Nagmamadali akong naghugas ng mga pinagkainan nila kagabi habang bahagyang ipinapandyak ang mga paa at paulit-ulit na tumitingin sa orasan. Bakit ba bumibilis ang takbo ng oras kapag nagmamadali?
Napaka-galing Harper, talagang sa orasan mo isinisi ang tanghali mong paggising. Nang matapos ay naglagay na ako ng tubig sa takore at nag-init ng tubig at saka pumasok na sa banyo para maligo. Mas mainit pa sa kumukulong tubig ang ulo ni Tyang kapag wala syang magamit na mainit na tubig para magkape. Swerte na din na tanghali na din silang nagising. Sakto naman ang pagkulo ng tubig at ang paglabas ko sa banyo.
Agad akong dumiretso sa lutuan at isinara ang gasul at isinalin ang mainit na tubig sa thermos. Muli kong sinulyapan ang orasan. 6:40 am. Nagmadali na akong umakyat sa kwarto at nagbihis ng uniporme na nasa tukador. Hindi ko na din naplantsa pa ang aking blouse at pinatungan na lamang ito ng jacket na kulay abo.
Nasa loob ng kwarto nina Tyang ang plantsa at isa pa ay tanghali na talaga ako. Terror teacher pa naman si Sir Ariz. Siguradong madaling makakalusot ang mga gwapo o basta lalaki naming kaklase, ngunit para sa aming mga babae ay dadaan sa butas ng karayom bago nya tanggapin ang dahilan kung bakit kami nale-late o kung minsan ay hindi na humihingi ng dahilan.
Dahilan kung bakit karamihan ay pinagdududahan ang kanyang pagiging propesyonal at maging ang kanyang kasarian dahil sa pagkahilig sa kaparehong kasarian. I mean, it's okay to like the same gender, but he needs to be professional about it.
Nang makapag-ayos ay kaagad ko nang isinuot ang aking sapatos at inilagay sa bag ang laptop. Awtomatikong napapikit ang aking mga mata nang tamaan ng liwanag galing sa sikat ng araw. Patunay na talagang tanghali na ako. Higit sa pag-alala tungkol sa pagka-late ay ang pag-aalala ko para sa sarili ko.
Nagmamadali kong binaybay ang gilid ng kalsada. Hindi pa din ako makahagilap ng dahilan kung bakit ako nalate ngayong araw, kung tatanungin man ako ni Sir Ariz.
Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang namumuong pawis sa aking noo. Marahil ay wirdo akong maiituturing ng mga taong nalalampasan ko. Wala naman atang tao ang nasa tamang katinuan ang magsusuot ng jacket sa init ng panahon. Pero nasa tama naman akong pag-iisip ah. Wala lang akong choice kung hindi ang suotin ito.
I don't want to look like an abused child, or more likely, I don't want them to know I am an abused child and get pity from them.
Isa sa huling bagay na nais kong makuha sa kanila ay awa. Ipinagsisigawan lamang noon na I'm a hopeless case, which is true. But isn't it a human nature of not wanting people to point out what's pretty obvious and something you are aware of? Ayaw nating ipinagdidikdikan sa atin ang mga bagay na alam na naman natin.
Hindi na ganoon kahaba ang pila sa entrance ng school. Ang dati kasing simpleng gate ay pinalitan ng gate na may I.D Access. Kailangan pa tuloy i-tap ang I.D, at one at a time pa ang pagpasok, sa dami ng estudyante ay talagang hahaba ang pila bago kami makapasok. Kung minsan ay nagmumukhang pila ng block buster na sine na ngayon ang unang araw na palabas ang pila ditto sa gate.
Nang makarating ako sa classroom ay pandalas na din sa pagkokopyahan ang mga estudyante. Ang iba ay naghahati sa isang notebook kung nasaan ang sagot. Akala ko ay wala nang papansin sa aking presensya dahil sa sobrang busy nila.
"Yun! Dumating din! Harper pagaya!" Kaagad na lumapit sa akin si Trisha. Hindi ko pa man naiibaba ang bag ko ay nabuksan na nya ito. I interrupted her and give her my notes, the one that I will not submit. Sa dami naman kasi ng kamay na pagpapasa pasahan niyon, malamang ay gusot na pagdating sa akin. Daig pa ang hinugot sa pwet ng manok.
I can't say no. Hindi naman sa dahil ayaw ko silang pagayahin, dahil lang sa hindi nila pagrespeto sa gamit na hinihiraman. Hindi kasi nila ito iniingatan. Kung hindi ko din naman sila pahihiramin ay kung anu-ano pa ang maririnig ko.
YOU ARE READING
Why and What if
Teen FictionHarper and Trevor. Timid and Outgoing. Conservative and Liberated If there's a common ground, it's both of them are just as broken and seeking. What will happen if their fate got tangled? Will they both find what they're looking for or will they br...
