na hindi nagtatama ang sched nyo ng groups nyo or partner kasi magkakaibang tao ang kagroup nyo sa iba't ibang projects. Now start choosing your partner. I'll be back after 10 minutes."

Lumabas na ang aming instructor at hudyat na din na magtayuan ang buong klase para makahanap ng kapartner. May mga ilang tao na sumalubong sa aking tingin ngunit lumampas lamang ang mga ito. Ano pa nga ba nag ieexpect ko.

I may look normal, plain and ordinary but the way people see me will be the same judgement for that person na magiging partner ko. And no one would like to be judged. Ito ang panahon na kailangan nilang isalba ang sarili mula sa kahihiyan. They are ashamed to be partnered with me, the weird girl.

Umayos na ako ng upo at sinimulang ayusin ang magulo kong armchair. Bahala na si Ma'am mamaya kung anong gagawin nya. Hindi ko din naman kailangan ng partner dahil sa huli ay ako lamang ang gagawa ng mga ibibigay na activitites. Isn't that my purpose to them? And I just let them.

Nawala ang atensyon ko sa aking mga gamit ng maramdaman ko ang paghila nya ng armchair sa aking tabi. Tinitigan ko sya na tila ba isang bagong specimen. Mata, ilong, labi pwede na syang modelo dahil kahit paghila lamang ng upuan ay ikinagwapo nya pa. Tila tumigil ang tibok ng puso ko sa bigla nitong paglingon at pagtitig sa akin.

"In case it's not obvious to you, I'll be your partner if you don't mind." Nilingon ko ang mga kasamahan nito na nagthumbs up pa sa kaniya. Tatlo silang palaging magkakasama kaya't hindi nakakapagtaka na may maiwan sa kanila. Ngunit ang makapartner ko siya ay ang misteryo doon.

Mas hindi nakakapagtaka kung ipinilit na lamang ang isa na makapartner ko, because that is how it is supposed to be. Mga pinagkatuwaan ng mga kaibigan kaya nai-partner sa akin. But him, why does it look like he's okay with it?

Naupo na sya upuan na inilapit nya sa akin.

Bahagya itong lumapit sa akin. Isang buntog hininga ang kanyang pinakawalan. Unti-unti nitong inilapit ang bibig sa aking tainga.

"Parner in life, I mean."

Tila umakyat lahat ng dugo sa aking katawan papuntang mukha. Ang bawat salita at kung paano nya ito binitawan ay kayang magpahulog sa damdamin ng kahit na sino. Hindi na ako nakapagwika ng kahit na ano sabay ng dating ng aming guro. Nakangiti lamang ito na muling umayos ng upo.

So this is his charm; the ever so mischievous and womanizer Trevor.

Why and What ifWhere stories live. Discover now