"Makabata ka naman. Feeling mo sobrang tagal mo na dito. End ng high school mo lang ako nakilala hindi elementary." Pagrereklamo nito. Nakakaakit ang baritonong boses nito at ang light brown nyang mga mata kahit saglit ko lamang itong nasulayapan kanina. Hindi lahat ay nakakaclose ni Ms. Jack kaya't marahil ay matagal na nga silang magkakilala.
"Mahiga ka at ilagay mo ito dyan sa tagiliran mo para maibsan ang pamamaga at mamaya ko lalagyan ng benda." Utos nito at inalalayan ako. Nang masigurong ayos na ang aking katayuan ay lumabas ito.
Rinig ko ang paghatak niya ng upuan upang harapin ang bago niyang bisita.
"Ano ang kailangan mo?" Diretsong tanong ni Ms. Jack.
"Wala, alam mo naman na tambayan ko talaga ito." He's still playful as he talks to Ms.Jack.
"Sa pagkakatanda ko ay hindi ito ang tambayan mo kung hindi yung arcade sa labas o kaya maglinis ng mga storage room, gym o magbilang ng kotse sa labas." Sinabayan ito ng malalakas na tawa ni Trevor.
"Lakas mong maka-reminisce ah, tinalo mo pa ako. Palibhasa saksi ka sa mga kabulastugan namin lalo na noong high school." Naiimagine ko tuloy ang nakangiti na lalaki habang sinasabi iyon. Kagaya kung paano sya makipagbiruan sa klase.
Nagpapart time noon sa isang kilalang school si Ms. Jack na siguro ay pinaggalingan ni Trevor kaya't kilala na niya ito.
"Sorry, pero sarado ang tamabayan mong ito. May pasyente ako kaya lumabas ka muna." Patataboy sa kanya ni Ms. Jack.
"Jackie, ang cold mo sa akin ngayon ah. Ipinahihiya mo ako sa bisita mo. Alam mo ba ang tingin ng lahat sa akin? Lahat ng babae napapa-amo ko, lalo pa ngayon na good boy na ako." Pagmamalaki nito. Napangiti na lamang ako sa kung paano nya ilarawan ang sarili.
Alam nya ang tingin ng mga tao sa kanya, ngunit wala syang pakialam doon. Palibhasa ay kahit anong gawin nya ay kagigiliwan pa din sya ng marami. Gwapo, mayaman at masipag mag-aral ngunit mapanloko, mapaglaro at babaero. Halos pasok sa standards ng mga kababaihan at ng nakararami. Gwapo pero medyo bastos, bad boy type kung baga; every girl's dream boy.
"Good boy? Good boy ba ang araw araw iba ang babae mo? At isa pa, Ms. Jack. Hindi Jackie, hindi porket nagging suki ko na kayo noon sa dati nyong paaralan sa dalas nyo sa clinic ay close na tayo. Baka gusto mong malaman nila ang mga kalokohan mo noon." May pagbabanta na wika ni Ms.Jack ngunit may halo din na nagloloko lamang.
"Sa dami mong alam di pa tayo close nyan ha. Wow. Saka as if naman itinatago ko iyon, if they knew about it, baka mas lalo silang ma-inlove sa akin. Bad boy gone good."
"Wala ka bang klase?" pag-iiba nito ng usapan.
"Wala, di dumating bakla naming teacher,nakalimutan ko din assignment dun kaya buti na lang. Busy din si Nathan kasi puro exam sila ngayon kaya hindi ko maabala, ganoon din sina Sky at Drew." Rinig ko ang pagtayo at ang bawat hakbang nya na palapit ng palapit. Tila may tambol sa aking dibdib sa kaba na baka bigla nya itong buksan. Who knows what's running into his mind?
"I'll buy some foods. Tanghalian na din at saka tatlong oras pa bago ang sunod kong klase." Palayo na ng palayo ang kanyang hakbang hanggang sa marinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan.
Aktong tatayo na ako ng biglang nahawi nang bahagya ang kurtina. "Aalis na din po ako." Aalisin ko na sana ang cold compress na ibinigay kanina sa akin nang ituon nya ang isa nyang kamay sa aking noo dahilan upang mapabalik ako sa pagkakahiga.
"At saan ka naman pupunta? Hindi ko pa nalalagyan ng cream ang pasa mo at wala pa ding benda. Di pa din kita binibigyan ng pain reliever." Kapag ganito na sinusungitan nya ako ay wala akong magagawa kung hindi ang sumunod.
BINABASA MO ANG
Why and What if
Teen FictionHarper and Trevor. Timid and Outgoing. Conservative and Liberated If there's a common ground, it's both of them are just as broken and seeking. What will happen if their fate got tangled? Will they both find what they're looking for or will they br...
Why 2: Tripping Point
Magsimula sa umpisa
